Chapter 15 Nagising si Santana sa loob ng isang maliit na kwarto. At agad niyang napansin ang isang family frame na nakasabit sa dingding. It's a family of three at hindi siya magkakamali na siya ang batang babae sa gitna. Nakilala naman niya agad ang kanyang papa at ang kanyang mama na ubod pala ng ganda. Bumukas ang pintuan at pumasok si Jeth. "Patawarin mo ako anak, nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko," umpisa nito. Napabuntunghininga si Santana. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking sobrang ingay at pumapatol sa babae! At ito ay ang kanyang ama pa talaga. "Kahit pa itago niyo po ako ay kasali parin ako dahil anak mo'ko," mapait na sagot ni Santana. "At ngayon ay nahihirapan ako intindihin ang mga nangyayari!" hindi napigilan ni Santana na ilabas ang hinanakit. "Patawad anak, ayaw

