Wala naman na akong nagawa pa ng mabilis na tumayo si Mikka at dumiretso sa room namin. At hindi na din naman ako magtataka ung magulat siya sa masasaksihan niya dito. "Nasan si Amina, Mars? Bakit hindi siya dito natulog?" halata ang pagtataka sa mukha nito hanang inililibot pa din ang paningin sa Masters Bedroom na ngayon nga ay kwarto na namin ni Hendrix. Nalito ako, ngunit agad din namang nakahupa. "N-nasa kabilang room siya Mars. And you will be amazed sa makikita mo dali." sabi ko pa tsaka ko siya mabilis na hinila sa kanyang kanyang kamay. "Teka nga Mars, baka madapa naman ako noh." natatawang reklamo pa nito habang tila excited ko siyang isinama sa kabilang room. >>> "Whoaa, ang ganda naman ang room ni Baby. Feeling ko tuloy ay isa siyang princess dito sa room niya."

