"Pero paano na pala yung blowout ko sa iyo kung ganon? Kung nasa gig ka sa mismong birthday mo? Meaning makakatipid pala ako, dahil hindi na kita ililibre huh?" natatawang sabi ko pa. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sore wa dōiu imidesu ka? After ng gig, pwede naman diba? Ayaw mo noon late night ay nasa lansangan pa tayo." sabi pa niya. Tama, ito na siguro unang pagkakataong magiging laman ako ng lansangan ng Tokyo during late night. At marahil ay ito na din ang huling gabi ko dito. Dahil kinabukasan na nito ang flight namin pauwi ng Pinas. Ang totoo kasi ay, nai-plano ko na ito ahead of time. In fact ay nakapag book na ako ng ticket namin ni Amina sa Philippine Airlines. An early morning flight actually. At talagang pinalagpas ko lang ang pag booking ng flight namin one day a

