"Saan tayo pupunta ngayon?" mahinang tanong ni Karina na papikit pikit pa ang mga mata. Mukhang naaantok pa lang siya. Napalingon ako kay Zuri na mahimbing pa rin ang tulog. Sasabihan ko na lang si Samantha na siya muna ang bahala kay Zuri dahil aalis kami ni Karina. Hinila ko na si Karina para kami ay bumababa na. Pero ba iyun ay pumunta na muna kami sa kuwarto ni Samantha at ibinilin sa kanya si Zuri. Pumunta na kami sa kotse ko at sumakay. Ako na ang umupo sa driver sit. "Hey, are you sure na kaya mo ng mag drive?" tanong niya habang siya ay nasa labas pa rin. "Susubukan ko kaya halika na sa loob o baka gusto mong ako na lang ang mag isang pupunta," sabi ko. Napakamot siya sa kanyang ulo at pumunta na sa tabi ko. "Ingat lang sa pag drive," sambit niya. Natawa na lang ako dahil sa it

