Chapter 14 Medyo malayo ang kinaroroonan ng mga magulang ni Santana! Nais sana sumama ni Baby Alena, Buti nalang at hindi niya pinayagan. Hindi pa sila nag-uusap ng maayos nina Mang Damian at Aling Ingrid dahil hindi nila masyadong pinapansin si Santana. Galit sila dahil tinanggap niya ang misyon. Dapat siya ang magalit sa kanila dahil ginawa nilang inosente at tanga si Santana! Ngayon ay nahihirapan siyang mag adjust sa buhay niya na biglang bumaliktad. At ang kaawa-awa niyang anak na si Alena. Magiging mamatay-tao na ang kanyang Mama! Napakasakit nito para kay Santana at wala siyang mapagpipilian kung hindi tanggapin ang lahat ng pagbabagong dumating sa buhay niya. "Are you okay?" tanong ni Madam Sofia. Napakurap nalang siya ng kanyang mga mata upang huwag tumulo ang kanyang

