Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya. At napailing nalang ako ng mapansin siyang nakaupo sa damuhan na halos malapit lang din sa aming tent. Agad naman akong naupo sa tabi niya. Saglit pa siyang napatingin sa akin at agad din naman humarap sa dati niyang pwesto. “O diba ang ganda dito Hendrix. Kay sarap pagmasdan ng mga maliliit na ilaw mula sa napakadilim na bahagi ng mga bundok.” sabi pa niya ngunit nanatiling hindi tumitingin sa akin. Huminga ako ng malalim at itinuon ang pansin sa lugar na sinasabi niya. At tama, ang napakadilim na bahagi na may tila may mga malalamlam na ilaw na siya din kumuha ng buong atensiyon ko. “Alam mo bang kapag araw at maliwanag ang paligid ay mga maliliit na bahay sila? Sadyang layo layo sila at tila kay hirap makarating sa bawat kapit bahay. Ka

