KATHLEEN "Mano po Nay..." magalang sabi ko pa matapos kong kunin ang kamay niya. "Abey kaawaan ka ng Diyos, Anak. E kayo ba'y kumain na hah." tugon tanong naman niya matapos kong makapagmano sa kanya. "Hindi pa nga po Nay eh." magiliw na tugon ko naman sa kanya. Matapos din namang magmano sa kanya ni Hendrix at ganon din naman si Amina. "Nako ey tamang-tama dahil nagpabili ako sa Tatay mo ng lechong manok diyan sa bayan. Tapos ay nagsasaing na din ako ngayon." sabi pa niya habang pasimpleng napapatingin sa muli ay magkahawak naming kamay ni Hendrix matapos naman naming mag mano. Bagay na ipinagkibit balikat naman niya. "Bakit pala kayo nagpabili pa Nay, diba sabi ko naman sa iyo ay magdadala nalang kami ng pagkain." sabi ko pa. Napangiti naman siya at agad na napailing din.

