"Handa na ba ang lahat?" Napatango ako kay Karina. Ngayon na kasi ang araw na lalabas na ako dito sa hospital. Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong nagkamalay ako. Kahit papaano ay nagiging maayos na ang pakiramdam ko at unti unti ko ng natatanggap na ito na ang totoo kong buhay.
"Sigurado kang ayaw mong doon na muna kayo sa amin para sama-sama na tayo sa iisang bubong. Para sa ganoon ay kampante kaming ligtas kayo ni Zuri." Napailing ako sa kanya. Masyado sitang nag aalala para sa amin.
"Hindi, kakayanin namin ito ni Zuri. Salamat sa pag aalala pero buo na ang desisyon ko. Ayaw ko naman maambanduna ang mansyon. Marami din kasing alala ang naroroon kaya gusto naming manatili sa amin iyun. Huwag ka ng ma bahala pa. Maaari niyo pa naman kaming bisitahin. Parating bukas ang pinto para sa inyo," sagot ko.
"Oo na. Ganito na lang, hayaan mo akong ibalik ang mga katulong sa mansyon para may tumulong pa rin sa inyo ni Zuri. Sa tingin ko hindi mo kakayaning mag isa. Ikaw na ang nag aalaga sa kapatid mo at ikaw pa itong maglilinis, magluluto at kung ano pa man. Hindi ako makakapayag kaya pagbigyan mo na ako kahit ito lang," sabi niya. Ang babaeng ito talaga, hindi matatahimik kung hindi nasisigurong magiging ligtas kami kaya tumango na lamang ako para na rin matahimik na ang kalooban niya.
"Nasaan pala si Zuri?" Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita.
"Kasama niya si Ellen. Namasyal lang sila sa malapit na park dito," tugon niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit kay Karina upang tulungan siya sa pag aayos ng mga gamit ko.
"Umupo ka na lang muna, Esmae. Kakayanin ko ng mag isa ito, sige na." Kaysa sa makinig sa kanya ay para lang akong nagbibingihan. Para siyang si Mama na gustong gustong pakielaman ang mga gamit ko at kapag sinabi kong tutulong ako sa pagliligpit ay para pa silang galit.
"Hayaan mo na ako. Malakas na rin naman ang katawan ko. Tsaka mga gamit ko kaya itong inaayos mo kaya dapat tulungan na kita." Tiningnan niya lang ako at hinayaan na lang.
"Mag kuwento ka nga," untag niya.
"Huh?" Ano namang ikukuwento ko sa kanya?
"Nabanggit mo sa akin ang pangalang Zephyr, 'di ba? Mag kuwento ka tungkol sa kanya. Kung paano siya naging boyfriend sayo? Dali na," excited niyang sabi. Ipinaalala pa sa akin eh. Pero kung sabagay mahirap siyang kalimutan dahil alam kong nag mahalan kami ng totoo at ang saklap dahil hindi ko na siya makikita pa.
"Ano na?" naghihintay niyang sabi. Napaisip naman ako at inalala ang masasayang nangyari sa amin.
"Gentle man siya at mayabang," tipid kong sabi.
"Iyun na iyun? Masasabi bang kuwento 'yun?" nakasimangot niyang reklamo. "Teka mayabang ang lalakeng 'yun so paano ka nahulog sa kanya?"
"Oo mayabang siya but he love me so much. Kaya nagkaroon ako ng chance para pagbigyan siya ng pagkakataon para ligawan ako. Hindi ko naman alam na madali lang akong mahuhulog sa kanya. Ang akala ko mahihirapan akong subukan muli pero nagkamali ako. Hanggang sa sinagot ko siya bilang boyfriend ko. Paglipas ng ilang buwan nag proposed siya sa akin na agad kong tinanggap. Inaasahan kong hindi na masisira ang kasal pero..."
"Pero, ano?"
"Pero dumating ang kaibigan ni Zephyr at sinabi niyang wala na siya," nahihirapan kong sabi.
"What do you mean na wala na siya? Patay na?" Dahan dahan akong napatango. Napatakip naman siya sa kanyang bibig at para bang gulat na gulat ang kanyang mukha.
"Doon na ako nagkamalay at litong lito kung ano ang nangyari?"
"I don't expect that. Ang lungkot naman pala ng huli niyong pagkikita." Kaya kailangan ko ng kalimutan ang lahat.
Nang dumating na sina Zuri kasama si Ellen ay lumabas na kami ng hospital. Sumakay na kami sa kotse ni Karina. Nasa harapan kami ni Karina habang si Zuri ang nasa likod.
Nasa labas ng bintana ang aking tingin habang nagmamaneho si Karina. Ito na ang umpisa ng bagong buhay na haharapin namin. Mamumuhay kami ng wala ng pag aaruga ng mga magulang namin. Dahil doon ay responsibilidad ko na si Zuri. Ako na ang tatayong magulang niya at maging ang pagiging ate.
Habang hindi pa kami nalalayo sa hospital ay naningkit ang aking mga mata nang may makita akong isang lalake na pamilyar sa akin.
"Zephyr," sambit ko. Pero tuluyan na siyang nawala sa aking paningin dahil nakalayo na kami.
"Zephyr? Ang akala ko ba susubukan mo na syang kakalimutan," sabi ni Karina. Tumingin ako sa kanya habang siya ay nasa daan lang ang tingin.
"Na—na kita ko siya. Kanina lang nakita ko siya." Napailing iling naman siya sa akin.
"Baka guni-guni mo lang. Dahil siguro sa kakaisip mo sa kanya siya ang nakikita mo kahit na ibang tao naman talaga. You know what, kailangan mong iwaksi sa isipan mo ang tungkol sa kanya. Zuri needs you. Kailangan niya ng ate na tutulong sa kanya," sabi niya. Napatingin ako sa likuran ko kung nasaan si Zuri na mahimbing ng natutulog. Tama siya, mas kailangan kong pagtunan ng pansin ang kapatid. Hindi sa bagay na alam kong imposibleng makikita ko.
Nang huminto na ang kotse sa parking lot dito sa mansyon ay bumaba na ako at binuksan ang pintuan ng back seat. Ako na ang nagbuhat kay Zuri upang dalhin na sa kanyang kuwarto.
"Kaya mo ba?" Tumungo lamang ako sa kanya bago maglakad papasok sa loob. Pagpasok namin ay may nakita kaming mga katulong na sabay sabay na nagsiyukuan. Naalala ko sila, sila lang din ang mga dati naming katulong.
Si Katina na ang nagbukas ng pinto ng kuwarto ni Zuri at pumasok na kami sa loob. Dahan-dahan kong ibinaba si Zuri sa kama at kinumutan siya.
"So aalis na ako. Tumawag ka lang kung may kailangan ka. Oh by the way, may nagbibigay pala sayo 'to." Inabot ko sa kanya ang ibinibigay niyang isang kulay red na box.
"Kanino na namanito galing?"
"Naala mo 'yung lalakeng nasa park. Yung araw na pinuntahan kita para sabihin sayo na nakita ko sina Nico at Lyra na mag kasama then naabutan ko kayong dalawa na nag uusap. Siya—siya ang nagbigay niyan," paliwanag niya.
"Wala," sambit ko.
"Anong wala? Hindi mo maalala 'yung araw na 'yun?"
Napailing ako. "Hindi, wala akong maalala na may kinausap akong lalake. Kilala mo ako, hindi ako nakikipag usap basta-basta sa mga hindi ko kakilala," sagot ko.
"Oo alam ko pero hindi ako maaaring magkamali. Nakapag usap kayo before the day you accident. Okey hindi ko ipipilit sayo kung hindi mo maalala. Sinabi kasi sa akin ng doctor na maaaring may mga alaalang hindi mo maalala ngayon pero hindi naman daw magtatagal at babalik din," sabi niya. Sino ba ang tinutukoy niya? Wala talaga akong maalala pero siguro nga nawala lang sa isip ko dahilan ng aksidente at ng isang taong na coma ako.
"Pupunta na ako. Tawagan mo lang kami kung may problema," aniya. Hindi ko na siya sinamahan pa sa labas dahil iyun ang kagustuhan niya.
Naupo ako sa kama ni Zuri at napatingin sa hawak kong box. Ilang minuto pa ang aking hinintay bago ko napag desisyonan na buksan ito. Una kong tinanggal ang ribon na nakatali sa box sunod kong inalis ang takip. Agad kong nakita ang isa pang maliit na box. Kinuha ko ito at binuksan.
"Isang singsing?" mahina kong sabi. Bakit namna ako bibigyan ng singsing ng lalakeng 'yun? Ibabalik ko na sana sa lalagyan ang singsing ngunit may napansin akong nakaukit dito.
"Cham?" sambit ko. Tsaka ko lamang napagtanto kung anong singsing itong hawak ko ng makita ang nakaukit na pangalan ni Cham sa singsing. Napatingin ako kay Zuri at ng masiguro kong mahimbing na ang kanyang pagtulog ay lumabas na ako at pumasok sa kuwarto ko. Dumiretso na agad ako sa kabinet ko at hinanap ang isang lalagyan kong box na gawa sa kahoy. Inilabas ko lahat ng laman nito sa kama ko. Napahinto ako at napatingin sa isang bagay na aking hinahanap. Kinuha ko ang singsing na katulad ng isang hawak ko. Hindi ako pwedeng magkamali, si Cham nga ang nagbigay nito. Naaala ko pa ang huling sinabi niya sa akin bago niya ako iwan.
"Sa muli nating pagkikita, ibibigay ko sayo ang singsing na ito at ganoon ka rin sa akin. Balang araw, magkikita tayong muli. Pangako 'yan. Kaya sana huwag mo akong kakalimutan dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko. Kapag nasa tamang edad na tayo tandaan mong papakasalan kita. Ikaw lang at wala ng iba."
Iyun ang huling sinabi niya sa akin na matagal ko ng ibinaon sa limot. Pero ngayon sumagi sa aking isipan ang naging pangako niya sa akin. Buhay nga ba siya?
Tiningnan ko ulit ang gift box na bigay sa akin at doon ay may nakita pa akong isang letter card. Nang mabasa ko ito ay lalo akong naiyak.
Matagal na simula ng iwan kita. Naging mahirap sa akin ang tanggaping nalayo ako ng matagal sayo. Pero ngayon nasa malapit lang ako at binabantayan ka. Sorry kung ngayon lang ako nagparamdam. Pero ngayon nakabalik na ako at handa kong tuparin lahat ng ipinangako sa sayo. Maligayang kaarawan, uhugin.
Nagmamahal,
Cham
Napatakip ako ng aking bibig upang pigilan ang aking paghikbi. Bu—buhay nga siya. Buhay si Cham. Kung ganoon hindi siya namatay.
'Yung lalakeng nagbigay sa akin nito siya si Cham. Kailangan ko siyang maalala. Mariin akong napapikit at pinilit ang sarili kong maalala siya. Hanggang sa may sumagi sa aking isipan. Napamulat ako ng mata at para lamang akong natulala.
Siya...siya si Cham? Si Zephyr ay si Cham?
Naaalala ko na ang unang araw na pagkikita namin ni Zephyr sa isang park na malapit lang sa pagmamay-aring hospital ni Mama. Noong araw na 'yun hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Sa pangalang pagkakataong pagkikita namin ay sa isang panaginip kung saan doon ko siya nakilala bilang si Zephyr.
Siya si Cham, ang naging kababata ko na akala ko iniwan na niya talaga ako. Ngayon alam kong buhay siya at mali ang ipinarating sa akin na patay na siya. Kung alam ko lang na siya si Cham niyakap ko sana siya ng mahigpit at hindi na pinakawalan pa. Bakit hindi niya sinabi sa akin ng maaga? Nagkita na kami ngunit hindi man lang niya sinabi sa akin.