Ang Misyon...

1610 Words

Chapter 18 Kahit nahihirapan gumalaw ay pinilit niyang ibuka man lang ang kanyang bibig na tumigas na rin ata sa sobrang gulat at pagalawin ang kamay upang tanggapin ang naghihintay na palad ni Madam Sofia. Maganda si Madam Sofia ngunit may bahid ng peklat na tila nasunog ang kanan niyang mukha! "Nice meeting you Santana, for now ay Sofia lang ang maibibigay ko na pangalan." nakangiting sambit nito ng tanggapin niya ang naghihintay nitong palad. At wala parin siyang masabi! "Ikinagagalak ko rin kayong makilala," sa wakas ay nakapagsalita na rin siya. "Hindi mo ba tatanungin kung ano'ng nangyari sa aking mukha?" tanong ni Madam Sofia. "Gusto ko kayong tanungin pero kapag ginawa ko ay baka magbalik ang iyong mapait na alaala," sagot ni Santana. Napatawa ng malakas si Madam Sofia.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD