Pumasok na kami sa loob. Sumalubong naman sa amin ang mga lalakeng abala sa panginginom. Meron ding mga babae. Masasabi kong hindi ito tulad ng ibang bar na merong mga hindi kanaisnais ang ginagawa. Simpleng bar lamang ito. Umupo kami sa vacant na couch sa gilid. Patingin-tingin kami sa paligid kung meron kaming makitang kamukha ni Cham. Bawat isa na nandito sa loob ay tinitingnan ko. May uupo sanang lalake sa tabi ni Karina pero tinaboy niya ito. Hindi naman namilit pa ang lalake. Nais lang yatang magpakilala ng lalake pero sinungitan siya ni Karina. Magsasalita na sana ako pero may nahagip ang aking mga mata. Napatayo agad ako at tinitigan siyang mabuti. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba itong nakikita ko at hindi lamang ako namamalikmata? Naramdaman ko namang tumayo rin si Ka

