“Hindi ka pa ba tapos? Nakaka-tatlong minuto ka na. Gusto mo bang tulungan kita, Karla? Dalian mo dahil malapit nang magkita si Ashton at ang kapatid niya. Sabagay, may something in common na sila. Ikaw. Ikaw ang pumatay sa kanila. Ganoon ba kapag kambal? Magkakabit talaga?” Konting hatak pa. Konti na lang at makakalas na. Konti na lang rin ang pasensiya ko kay Derek. Kapag nakatakas ako ay uunahin ko siyang ilubog sa tubig. Gusto ko sa kumukulong tubig. “Karla, alam mo bang kapag pinigilan ang paghinga ng isang tao at nawalan na siya ng oxygen, mawawalan siya ng malay, at ang unang gagawin ng katawan niya ay ang huminga? Ang weird ‘di ba? Hindi raw kasi totoong namamatay ang tao sa pagpigil ng hininga, dahil walang choice ang utak kung hindi utusan ang katawan p

