NINANG MIKKA 1:10 PM Starbucks Makati "Thanks po Manong, Eto po pala ang bayad ko. At keep the change na din. " Sabi ko pa matapos kong maiabot ang buong 500 peso bill. "Salamat Miss Beautiful. Akalain mong doble swerte ko ngayon. Apaka ganda na ng pasahero tapos may tip pa." Masiglang sabi pa nito tapos abutin ang bayad ko. Tinugon ko lang siya ng ngiti. At agad din naman akong bumaba ng taxi at sandali din namang inayos ang suot kong black na bestida na sa tingin ko ay sobrang bumagay sa akin. At sandali ding nakaramdam ng kakaibang kaba ng matanawan ko na ang coffee shop na magiging meeting place namin. Kinuha ko pa ang phone ko ng may mag text dito. "Where are you Mikka?" Bahagyang napangiti pa ako at tsaka nag type ng message. "Just wait for me.."

