Chapter 16 Nagsimula ang kanyang training na inakala niyang okay lang ay napakahirap pala! Excited pa siyang maging katulad ng anino na si Gardo. Ngunit ngayong ika-dalawang araw palang ng training niya ay mukhang bibigay na siya! Hindi na niya kaya! Napakahirap! At ang bigat pa ng mga baril na may iba't-ibang klase! Yong sa tingin niya ay cool lang tingnan ay hindi pala! Bibigay na ang kanyang katawan at isipan. Pero ayaw niyang sumuko! "Mama, Juice." Si baby Alena. Ito ay kasama niya maging sa pag training. Tagabigay ng pagkain at snacks niya. Si baby Alena ang nagbibigay sa kanya ng lakas na huwag sumuko! "Salamat, Baby." Humihingal na sagot ni Santana. "Mama, Pagod ka?" natanong ni Alena. Gustong sumigaw ni Santana na pagod na pagod pero hindi niya magagawa. Gusto niyang ma

