Mabilis namang nag ring ang kabilang linya. At na excite ako ng biglang may sumagot dito. Ang aking pinakamamahal… “Hello…” malamig na sagot niya sa akin. “Hello Hendrix, Baby?? Kumusta kana?” Masiglang bati ko sa kanya. “M-mom?” “Yes it’s me Baby. Mabuti sinagot mo ang call ko.” halos maiyak na sabi ko. At tama I really missed him. At masaya na akong madinig muli ang boses niya. “Bakit ka pala tumawag!?” Hindi agad ako nakahupa sa tanong niya. “Baka naman mamaya mahuli ka pa ng boyfriend mo na tumatawag sa akin diba? Nakakahiya naman sa kanya diba” Sarcastic na tugon niya. At ramdam na ramdam ko din ang galit sa bawat salitang binitawan niya. Ngunit ok lang, marahil ay madami siyang iniisip na hindi maganda laban sa akin. At siguro nga ay ito na ang right time para mai-exp

