Mula sa kadiliman, makakakita ka ng liwanag. Hindi ganoon ang nakita ko nang imulat ko ang aking mga mata. “Derek. . .huwag naman ganito.” Mahinang sabi ko. I have to save my energy ang strength dahil para makatakas kami dito, hindi ako dapat mag-aksaya ng kahit isang hininga ko. “Ang galing ko hindi ba? Nakuha na kita at may bonus pa! Malaya na akong makaganti sa taong dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Ang talino ko na ba ha, Karla? Mas matalino na ba ako kaysa dito sa lampang doktor na ipinagmamalaki mo?!” Doble ang sakit na naramdaman ko nang sipain niya sa tagiliran si Ashton. Ni hindi ito dumaing ng sakit. Pumikit lang ito nang tumama sa katawan niyang nakalatag sa sahig ang paa ng baliw na lalaking dumukot sa amin. He’s in the edge of the swimming poo

