"Ano ba ang sinasabi mo na isang surpresa?" tanong ko kay Samantha habang siya ay abala sa pagbabalat ng prutas para sa akin.
"Huwag ka ngang atat. I'm sure malapit na sila." Ibinigay niya sa aking ang orange na binalatan niya. Hanggang ngayon hirap pa rin akong tanggapin ang lahat. Sino namang hindi kung ipinaranas sayo ang buhay na nagpasaya sayo? Si Zephyr, hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon at sinabi pa sa akin ng kaibigan niya na patay na siya. Ang saklap lang dahil napagdaanan ko muli kung paano ang masaktan sa araw mismo ng kasal. Hindi man tulad ng araw na ako ay ikikakasal sana kay Nico pero napagtanto ko na mas masakit pala kapag malamang patay na ang lalakeng papakasalan ko. Sa lahat ng pwedeng maging katapusan, bakit ganoon? Ang unfair ng mundo sa akin. Ano pa bang kailangan kong pagdaanan para ibigay sa akin ang pagkakataon na tuluyang maging masaya?
"Oh nag text na si Mommy. Papunta na raw sila dito," masayang sambit ni Karina. Napayuko naman ako.
"Hanggang ngayon pa ba iyun pa rin ang inaalala mo?" Umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Hindi madaling kalimutan ang lahat ng nangyari sa akin. Tunay ngang ang mundo ng panaginip ay isang magandang lugar. Isang lugar na kasama sila." Ramdam kong para na namang tutulo ang aking mga luha kaya mariin akong napapikit.
"And it healed the pain from your past, right." Napatango ako sa sinabi niya. Totoo naman, nakalimot na ako sa lahat ng pighati na dinaanan ko. Pero ngayon nagdulot naman ng kalituan sa akin ang panaginip na iyun.
Tok tok tok
Napalingon kami sa pintuan nang may kumatok dito. Bumukas naman ang pinto at tumayo si Karina para salubungin sina Tita at Tito, ang parents niya. Napangiti sila sa akin at ginantihan ko din sila ng isang ngiti. Ngunit naglaho ang aking ngiti sa labi nang napadako ang aking tingin sa likuran ni Tita. Bahagyang napaawang ang aking bunganga nang makita ko na ng tuluyan ang isang batang nakangiti sa akin ngayon. Totoo ba itong nakikita ko?
"Ate!" Tumakbo papalapit sa akin si Zuri at agad akong niyakap. Niyakap ko din siya ng mahigpit habang hindi makapaniwala sa nakikita ko. Buhay ang kapatid ko. Sa wakas gising na si Zuri.
"Ate I miss you po," umiiyak niyang sambit.
"Miss ka rin ni Ate." Pareho na kaming umiiyak habang yakap yakap ang isa't isa. Nang malaman kong patay na siya, sobrang ikinadurog ng puso ko dahil sa nalaman pero hindi...kasinungalingan lamang ang lahat. Gising na siya at yakap yakap ko na siya ngayon. Ito na talaga ang totoo at walang halong biro.
"Nagkamalay siya noong araw na kaarawan mo at mismong araw din na naaksidente ka." Napatingin ako kay karina. "Don't worry naipaliwanag na namin ang lahat sa kanya." Nabaling muli kay Zuri ang aking tingin at nakangiti pa rin siya sa akin.
"Sorry Zuri," pagpapa umanhin ko. Alam ko na naging mahirap sa kanya na tanggapin pagkawala ng mga magulang namin at ang malala pa ay na coma ako that time.
"No ate. I'm okay na po. Ate Karina help me." Hinaplos ko ang buhok niya. Sa nakikita ko ngayon parang maayos na talaga siya at tanggap na niya. Mabuti nalang ay nandito sina Karina at ang parents niya para tulungan kaming magkapatid. Masyado na namin silang naabala pero heto patuloy pa rin silang tumutulong.
