"Ang totoo nyan Kathleen ay sabay kayo halos na nabuntis ni Tupe during that time. Yung babae ay mas matanda sa atin at entertainer sa Japan." patuloy ni Mikka matapos ko namang kumalas sa kanya. "Paano yong nangyari? Samantalang habang boyfriend ko siya noon ay ramdam ko naman na sobrang mahal niya ako." Tanong ko pa sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. "Pwede naman yon diba? Yung makipag s*x ka sa hindi mo naman girlfriend dahil sobrang attracted ka sa kanya. At madaming beses itong ginawa ni Tupe sa ibang babae at isa na din ako doon sa mga babaeng naka s*x niya.” I sighed. She sighed. At sandali din natahimik sa panibagong rebelasyon na naman niya. Na kahit dati pa pala ay ahas na siya talaga. Muli namang napakuyom ang palad ko, subalit wala na kami ni Tupe. At siguro ay isasa

