Morning "Kathleen Anak, gumising na kayo. At hinahanap kayo ng Tatay mo!" malàkas na bulyaw pa ni Nanay, habang patuloy lang sa pagkatok sa aming pintuan. Ang bulyaw niya na sobra ko yatang na-miss. Specially noong estudyante pa lamang ako. Siya kasi ang human alarm clock ko. Kabog pati tilaok ng manok sa lakas ng boses niya. "Opo Nay, lalabas na," tugon ko. Habang ngayon ay marahang inaalis mula sa legs ko ang nakadantay na binti ni Hendrix. Kasunod ng nakasapo naman niyang kamay sa isang dibdib ko. Napangiti ako habang napapa-iling din. Marahil ay may mga nagbago na nga sa relasyon naming dalawa. Ang mga bagay na hindi pwede dati. Ay unti-unti naman naming nakakasanayan ngayong dalawa. "Matagal ka pa ba diyan Kathleen? Aalis kasi Tatay mo gusto ka niyang makita daw sandali." "O-o

