Maligayang mga araw...

1305 Words
Chapter 6 Nagsimulang mag-ipon si Darren galing sa kanyang pagluluto. At gusto niya rin sanang magtrabaho sa bayan pero ayaw nina Mang Damian at Aling Ingrid. Bawal siya magpunta doon! Hindi niya alam kung bakit dahil hindi nila sinabi ang dahilan at ayaw na rin niya na magtanong pang muli. Baka magbago pa ang isip ng mga ito kung ipipilit niya ang pagtratrabaho sa bayan at hindi ipakasal si Santana sa kanya. Pero hindi sasapat ang ipon niya kung walang okasyon tulad ng binyagan, kaarawan at kasalan. Kaya, humanap siya ng paraan upang kumita ng mabilis at makaipon kaagad. Nagtayo siya ng bahay kubo na kainan at siya mismo ang nagluluto. Si Santana ang kanyang cashier. Si Darren na rin ang waiter kapag tapos na siyang magluto. Araw-araw ay bukas ang kainan at sa awa ng Diyos ay may bumibili at kumakain naman. Ang mga manggagawa sa kabukiran ay pwede umutang at tsaka na ang bayad kapag may sweldo na sila. Ayaw niyang palakihin ang tiyan ni Santana at gusto na niyang makasal sila kaagad. Sa loob ng dalawang buwan ay nakaipon naman siya kahit hindi kalakihan pero sapat na upang maidaos ang simple nilang kasal ni Santana. Naganap ang kasalan sa maliit na simbahan ng bayan ng San Agustin. Imbitado ang lahat ng malapit na kaibigan at kakilala. Para kay Santana ay ito na ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay. Ang makasal sa lalaking pinakamamahal. Mayroon parin kaba at pagkabalisa sa kanyang puso. Dahil may amnesia parin si Darren. Pero kung hindi siya susugal ay mawawalan ng ama ang kanyang anak at mawawalan siya ng minamahal. She doesn't want to ruin their wedding. Thinking those negative thoughts! Darren will never leave them. Mahal siya ni Darren at mas lalo na ang batang nasa sinapupunan niya! Si Darren na mismo ang nagluto sa sarili niyang kasal para makatipid sila. Para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay. Ang magkaroon ng mabait at magandang asawa. Wala man siyang maalala sa nakaraan niya ay bubuo siya ng bagong alaala kasama ang pamilya. Excited na rin siyang makita ang magiging anak nila ni Santana. Makaraan ang ilang buwan ay isinilang ang kanilang munting prinsesa na pinangalanan nilang Alena Santillan. Napakasaya nilang dalawa sa piling ni Alena. At makalipas ang dalawang taon... "Naku, huwag kang takbo ng takbo bata ka!" sigaw ni Aling Ingrid habang hinahabol ang maliit na bibong si Baby Alena. Ang makulit at bibo na si Alena ay masayang naglalaro habang ang kanyang Lola na si Aling Ingrid ay habol naman ng habol sa kanya. Ayaw niyang madapa ito at todo alalay siya kahit hingal na hingal na ay ayaw niyang huminto. Gusto niyang bantayan ang apo! Si Darren at Santana ay nasa tindahan. Kapag wala sila ay si Aling Ingrid ang nagbabantay kay Alena. At the age of two ay napakatalino ni Alena. Alam ni Santana na nagmana ito sa kanyang ama. "Ingrid, ako ang nahihilo sa'yo!" sigaw ni Mang Damian na kanina pa nakatingin sa mag Lola. "Tigilan mo ako Damian! Kailangan ko bantayan ang apo natin baka madapa." sagot ni Aling Ingrid. "Mauna ka nalang madapa si Baby Alena ay okay lang. Hayaan mo siya maglaro, para kang bubuyog kakasunod sa apo mo." nakatawang sambit ni Mang Damian. "Papa!!" sigaw ni Alena ng makita si Darren at Santana. Maagang naubos ang kanilang paninda at umuwi kaagad sila. "Baby! Tumatakbo kana naman. Mapapagod si Lola." nakangiting sambit ni Darren at niyakap ang anak. Kahit pagod na pagod sa pagluluto ay nawawala ito kapag makita at mayakapa ang kanyang baby na si Alena. "Ay si Mama, walang yakap?" kunwaring tampo ni Santana. Maki-papa talaga si Baby Alena. Pero malambing din naman ito sa kanya. "Mama!!!" bibong sigaw ni Alena at bumitaw ito kay Darren. Niyakap niya si Alena. "Lambing talaga ng baby namin! May surprise kami sa iyo Baby Alena." nakangiting sabi ni Santana. At iniabot ang laruan na manika. Dahil hindi sila pwedeng magpunta sa bayan ay nagpabili siya sa kanyang kaibigan. Alam nilang matutuwa si Alena sa laruan. "Wow, Ang ganda!" bulalas ni Alena at niyakap kaagad ang manika. Sa edad ni Alena ay matatas na ito magsalita ng tagalog na hindi nabubulol. Gifted ang kanilang anak at natutuwa sila. Gusto na nga nitong mag-aral pero masyado pang maliit. Kapag nag limang taong gulang na ito ay papag-aralin na nila. Binilhan nila ito ng papel at lapis para malibang. At gustong-gusto ni Alena ang gumuhit palagi ng family portrait. Kahit hindi gaano kaganda ay makikita mo talaga na magaling na mag drawing si Alena sa edad na dalawang taon. "Tama na 'yan. Halika na kayo at maghapunan tayo ng maaga." tawag ni Aling Ingrid. Kanina pa siya nakapagluto ng tinolang manok at ininit nalang niya. Alam niyang pagod si Darren at Santana, kaya siya ang palaging nagluluto ng hapunan. Napatunayan naman ni Darren ang sarili at wala na siyang duda sa katauhan nito. Isa lang ang pinangangambahan niya. May amnesia parin si Darren! Paano kung may pamilya pala itong naiwan? Paano na si Santana at Alena? At marami pang mga katanungan sa kanyang isipan. Mababaliw lang siya kung magpapalamon sa pag-aalala. Pinagdarasal nalang niya na palaging Masaya at malusog ang kanyang apo at apo sa tuhod. Matapos ang hapunan ay maagang nagpahinga si Darren at Alena at katabi nila palagi si Baby Alena sa pagtulog. "Mama, Papa. Love Baby Alena," nakangiting sambit ni Alena habang hawak ang kamay ni Darren at Santana. "Love you Baby," sagot ni Santana at hinalikan ang chubbing mukha ni Baby Alena. "Love you so much Baby," niyakap ni Darren si Baby Alena at hinalikan ito sa noo. Mabilis lang nakatulog si Baby Alena at inilipat agad ito ni Darren sa kanyang munting kwarto. "Darren, bakit mo nilipat si Baby Alena?" nagtatakang tanong ni Santana. "Pabalikin ko mamaya," bulong ni Darren at agad na nilamutak ng halik si Santana. Hindi niya ito napaghandaan pero gumanti siya ng halik. Na miss niya ang asawa! "Santana..." Ungol ni Darren ng magsimula itong pumasok sa kanyang kweba. Napayakap si Santana sa kanyang baywang at mas lalo niyang diniinan ng mahigpit. Gusto niyang sisirin pa ni Darren ang kailaliman niya! Spreading her legs wider to give more access to him. "Darren," ungol ni Santana. "Ohhhh!!!" at napaungol siyang muli ng binilisan ni Darren ang pag galaw. Nakakabaliw ang bawat pagbayo ni Darren na napapakagat labi pa si Santana. "I love you, Santana." bulong ni Darren at mas lalo pang diniinan at binilisan ang kanyang pagkilos. "Ahhhhhh," ungol lang ang tanging nasagot ni Santana. At hindi magsasawa si Darren na pasayahin ang asawa. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina at wala na siyang mahihiling pa. Kahit pagod sa trabaho ay kakayanin niya. Mabigyan lang ng magandang buhay ang mga ito. ****************************** MONTERO MANSION Samantalang abala ang lahat sa Mansion ng mga Montero. Bukas na ang ika-dalawang taon na anibersaryo ng pagkamatay ni Alejandro. Pagkatapos ng padasal ay i-aanunsiyo na ni Don Antonio ang bagong tagapagmana ng trono. Simula ng mamatay si Alejandro ay lumayo si Angelo sa hindi malamang kadahilanan. Naging malamig ang pakikitungo niya sa kapatid na si Allen. Kahit labis na nagtataka ay hinayaan na lamang ni Allen ang bunsong kapatid. Alam niyang malungkot parin ito sa pagkamatay ni Alejandro. "Dad, you're drinking again." at agad na inagaw ni Allen ang baso ni Don Antonio. "It's just one shot of a glass my son," sagot ni Don Antonio at napabuntunghininga ng malalim. Hindi parin siya makapaniwala na patay na si Alejandro! "Okay," hinayaan nalang ni Allen si Don Antonio. Pero kinuha niya ang bote ng wine dahil makakasama ito sa kalusugan ng kanyang ama. Kung si Don Antonio at ang iba pa ay labis na nalulungkot, Ang anino naman na nakatago sa dilim ay labis na natutuwa! "Finally, Victory is coming." bulong niya at ngumisi ng nakakaloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD