"Zuri!" tawag ko sa pangalan niya habang kumakatok. Ngayon na kasi ang alis namin at kailangan naming umalis ng maaga para maaga rin kaming makarating. Bumukas ang pinto at sumilip lang sa akin si Zuri. "Ate, I can't find any clothes to wear," sabi niya. Pumasok ako sa loob at tiningnan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakaligo. "Pero marami kang pagpipilian. You have a lot of dress to wear," sabi ko. Halos mapuno na nga ang dalawang malaki niyang kabinet ng mga damit niya. "Mama always chooses what clothes I will wear. Mama knows what suits me," mahina ang boses niyang sabi. Si Mommy pala ang parating pumipili ng mga dapat na isusuot ni Zuri. Kaya nasanay na siya na si Mommy ang parating gumagawa noon. Kahit na ba sabihing kailangan naming mag move on from the past but still n

