Chapter 17 Ang buong akala ni Santana ay sasabak na naman siya sa bakbakan! Hindi pala. Sasabak siya sa pagrampa! Binigyan siya ng total make over. Talagang binihisan siya ni Madam Sofia at iniba ang pagkatao. Ang probinsiyana, ngayon ay mukha ng sopistikadang babae na galing sa prominenteng pamilya! Ang mataas at kulay itim niyang buhok ngayon ay may blonde highlights na at pinaiksi hanggang balikat. Ang malabong niyang kilay ngayon ay sumunod na sa uso. Maganda at mahaba na ang kanyang pilikmata kaya dumagdag ito sa kagandahan niya. Ang ilong niya na normal ang tangos ay bumagay sa maliit at nanghahalina niyang labi. Hindi siya sanay sa manicure at pedicure. Kaya sigaw siya ng sigaw dahil nakikiliti siya. Ngunit sinaway siya ni Madam Sofia na hindi bagay sa isang assassin ang

