Multo ng pagkabuhay

1472 Words
Chapter 8 Hindi makapaniwala si Alejandro sa mga narinig mula kay Angelo. "What? I'm two years dead at ngayon pa talaga ang death anniversary ko!" galit na sigaw nito. Hindi naman grabe ang tama niya sa ulo kaya umalis kaagad sila ng hospital matapos magamot. "Calm down, Kuya." awat sa kanya ni Angelo. Hindi pa niya nasasabi ang pinakahuling pasabog. Sigurado siya na sasabog sa galit si Alejandro kapag narinig ito. "How can I calm down? And those assassins. Nahuli na ba?" inis na tanong ni Alejandro. "Hindi, naglaho nalang ang mga ito ng parang bula." sagot ni Angelo. "Huh! Walang bula na maglalaho sa akin kapag ako ang naghanap!" sigaw ni Alejandro na napatiim-bagang pa. Kung sino man ang mga hayop na ito ay tiyak na magdadaan sa kanyang mga kamay! "Kuya-" mahinang sambit ni Angelo. "What?" nakakunot noong tanong ni Alejandro. "I-I found out who the mastermind is..." pabitin na sagot ni Angelo. Naging alerto si Alejandro at hindi malaman ang gagawin. Gustong-gusto na niyang kumalabit ng gatilyo! "Who?" malamig niyang tanong. "It's-" kahit ngayon ay nahihirapan parin si Angelo na sabihin ang pangalan man lang ng mastermind! "What happened to you? Tell me, who it is?" seryoso niyang tanong. "It's-" "It's K-kuya Allen," kinakabahan na sagot ni Angelo. Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Alejandro. He turns pale at pinagpawisan ng malamig. His little brother Allen assassinated him?! Para sa kanya, si Allen at Angelo ay little brother niya kahit na mas matanda pa si Allen sa kanya. The three of them are brothers! Sworn brothers! Kaya nga bro ang tawag niya kay Allen. Malapit sila sa isa't-isa at hindi siya makapaniwala na magagawa siyang ipapatay nito! "Are you joking?" In denial parin siya na tanggapin ang katotohanan. Alam niya na hindi magsisinungaling si Angelo. Pero ayaw tanggapin ng kanyang damdamin! "I'm sorry, Kuya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Daddy. Hindi ko rin matanggap na magagawa ito ni Kuya Allen!" nahihirapang sambit ni Angelo. "How did you know?" tanong niya. "I saw the two assassins talking inside Kuya Allen's room," simula niya. "Pinag- uusapan nila ang paghahanap sa'yo! They will make sure na papatayin ka oras na makita ka nila! Hindi ko narinig ang boses ni Kuya Allen kaya hindi ako makapaniwala sa umpisa na siya ang mastermind." mahabang paliwanag ni Angelo. "Sinundan ko ang mga assassin ngunit bigla nalang naglaho ang mga ito! Inabangan ko na dumaan sila sa likuran pero wala! Hindi sila pwede sa front door dahil sandamakmak na mga tauhan natin ang nakabantay doon." nag-iisip na sambit ni Angelo. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kanya kung nasaan na ang dalawang assassin! Kung saan dumaan ang mga ito para lumabas ng mansion! "And, hindi mo na nakita ang mga ito?" tanong ni Alejandro. "Hindi na nga!" sagot ni Angelo. "There are two possible ways. They are dead or may sekretong lagusan sa Mansion ng mga Montero," sagot ni Alejandro na malalim ang iniisip. "But the most shocking of all ay ang narinig ko mismo galing kay Kuya Allen." napayuko si Angelo. Masakit sa kanya sabihin ang katotohanan. Alam niyang masasaktan si Alejandro. "Say it," seryosong sambit ni Alejandro. "Kill that bastard Alejandro," 'yan ang sinabi ni Kuya Allen matapos tumawa pa ito ng malakas." "I want to punch him at that time pero pinigilan ko ang sarili. I want him to move freely. Ayaw kong malaman niya na nabisto ko na siya!" galit na sigaw ni Angelo. "And that's the wisest decision you ever made, little bro!" sabi ni Alejandro at tinapik ang balikat ni Angelo. "Pero, ano na ang gagawin natin Kuya?" naguguluhan na tanong ni Angelo. "We will do nothing, just calm down and relax. Let them lower their guard. Masama ang kutob ko na may iba pang kasabwat si Allen!" sambit ni Alejandro na ngumiti ng nakakaloko. "What do you mean?" tanong ni Angelo. "Let's go to my death anniversary and surprise them! But-" pabitin na sabi ni Alejandro. Napakunot ng noo si Angelo. Iba ang kutob niya sa binabalak ni Alejandro! Masama ito magalit pero kalmado lang tingnan. Hindi mo malalaman kapag kinain ka na ng buhay! "With a twist! Let's go and attend my death anniversary hahaha." nakatawang sabi ni Alejandro. Pero ang puso niya ay puno ng hinanakit at lungkot. Hindi niya alam kung saan at ano ang ginawa niya sa loob ng dalawang taon na pagkawala. Ngunit ito ay hindi importante sa ngayon. Kailangan niyang malaman kung sino ang kasabwat ni Allen! ************************* MONTERO MANSION Busy ang lahat sa mansion ng mga Montero. Ika-dalawang taon ng pagkamatay ni Alejandro ang araw na ito. Si Don Antonio ay malungkot na nakatingin sa malaking picture frame ni Alejandro na nakasabit sa dingding. "Dad, Hindi namin mahanap si Angelo," si Allen. Napabuntunghininga ang Don. Nawala na si Alejandro at si Angelo ay hindi rin mahagilap. Hindi parin siya makapaniwala na patay na si Alejandro. At hindi man lang niya nabigyan ito ng hustisya! Hanggang ngayon ay hindi matukoy ang kinaroroonan ng mga assassin. Naglaho nalang ng parang bula ang mga ito without a single trace! "Hayaan na muna natin si Angelo. Is everything ready?" tanong ng Don. "Yes Dad, Everyone is there waiting for you." sagot ni Allen. Pagkatapos magluksa ay may party sa kanilang garden. Ngayon na niya sasabihin ang susunod na tagapagmana ng kanyang korona. Since, patay na si Alejandro at bata pa si Angelo. Allen is the perfect next in line, Mafia King. "Let's go," nauna nang naglakad si Don Antonio. Maingay ang lahat ng myembro ng Black Dragon Mafia Organization. Kahit alam na nila kung sino ang susunod na Mafia King. Umakyat na si Don Antonio sa stage at nagpalakpakan ang lahat. "Good evening everyone. Today we are celebrating Alejandro's death anniversary again." huminto si Don Antonio sa pagsasalita at nanahimik habang nakayuko ang ulo. Ang lahat ay nanahimik din upang ipagdasal ang kaluluwa ni Alejandro. Makaraan ang ilang minuto ay nagpatuloy ang Don. "But life must go on and we have a double celebration tonight as I will also announce the next-in-line Mafia King!" naghiyawan ang lahat at palakpakan. Ang anino ay nakakubli at nagmamasid lang sa di-kalayuan. Abot hanggang mata ang ngiti nito! Umaayon sa kanyang plano ang lahat. "And-" napahinto sa pagsasalita si Don Antonio. Namatay ang lahat ng ilaw at napakadilim ng paligid. "What happened?" "Is there an assassin?" "Ano ang nangyayari?" Ang maingay na bulungan ng mga tao. "Men, Protect the Mafia King. Be alert!" Sigaw ni Allen sa kanyang earpiece. Nakahanda na ang kanyang baril at nasa fighting mode na siya. If ever may kalaban na umatake. "Calm down guys and stay where you are. Nag mal-function lang ang sound system at inaayos na ito." paliwanag ng baklang emcee. Medyo napanatag naman ang lahat. Biglang lumiwanag ang paligid at lahat napatingin sa taong tinamaan ng liwanag. Lahat ay nahintakutan ng makita ang taong sakay ng wheelchair habang tulak-tulak ni Angelo papalapit sa stage. "Buhay si Alejandro?" "Namamalikmata ba ako?" "Multo ba ang nakikita ko?" "OMG, Alejandro is still alive!" Ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Muntik ng matumba si Don Antonio sa kanyang kinatatayuan at inalalayan ito ni Allen. Hindi sila makapaniwala na buhay pa si Alejandro! Habang si Alejandro ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang wheelchair. Acting weak and vulnerable. Nagmamasid sa paligid. Agad na bumaba nang stage si Don Antonio at nilapitan si Alejandro. "Son, you are still alive!" bulalas nito at niyakap si Alejandro. "Yes Dad, at dalawang taon niyo na pala akong pinagluluksa, hahaha!" sagot ni Alejandro at tumawa ng malakas. "Thank God, You are still alive bro!" Si Allen na agad din lumapit kay Alejandro. Gustuhin man na itulak ni Alejandro ang traydor niyang kapatid ay hindi niya magagawa sa ngayon. Kung magaling itong magpanggap ay hindi rin naman siya magpapahuli. Plastikan ngayon ang Mafia Princes! "Yes, I'm very much alive. Brother. Feeling disappointed?" nakangising tanong ni Alejandro. "What do you mean?" napawi ang ngiti sa labi ni Allen. May kakaiba siyang nararamdaman, kay Alejandro. Nag-iba ito! "Oh, I mean happy and satisfied? I'm still alive bro!" pag-iiba ni Alejandro sa kanyang sinabi at tinapik sa balikat si Allen. Samantalang ang anino na nakakubli sa di-kalayuan ay ang labis na nabigla at nagulat! Agad itong may tinawagan. "Nasaan kayo?" malamig niyang tanong. "Nandito sa Paris, Master." Sagot sa kabilang linya. "Book a flight and go back now!" sigaw niya na halos pilipitin at pigain ang cellphone na hawak. "M-master. Kasama namin ang aming pamilya. Ikaw Ang nagsabi na magbakasyon kami." sambit nito. "Babalik kayo rito o pabagsakan ko kayo ng bomba diyan? Bumalik kayo ngayon din!" galit niyang sigaw at itanapon ang kanyang cellphone. Buhay si Alejandro! Lahat ng mga plano niya ay mauuwi lang sa wala! At hindi niya papayagan na mangyari 'yon! Papatayin niyang muli si Alejandro!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD