Chapter 7
"Sigurado ka ba sa gagawin mo Darren?" nag-aalalang tanong ni Santana.
"Oo, kailangan natin ng extra income Santana," desididong sagot ni Darren.
Gusto niyang makaipon para sa pamilya at hindi sasapat ang kanilang kita sa karendirya.
Inihahanda na niya ang mga order na pagkain galing sa bayan. Kahapon ay pumuslit siya at naghanap ng pwesto na mapagbebentahan ng kanyang mga niluto.
At ngayon nga ay nais niyang magtinda ulit dahil parang kidlat lang sa bilis nabenta kaagad ang mga pagkain. At may mga nag order pa dahil masarap daw ang kanyang luto!
Si Santana ang maiiwan at siya ang magtitinda sa bayan.
Kung mahuli man sila ay aakuin niya lahat dahil siya lang naman ang pumunta sa bayan.
Samantalang si Santana ay kinakabahan parin sa paglilihim niya sa kanyang Lolo at Lola. Mahigpit na pinagbabawal nang mga ito ang pagpunta sa bayan!
Kung bakit ay hindi niya alam. Sabi ni Darren ay wala naman kakaiba sa bayan. Napakaganda nga ng tanawin nito at madaming pagpipilian sa palengke.
Nais ni Darren na ipasyal silang mag-ina sa susunod.
Pero kinakabahan parin siya na hindi niya maintindihan!
Papaalis na si Darren at bigla siyang nalungkot ng walang dahilan!
Hindi siya nakatiis at tumakbo papalapit sa asawa at agad na niyakap ito.
"Darren!" sigaw ni Santana at agad na yumakap kay Darren.
"Bakit? Ang higpit naman ng yakap mo at hindi ako makahinga." sambit ni Darren.
"Mag-ingat ka ha," naiiyak na sabi ni Santana.
"Syempre naman. Palagi ako nag-iingat," sagot ni Darren.
"Okay ka lang ba?" tanong nito.
Hindi siya okay! Pero ayaw naman niya pigilan si Darren sa gusto nitong gawin. Para rin naman ito sa ikakabuti ng kanilang pamilya.
"Oo, okay lang ako." masayang sagot ni Santana.
"Na miss lang kita kaagad," nakangiti niyang sabi.
Kailangan niyang maging masaya at baka mag-alala pa ito sa kanya.
"Ang sweet talaga ng asawa ko," lambing ni Darren. "Pahalik nga, pampabwenas." at mabilis siyang hinalikan ni Darren.
Habang papalayo ito ay hindi parin mapigilan ni Santana ang malungkot. Hindi niya alam kung bakit napakabigat ng kanyang dibdib!
"Darren," mahinang bulong ni Santana.
*******************************
BAYAN NG SAN AGUSTIN
Masayang-masaya si Darren dahil ubos kaagad ang kanyang paninda!
Parang binagyo ang mga tao sa dami ng bumili at may nag order ulit.
Masaya niyang binilang ang kanyang benta at nais niyang bilhan ng sorpresang regalo ang anak at asawa.
Ngunit may mga kalalakihan na biglang hinarang ang kanyang daraanan!
"Hoy feeling gwapo! Bago ka rito?" tanong ng isang payatot na lalaki.
Agad na itinago ni Darren ang kanyang pera sa bulsa. Hindi niya kilala ang mga ito.
"Hindi ako tagarito. Ano ang aking maipaglilingkod sa inyo?" magalang na tanong niya.
May respeto siya sa bawat tao na kanyang nakikilala at ayaw niya rin ng gulo. Ayaw niya bigyan ng problema sina Mang Damian at Aling Ingrid.
Lagot siya kapag nahuli siya ng mga ito na pumuslit sa bayan!
Hangga't maaari ay iiwasan niya ang gulo.
"Tsk! Bago nga ito bossing. Akin na yang pera mong dala!" sumingit ang isang mataba na lalaki at agad na kinuha ang pera na nasa kanyang bulsa.
Sinubukan ni Darren na agawin ito ngunit may dalawang kalalakihan ang humawak sa magkabila niyang braso at nahirapan siyang gumalaw.
Kinuha ng mga ito ang lahat ng pera sa kanyang bulsa! Pinilit niyang makawala ngunit bawat pag-galaw niya ay suntok ang kanyang aabutin sa kamay ng pangit na lider na nasa kanyang harapan.
"Dito sa bayan ng San Agustin, kami ang batas." sabi ng lider. "Ang hindi magbigay ay tiyak na magiging gulay hahaha," malakas nitong tawa.
Galit na galit si Darren. Pinaghirapan niya ang perang iyon! At basta nalang nila kukunin.
Sa pagkakataong ito ay pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki at malakas na ibinalibag ang mga ito.
Bagsak!
Pinalibutan siya ng tatlo pa at walang kahirap hirap niya lang pinagsusuntok ang mga ito.
Knockout!
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. Basta iisa lang ang nasa kanyang puso at isipan.
Ang lumaban para sa kanyang mag-ina!
"Tsk, lumalaban. Patikimin ang isang ito!" galit na sigaw ng lider.
At hindi inaasahan ni Darren ang malaking tubo na inihampas sa kanyang ulo!
Bigla siyang nahilo at dumilim ang paningin.
Hindi siya pwedeng mamatay! Naghihintay sa kanya sina Santana at Alena.
Ngunit kinakain na siya ng kadiliman at unti-unti ng pumipikit ng kusa ang kanyang mga mata!
"Santana..." Ang huling sinabi ni Darren bago siya mawalan ng malay.
Samantalang...
Si Angelo Montero, Ang bunso sa tatlong magkakapatid na Mafia Prince ay walang tigil sa paghahanap sa kanyang Kuya Alejandro.
Hindi siya naniniwalang patay na ito hangga't hindi niya nakikita ang bangkay.
Masakit sa kanya ang nangyari at mas lalo na ng kanyang malaman kung sino ang mastermind sa likod ng assassination ni Alejandro.
Labis siyang nasaktan at gumuho ang kanyang mundo sa mga nalaman. Pero ayaw muna niya bigyan ng alalahanin ang kanilang ama. Gusto muna niyang makumpirma kung totoo ba ang lahat ng ito.
Kung saan-saan na rin siya nakarating sa paghahanap kay Alejandro. At ngayon ay dinala siya ng kanyang sasakyan sa bayan ng San Agustin.
May nadaanan siyang mga kalalakihan at isang nakahandusay na lalaking duguan ang ulo.
Hahampasin pa sana ulit ito ngunit nakialam na siya at malakas na bumusina.
Binuksan niya ang bintana ng sasakyan.
"Mga pre' Ano ang ginagawa ninyo?" seryoso niyang tanong.
"Huwag kang makialam!" sigaw ng isa sa mga tauhan ng lider.
Hindi sumagot si Angelo at kinuha ang kanyang machine gun na lagi niyang dala sa loob ng sasakyan.
"Want to talk to my baby?" nakangiti niyang tanong.
"Tama na yan! Sibat na tayo!" saway ng lider at nauna ng umalis papalayo.
Isang tingin palang kay Angelo ay alam na ng lider na hindi ito basta-basta. Mahirap ng kalabanin ang mga bigating grupo. Mas pinili niyang umiwas na lamang.
Agad na bumaba ng sasakyan si Angelo at nilapitan ang nakahandusay na lalaki.
"Hey, are you okay?" tanong niya.
Walang sagot buhat sa lalaki.
Iniharap niya ito sa kanya. Gusto niyang tiyakin kung patay na ba ito o buhay pa.
Ngunit nagulat siya sa kanyang nakita.
"Kuya Alejandro?" di-makapaniwalang tanong ni Angelo.
Buhay ang kanyang Kuya Alejandro!
"Kuya!!!" Malakas niyang sigaw at agad na binuhat ito papasok sa kanyang sasakyan.
Gusto niyang makalayo agad sa lugar. Nangangamba siya sa kaligtasan ni Alejandro. Baka biglang dumating ang mga assassin na nagpapatay dito.
Ngunit bago pa niya mapaandar ang sasakyan ay nagising si Alejandro!
"Oh!" Sigaw ni Alejandro ng mapagtanto na may sugat ang kanyang ulo.
"Don't move, Kuya. You need to see a doctor!" sigaw ni Angelo.
Napatigil si Alejandro sa pagkilos at napatingin sa loob ng sasakyan.
"Why am I here?" nagtataka niyang tanong.
"I am supposed to ask you that, Where are you during those two years?" tanong ni Angelo.
Habang si Alejandro ay naguguluhan at walang maintindihan sa mga nangyayari. Ni hindi niya alam kung bakit napunta siya sa kotse ng kapatid?
Ang huling naalala niya ay gumagapang siya papalayo sa nasusunog niyang kotse.
"What? Two years?!" Malakas na sigaw ni Alejandro.
Napatingin si Angelo sa paligid at mabilis na pinaandar ang makina ng sasakyan.
"Let's talk somewhere else. It's not safe in here," sabi ni Angelo at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
SA KAGUBATAN...
"Mama, wala pa si Papa?" tanong ng cute na si Alena.
Napabuntunghininga si Santana. Gabi na at wala parin si Darren. Labis na siyang nag-aalala!
"Wala pa baby. Baka mamaya ay andito na. Bumili pa ng regalo si Papa." masayang sagot ni Santana.
Ngunit sa kaibuturan niya ay nilalamon na ng lungkot at pangamba.
"Santana, Nasaan na si Darren? Malapit nang lumamig itong sabaw at wala parin siya." napukaw ang kanyang pag-iisip ng biglang pumasok si Aling Ingrid sa kanilang kwarto.
Napagpasiyahan niyang sabihin na ang katotohanan. Walang ibang makakatulong sa kanya maliban sa kanyang Lolo at Lola.
"Lola, nagtinda po si Darren sa bayan at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi." nag-aalala niyang sagot.
"Ano?!" gulat na tanong ni Mang Damian na kadarating lang.