"Nagpaka bait ka ba kina Tito at Tita mo? Baka sobrang kulit pa rin ng kapatid ko." Marahan kong pinisil ang kanyang pisngi.
"Hindi po, big girl na kaya ako," sabi niya. Sobrang saya ko dahil ngayon ay alam kong ligtas na siya.
"Nako, ang batang ito parating pinipilit na isama namin siya dito para bantayan ka pero ang sabi ko naman hindi maganda kung araw arawin niya ang pagbisita sayo dahil baka makakuha siya ng sakit," sabi ni Tita at lumapit sa akin. "Heto, sayo iyan." May inabot siyang isang box na kulay silver na red ribbon.
Inabot ko ito at tiningnan siyang nagtataka.
"Para sa akin? Kanino naman po galing?"
"Galing 'yan sa Mama at Papa mo. Bago may mangyari sa kanila ay nakapag usap pa kami at napag planuhan din namin ang tungkol sa birthday mo. 'Yan ang nasabing gustong ibigay sayo ng Mama at Papa mo kaya ako na ang bumili para sayo. Ibibigay sana namin 'yan sayo noong nakaraan mong birthday pero hindi namin inaasahan na may mangyayaring masama sayo. Pero dahil kaarawan mo na muli ngayon at gising ka na naisip kong ibigay na 'yan. Sige na buksan mo mo," sagot niya. Napatingin ako sa hawak hawak kong regalo. Naisip pa talaga nila akong regaluhan. Miss na miss ko na sila at gustong gusto ko silang yakapin pero hindi ko na magagawa pa.
Binuksan ko ang regalo nila sa akin at aking ikinatuwa nang makita ito. Isa itong relo. Ganito sana ang bibilhin ko pero nawala na sa isipan ko. Nahuhuli na kasi ako ng gising noong mga araw na buhay pa sila.
"Mahal na mahal ka nila. Wala silang bukang bibig kung 'di ikaw at si Zuri. Masaya niyang ikinukuwento sa akin tungkol sa lahat ng mga achievement mo at sa pagiging mabuti mong anak. Siya ang inang alam kong proud na proud sa anak niya," sabi niya.
Maswerte talaga ako, kami ni Zuri dahil nagkaroon kami ng mga magulang tulad nila. Marami na ang nagawa nilang kabutihan. Hindi lamang sa amin maging sa mga ibang tao ay handa silang tumulong. Pero binawi ang kanilang buhay. Tanggap ko na ang pagpanaw nila pero hindi ko maintindihan kung bakit sila pa? Sila na walang ibang kagustuhan kung 'di ang tumulong at mahalin kami. Pero wala na akong magagawa pa kung 'di ang tanggapin ang lahat.
"Magpapaalam na kami ng Tito mo. Andito naman si Karina para mag bantay sa inyo. Magpagalaing ka, ha." Tumango ako sa kanya at umalis naman na sila.
Inihiga ko na muna ang aking katawan upang makapagpahinga.
"Ate?"
"Hmm," sagot ko kay Zuri na nakaupo sa kama . Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya. Para akong takot na baka mawala siya sa akin. Siya na lang ang natitira sa akin kaya ayaw kong pati siya ay mawala sa akin.
"Napaginipan ko po si Mama at Papa. They said they were happy in heaven. Kaya dapat po daw huwag na akong ma sad at ikaw din ate," sabi niya.
"Promise hindi na ako masa-sad." Ngumiti siya at hinawakan siya sa kanyang pisngi. Nagpapasalamat ako dahil ngayon ay tanggap niya na. Kung tutuusin napaka tapang ng kapatid ko kaysa sa akin.
Humiga siya sa aking tabi. Niyakap ko naman siya. Napatingin ako sa kanya at napangiti na lang ako dahil naka tulog na siya. Ang bilis talagang makatulog ng batang ito. Lalo n kung ako na ang yakap niya. Mas gusto niya pa akong yakapin kaysa kina Mama at Papa. Naalala ko pa noong tatlong taon pa lamang siya. Parati siyang pumupunta sa kuwarto ko para ako ang katabi niya. Tampong tampo nga si Mama dahil mas gusto niya akong katabi kaysa sa kanya. Ang sarap balikan lahat ng mga alaalang nangyari sa amin noong buo pa lamang kami. Kung maaari ko lamang ibalik ang lahat na kasama sila gagawin ko pero napaka imposible ng gusto ko kaya ang maaari kong gawin ay tanggapin na lang.
