The following day ay regular na niya akong sinusundo sa bahay kapag pumapasok. At inihahatid din naman sa bahay sa oras ng uwian sa bahay. Isang typical na panliligaw ng isang school boy, na nagbibigay din naman sa akin ng konting kilig kahit papaano. Dahil tila ibinabalik ako nito sa buhay kabataan ko. Yung mga bagay na missed ko dahil sa napaka aga kong nagka asawa at nagka-anak din naman. At ngayon ay ipinararanas niya ito sa akin sa napaka sweet na paraan. Yung walang halos halong s****l desire kundi masaya lang na makita ka at makasama sa paglalakad at safe na maihatid sa iyong pinapasukan. Siya pa nga ang nagpapasan kay Amina habang masaya lang kaming naglalakad na dalawa, patungo naman sa hoikuen or sa school niya. Walking distance lang naman kasi mula sa apartment na ti

