Umiling siya "T-teka lang, n- naguguluhan talaga ako Xed," nalilitong sabi niya.
"Gusto kong makita si Amina, Mommy," sabi ko pa tsaka ako mabilis na tumayo.
Tsaka ako tumalikod at dumiretso ako sa room nila. Habang nakasunod lang siya sa akin, At punong-puno ng katanungan sa maganda niyang mukha.
Ito ang Master's Bedroom. At ngayon ay gusto ko na din okupahin balang araw sa pamamahay na ito. Kasama ang maganda kong Ina.
"Heyo tuya..." masiglang bati pa sa akin ni Amina na mabilis namang tumayo ng makita ako.
Naupo ako sa gilid ng kama. Habang siya naman ay mabilis na kumandong sa akin.
"Oaahh kumusta na ang Baby ko?" sabi ko pang naglalambing sa kanya.
"Pe-pley na ba tayo tuya ha." pangungulit pa nito.
Tumango ako.
"Yehey!" masiglang sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Pero may sasabihin muna ako sa iyo Baby, ok lang ba huh?" umpisa ko
"Iihhh ano yon Tuya?" habang nakatingin lang siya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at bahagya pang ginulo ang buhok niya.
"Kasi nga simula ngayon ay Daddy na itatawag mo sa akin. Ok ba yon sa iyo huh?" sabi ko pa.
"Sige-sige Daddy na kita wahh. Eehh batit pala Daddy at di na tuya huh?" pangungulit pa niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at tsaka niyakap siya ng mahigpit.
"Kasi para may Daddy ka na ulit diba?" sabi ko pa.
"Yeheyyy, Iiihh tatabi tayo Mommy ako tsaka itaw tuy ayy Daddy pala hihi?"
Tumango ako sa kanya. “Yes Baby. Pero nasa center ka syempre, dahil Baby ka namin diba?’ sabi ko pa.
Napahinga ng malalim si Mommy, dahil na din sa naririnig niya.
"K-kailangan ba talagang ganito Hendrix? Pero masyado lang kasing nakakagulat diba?" napapailing na bulong pa niya sa akin. Matapos nitong maupo sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kanya at inakbayan siya... "Matagal ko ng itong gustong gawin Mommy," tugon ko sa kanya.
"Ang alin yung ganito ba? Yung sinabi mo kay Amina na---"
"Dahil ikaw ang babaeng sinasabi kong gustong-gusto ko. Diba sabi mo naman ay sabihin ko lang ang nararamdaman ko para sa kanya, kaya eto sinasabi ko na. Na ikaw yung babaeng pinapangarap ko," matatag na sabi ko.
"Pero..."
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Isa pa ay gusto kong samahan ka sa iyong pag-iisa. At dito ako magsisimula kay Amina. Dahil hanggat bata siya ay gusto ko na siyang sanayin na Daddy ang tawag niya at hindi Kuya." sabi ko pa.
Napailing siya at napahawak sa kanyang mukha. "Ngunit ano nalang ang iisipin ng iba kung malalaman nila ito?" nalilitong tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago ko siya inakbayan.
"Dahil sapat na ang dalawang taon ng iyong pag-iisa Mommy. Nandito ako para suportahan, protektahan at higit sa lahat ay samahan ka. Dahil obligation ko ito sa sarili ko. Ang punuan lahat ng pagkukulang ng isang asawa sa iyo. At hindi ito natatapos sa pinansiyal na bagay lang," paliwanag ko.
Muli siyang umiling... "Pero hindi na ito kasama pa dapat sa obligasyon mo. Masaya na ako sa lahat ng nagawa mo Hendrix," patuloy niya.
Napatingin pa ako kay Amina habang ngayon ay busy na ito sa paglalaro. Bago muling bumaling sa kanya.
"Ngunit hindi ako Mommy. Dahil mas magiging masaya ako kapag dumating na time na maaari ko ng sabihin sa sarili ko na kayo na talaga ang pamilya ko. Dahil simula't simula pa lang ay ito na pinangarap ko. Dahil simula palang nito ay wala na akong ginusto kundi ikaw. At wala na akong pinangarap sa loob ng dalawang taon kundi dumating ang oras na masabi ko sa iyo ito."
"Huwag tayo dito Hendrix." mahinang sabi niya.
Pagkatapos ay bumaling siya kay Amina.
"Baby mag-uusap lang kami ng Kuya mo ok. Basta call mo si Mommy kapag may kailangan ka huh," malambing na sabi pa niya dito.
“Ok Mommy…” sagot niya.
Tsaka siya tumalikod at lumabas ng kwarto.
Sinundan ko siya.
Dumiretso siya sa sala at tsaka muling humarap sa akin.
Niyakap ko siya.
Bahagya naman niya akong itinulak.
“Mali ito Hendrix, maling-mali,” sabi pa niya.
Ngunit muli ko siyang hinapit palapit sa akin. Hanggang magdikit ang aming mga katawan.
"Gusto ko sanang bigyan mo ako ng pagkakataong makapasok ng tuluyan sa buhay mo Mommy. I want to protect you more. Mas alagaan pa ng higit sa nagagawa ko. At sa tingin ko ay wala namang mali sa ganito, diba?" bulong ko sa kanya.
Habang nakatitig lang ako sa kanyang napaka among mukha. Ang kanyang mala-anghel na ganda. Na sobrang nagpapabaliw sa akin at pangarapin siya araw-araw, na tuluyang maging pag-aari ko.
Ang kanyang lagpas balikat ngunit napakalambot na buhok. Ang kanyang tsinita na mga mata, na tila matutunaw ako kapag tumingin na sa akin. Ang kanyang matangos na ilong at lalo na ang kanyang makipot ngunit mapupulang labi na tila kay sarap halikan.
Tama siya ang perfect definition ng isang maganda. Kaya naman gustong gusto ko siya. Kahit bawal, kahit labag sa batas ng lipunan. At handang itakwil ng mundo para lang sa kanya.
"Pwede mo ba akong bigyan ng enough time Hendrix? Masyado kasi akong nabibigla. I'm sorry talaga ngunit gustuhin man kita ay natatakot talaga ako. At paano nalang kung malaman ito ng ibang tao, lalo na nila Tatay. At ano na lang din ang sasabihin ng Daddy mo, kapag nalaman niyang ang asawa at anak niya ay nagsasama bilang mag-asawa na," sabi pa niya.
Tinugon niya ang yakap ko tsaka siya humilig sa aking balikat.
"Wala na akong pakialam. Handa akong maghintay Mommy, kahit gaano pa ito katagal. Ngunit alam kong madaming may gusto sa iyo. At nagpapakita din ng interest na makuha ka dahil wala ka naman na asawa talaga. Kaya naman natatakot ako. Natatakot ako isang araw na sasabihin mong—---"
Tumitig siya sa akin. At hinaplos niya ang pisngi ko.
"Napakadami mong qualities na sobrang papangarapin kong makasama. At higit sa lahat ay gustong gusto ng puso ko na gustuhin ka. Ngunit hindi maaari. Sorry Hendrix.
Muli siyang humilig sa balikat ko. Bago tuluyang yumakap ng mahigpit sa akin.
"Ano ba kailangan kong gawin para gustuhin mo ako Mommy?"
Umiiling iling siya.
"Hindi ko alam. Ngunit kaya kong ipangako sa iyo na hinding hindi ako titingin sa iba. Dahil kahit kailan naman ay hindi ko na inisip pang muling humanap bilang kapalit ng Daddy mo. Alam mo kung bakit? Dahil nandiyan kana. At masaya na akong nandiyan ka." makahulugang sabi niya.
Halos tumalon ang puso ko. At sasabihin kong napakasaya ko. Dahil sa totoo lang ay kinakain ako ng matinding selos. Everytime na makakakita ako ng mga flowers sa bahay.
Mga bulaklak na ipinadadala sa kanya, sa kabila ng pagtanggi niya sa mga ito.
"Hihintayin ko ang pagkakataong gusto mo na din akong tanggapin ng isip mo bilang lalake at hindi isang Hendrix lang."
Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Masaya na ako na nandiyan ka. At ikaw na din naman talaga na parang asawa ko kapalit ng Daddy mo. Dahil naganpanan mo naman ang lahat ng obligasyon niya." nakangiting sabi niya.
"Maliban sa isang napakahalagang bagay at sangkap ng tunay na mag asawa Mommy."
Umiling siya at yumuko.
Tsaka siya kumalas sa pagkakayakap ko.
"Halika na pala sa room. Kasi malamang ay hinihintay kana niya, narinig mo ba?" natatawang sabi pa niya.
At tama dahil umiiyak na si Amina dahil hinahanap kami.
Kaya naman ng tumalikod si Mommy upang tumungo sa room ay sumunod na ako sa kanya.
"Oahhh why nag cry ang Baby ko pala. May ginawa lang kasi si Mommy sa labas diba. Diba uusap lang kami ng Kuya mo." sabi pa ni Mommy sa kanya
"Kati aalis niyo Mina..." sabi pa nito habang patuloy lang sa paghikbi.
Niyakap niya ito.
"Bakit naman namin iiwan si Baby ko. Alam mo bang love na love na love kita ok. Basta wait mo lang si Mommy ha. Kasi alam mo namang love kita talaga eh, natatakot pa lang kasi si Mommy sa ngayon." sabi pa niya habang nakatingin lang sa akin at matamis na nakangiti.
Ang ngiti niya na halos mapatalon ako sa tuwa. Dahil ngayon ay malinaw na ang lahat. At ngayon ay maasabi kong napaka swerte ko talaga.
Lumapit ako sa kanya.
"Oh dito na si Daddy mo. At syempre tulad ng promise niya. La love ko kayo ni Mommy. At tama we wait ko siya." Makahulugang tugon ko..
"Yeheyyy. Ang saya Mina." masiglang tugon niya.
Kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang alam sa totoong nangyayari. Sa loob ng aming pamamahay.
At kung masaya si Amina. Lalo na siguro ako. Dahil ngayon ay may katuparang na ang pangarap ko.