Naalimpungatan ako nang maramdam kong may tumatapik sa aking pisngi. Namumungay ang mata kong tiningnan si Karina. Napansin ko naman na wala na si Zuri sa aking tabi.
Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil para siyang balisa. May problema na naman ba?
"Bakit ka ganyan makatingin? Bakit pinagpapawisan ka?" Umupo ako at humarap sa kanya.
"Si Zuri. Esmae si Zuri hindi ko mahanap," natatarantang sabi niya.
"Ano? Nawawala si Zuri? Karina naman, katabi ko lang siya kanina. Paano siya nawala?" Kinakabahan na ako. Saan naman siya nag punta?
"Lumabas lang kami kanina para samahan siyang bumili ng makakain niya pero nawala siya sa paningin ko. Hinanap ko na siya pero—"
"Hahanapin ko siya," sabi ko at bumaba sa kama.
"Pero Esmae hindi pa masyadong malakas ang katawan mo. Humingi na ako ng tulong para mahanap si Zuri."
"No. Hahahapin ko siya at hindi mo ako mapipigilan. Kung gusto mo akong samahan ikaw na ang bahala," angal ko. Naglakad na ako papuntang pinto at binuksan ito. Sumunod naman sa akin si Karina. Nasaan na ba nagpunta ang batang iyun? Huwag namang sanang may mangyaring masama sa kanya dahil hindi ko na kakayanin pa kung mawawala siya.
"Karina maghiwalay tayo. Doon ka sa loob ng hospital maghanap at ako sa labas," utos ko sa kanya. Aangal pa sana siya pero nagsalita muli ako. "Please Karina." Tumango siya sa akin pero alam kong napipilitan siya. Tumungo naman na ako sa labas para doon mag hanap. Sa park agad ang naisip ko na puntahan. Kahit na naghihina ako ay pinilit ko pa rin ang sarili kong maglakad.
Tumingin tingin ako sa paligid pero hindi ko siya nakita. Halos libutin ko na itong park ngunit bigo pa rin ako. Napahinto ako sa pagalalakad ng maramdaman kong nahihilo ako. Napaka kapit ako sa isang puno upang maging suporta ko. Napapatingin din sa akin ang mga tao sa akin. Siguro dahil sa suot ko.
"Miss okay ka lang." Napatingin ako sa lalakeng nagsalita sa aking tabi. Nakasuot ito ng mask at sombrero kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Bigla namang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ito mula sa aking bulsa.
"Karina, ano nahanap mo na si Zuri?"
nanghihina kong tanong.
"Oo, kasama ko na siya. Kailanagan mo ng bumalik dito."
"Salamat, pupunta na ako diyan." Ibinababa ko na ang cellphone ko. Naglakad naman na ako pabalik sa hospital at hindi na pinansin pa ang lalake.
Pagbukas ko ng pinto at sumalubong sa akin si Zuri at niyakap ako.
"Ate sorry po. Sorry kung umalis ako," umiiyak na sabi niya. Lumuhod naman ako para mapantayan siya at pinunasan ang tumutulong luha sa kanyang mga mata.
"Huwag mo ng pag aalalahanin si ate, huh? Hindi ko kakayanin kung mawala ka sa akin. Mahal na mahal ka ni ate," sabi ko.
"Sorry, Esmae." Napatingala ako kay Karina at napangiti sa kanya.
"It's okay, ang importante nandito na si Zuri at ligtas siya," sagot ko. Hindi naman niya ginusto na mawala sa kanyang paningin si Zuri kaya hindi ko siya sinisisi.