Nagbungang pagmamahalan

1692 Words
Chapter 5 Dahil sa milagrong naganap ay napalapit ang dalawa sa isa't-isa at nagkaroon ng sekretong relasyon na kung saan ay sekreto silang nagtatagpo. At ang milagro ay nangyari ng paulit-paulit... Mas masarap at exciting ang patagong relasyon! Bawat pagkikita nila ay kapana-panabik! Mga karanasang nakakadarang... "Darren..." mahinang bulong ni Santana. Pumuslit siya sa kanilang bahay sa kalagitnaan ng gabi upang makipagkita kay Darren. Ayaw niyang kumatok sa kubo nito, baka magdulot pa ng ingay. Tahimik na ang buong paligid at tulog na ang mga tao. Maliban sa kanila na hindi makatulog sa sobrang init na nadarama! "Darren..." muli niyang tawag sa binata at bumukas ang pintuan. "Santana!" Gulat na sambit ni Darren at mabilis siyang hinila papasok sa loob. Siniil kaagad siya ng halik ni Darren at walang sinayang na sandali. Bawat segundo ay importante sa kanila at ayaw nila na masayang ito. Agad na tinanggal ni Darren ang zipper ng kanyang bestida at bumagsak ito sa baba. Kasunod ng panloob na saplot na agad niyang itinapon. Parang mababaliw si Darren sa ganda ng katawan ni Santana at ang dalawang bundok nito na malulusog at malalaki ay tinatawag siya na akyatin ito. Inihiga niya kaagad si Santana at nagsimulang akyatin ang mga bundok. His hand couldn't hold it all dahil napakalaki ng mga ito. Napaungol si Santana at napakapit sa balikat ni Darren. Bawat pagkikita nila ay kakaibang karanasan ang pinaparanas ni Darren sa kanya! Hindi nakuntento si Darren sa paghimas lamang at agad itong nag dive sa dalawang bundok. S*cking with his tongue na nagpabaliw lalo kay Santana! "Ahhhhhh," sigaw ni Santana na may halong pag-ungol. "Santana..." ungol ni Darren habang patuloy sa kanyang ginagawa. Nakakadarang at nakakabaliw ang bawat pagdampi ng labi ni Darren sa kanyang katawan. Na halos mabaliw-baliw na siya sa sobrang sarap. At naulit pa ng naulit ang ganitong pangyayari... Ang bodega ng mangga na naging tahanan ni Darren ay siyang naging saksi sa kanilang pagmamahalan. Hindi pa sila handang aminin ang kanilang relasyon dahil alam nila na tututol ang dalawang matanda. Ngunit sabi nga nila na walang sekreto ang hindi nabubunyag. Makalipas ang dalawang buwan ng pinagsaluhang tamis ng nakakabaliw na pag-ibig ay nabuntis si Santana! Hindi niya alam kung bakit ayaw niya sa lasa ng tinolang manok ngayong hapunan. Ito pa naman ang pinakapaborito niya sa lahat! Pero pinilit parin niyang kumain dahil nagugutom siya. Maya-maya ay di na niya kaya pang kumain dahil naduduwal na siya! Agad siyang tumakbo sa lababo at sumuka ng sumuka. Nagkatinginan sila Mang Damian at Aling Ingrid. "Okay ka lang Santana?" tanong ni Mang Damian. "Ewan ko Lolo, masama ang pakiramdam ko." sagot ni Santana na nakangiwi ang mukha. "Papuntahin ko rito si Gardo. Baka kung ano na yan. Mahirap na magkasakit ngayon." Tumayo agad si Aling Ingrid. Nagdududa siya kay Santana. Pero pinapanalangin niya na mali ang kanyang iniisip. Ngunit sa kasamaang palad ay tama nga ang nasa isipan ni Aling Ingrid! "May sakit ba ang apo ko Gardo?" nag-aalang tanong ni Mang Damian. "Wala siyang sakit Mang Damian. Pero-" pabitin na sagot ni Gardo. "Pero ano?" nakakunot noong tanong ni Mang Damian. Hindi alam ni Gardo kung sasabihin ba niya o hindi! Napagpasiyahan nalang niyang sabihin ang katotohanan dahil hindi rin naman ito maitatago. "B-buntis po si Santana." nauutal na sagot ni Gardo. Nabasag ang basong dala ni Santana ng marinig ang sinabi ni Gardo. Buntis siya? Ang tanong ni Santana sa kanyang sarili. Pinaghalong kaba at pagkasabik ang kanyang nadarama. Kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng kanyang Lolo at Lola. Ngunit excited siya na magkaka baby na sila ni Darren. "Ano?! Umamin ka Santana. May nobyo ka ba? Bakit nabuntis ka?" galit at di-makapaniwalang tanong ni Aling Ingrid. Napaka-inosente ng kanilang apo! Sino ang lapastangan na dumungis dito? Habang si Mang Damian ay hindi makapagsalita sa sobrang galit. Pinipigil niya ang kanyang sarili at pilit na nagpapakamahinahon. Dahil hindi maganda ang kalalabasan kapag nilamon na siya ng kanyang galit! "Sino ang ama ng iyong dinadala Santana?" seryosong tanong ni Mang Damian. Hindi niya malaman ang isasagot! Baka mapahamak si Darren! Pero ayaw niya ng maglihim pa at gusto ng sabihin ang katotohanan. Ngunit bago pa siya makasagot ay biglang dumating si Darren! "Ako ang ama ng dinadala ni Santana. Patawad Mang Damian. Pero mahal ko si Santana at handa kong panagutan ang kanyang dinadala." kalmadong paliwanag ni Darren. Alam niya na galit na galit ang Lolo at Lola ni Santana. Sa kanyang kalagayan ngayon na may amnesia at walang ibubuga sa buhay ay hindi talaga siya matatanggap ng mga ito. Pero ipaglalaban niya si Santana ano man ang mangyari! Agad na sumugod si Aling Ingrid ng marinig ang kanyang sinabi. Kalmot at sabunot ang inabot ni Darren. "Walanghiya ka! Iniligtas ka namin, pinatira at pinakain tapos ito lang ang igaganti mo?" galit na tanong ni Aling Ingrid habang patuloy sa pagsambunot sa kanyang buhok. "Mas matatanggap ko pa kung si Pedro ang ama ng dinadala ni Santana!" sigaw nito. "Hindi ko po gusto si Pedro Lola. Si Darren ang mahal ko." paninindigan ni Santana. Samantalang hinayaan lang ni Darren na saktan siya ni Aling Ingrid. May kasalanan siya at handa siyang pagbayaran ang lahat. Para maibsan din ang galit na nadarama nito. "Paano na ang apo namin ngayon? Hindi namin kilala kung sino ka talaga at kung saan ka nanggaling! Paano nalang kung masamang tao ka at saktan mo lang ang apo namin?" parang tigre parin sa galit si Aling Ingrid. Hindi niya matanggap na ganito lang ang sinapit ni Santana. Ingat na ingat sila na hindi man lang madapuan kahit lamok si Santana pero nasalisihan parin sila ni Darren! Kung si Pedro ay wala siyang problema dahil kilala nila ang mga magulang ni Pedro at ito ay isa sa kanila. "Tama na Lola! Hindi masamang tao si Darren!" pumagitna si Santana at iniharang ang sarili kay Darren. Hindi niya na kayang pagmasdan na sinasaktan si Darren habang siya ay nakatingin lang. "Umalis ka diyan Santana! Hindi natin kilala ang lalaking 'yan. Magsisisi ka lang sa kanya!" galit na sigaw ni Aling Ingrid. "Wala akong pakialam! Mahal ko si Darren at mahal niya ako!" nanindigan parin si Santana para sa pag-iibigan nila ni Darren. Kahit may kaba sa kanyang puso ay handa siyang sumugal para sa baby nila ni Darren. Makaalala man si Darren balang araw. Alam niya na hindi siya makakalimutan nito. Lalo pa at may anak na sila! "Sumasagot kana ngayon!" akmang sasampalin ni Aling Ingrid si Santana, pero hindi natuloy ng sumigaw si Mang Damian. "Tama na! Sasaktan mo pa ang apo mo ng wala sa oras!" Sigaw ni Mang Damian. Ibinaba ni Aling Ingrid ang kanyang kamay at humihingal na napaupong muli. Muntik na siyang madala ng galit! Buti at napigilan pa siya ni Mang Damian. Habang si Gardo ay tahimik lang at hindi alam ang gagawin. Hindi siya komportable na masaksihan ang away sa loob ng pamilya. Kaya tahimik nalang siya at naghihintay ng pagkakataon na makauwi. "Ang sakit ng kalooban ko Damian. Si Santana. Ano na ang mangyayari sa apo natin!" Halos maiyak na sambit ni Aling Ingrid. Napakurap-kurap si Santana at tiningnan si Aling Ingrid. Kanina lang ay galit na galit ito. Ngayon ay biglang bumait at hindi niya maintindihan ang pagbabago nito ng ugali. Ngunit tahimik lang si Darren dahil naiintindihan niya ang pakiramdam ni Mang Damian at Aling Ingrid. Sino ba namang tao ang ipagakakatiwala ang kanilang apo sa lalaking walang alaala? Sa lalaking walang matinong trabaho? Kahit ganunpaman ay may nabuo ng plano sa kanyang isipan upang buhayin ang kanyang mag-ina! "Tama na, wala na tayong magagawa pa. Kundi ang ipakasal silang dalawa at bigyan ng pangalan ang magiging apo natin sa tuhod." Seryosong sabi ni Mang Damian. Hindi naman pwedeng hindi panagutan ni Darren ang kanyang ginawa kahit na may amnesia siya. Mahal nila si Santana at ayaw niyang maging babaeng disgrasyada ang tingin ng mga kapitbahay sa kanya. Kahit labag sa kalooban niya ay wala siyang magagawa sa ngayon. Nangako siya sa mga magulang ni Santana na aalagaan at proprotektahan ito habang sila ay nabubuhay. "Maraming salamat po, Mang Damian. Pangako, aalagaan at hindi ko pababayaan si Santana at ang magiging anak namin." Pangako ni Darren. Lumuhod siya sa harapan ni Mang Damian at Aling Ingrid. Tanda ng pagrespeto at bilang patunay na seryoso siya sa kanyang binitawang pangako. Hindi mapigilan ni Santana ang mapaiyak at maging madamdamin sa mga oras na ito. Mahal na mahal siya ni Darren! Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking handang gawin ang lahat para sa minamahal? Manhid lang ang hindi makadarama! "Huwag mong sirain ang pangakong yan Darren. Sa lalong madaling panahon ay kailangan niyo ng magpakasal. Ngunit bago ang kasal ay kailangan mong pumasa sa aking pagsubok." Ang makahulugang sambit ni Mang Damian. Biglang kinabahan si Darren. Kung ano man ang pagsubok na ito ay kailangan niyang malagpasan! Napakapit naman si Santana sa braso niya. Hindi alam ni Santana kung anong pagsubok ang tinutukoy ng kanyang Lolo! Nag-aala siya para kay Darren kahit pumayag na ito na makasal sila. Si Aling Ingrid ay pagod ng magalit. Ipinagdarasal nalang niya na sana ay huwag masaktan si Santana. Na maging masaya ito sa piling ni Darren kahit labag sa kalooban niya. "Nakahanda po ako sa kahit na anong pagsubok Mang Damian." Matapang na sagot ni Darren. Napangiti si Mang Damian. Ngiting may halong lalim! "Kung gano'n ay tumayo ka!" Utos nito. Nagtaka ang lahat maliban kay Aling Ingrid. Napabuntunghininga nalang siya. Galit parin ang asawa niya! Dahan-dahan namang tumayo si Darren na nagtataka. "Nakahanda ka na ba?" seryosong tanong ni Mang Damian. "O-opo." Hindi siguradong sagot ni Darren. Kung kanina ay malakas ang loob niya. Ngayon ay bigla siyang kinabahan! Sa isang iglap lang ay tumama ang kamao ni Mang Damian sa mukha ng nagulat na si Darren. Dahil sa bilis ay hindi nakailag si Darren. Biglang umikot ang kanyang paningin at natumba siya. He can't die! Lalaban siya para kay Santana. Ngunit dinadaya siya ng kanyang mga mata. Bigla siyang nakadama ng antok at tila hinihigop siya papunta sa kadiliman. Bago mawalan ng malay ay nasilayan pa niya ang magandang mukha ni Santana na umiiyak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD