KATHLEEN For almost 2 months ay naging regular na bisita ko si Hendrix sa bahay. At nakakatuwang isipin na bisita ko siya hindi bilang anak kundi isang masugid na manliligaw na matiyagang pumapanhik ng ligaw sa amin. Ng tuloy tuloy 7 days a week for 2 months na walang palya. Isang kaugalian dito sa amin na marahil ay naranasan ko sana before kung hindi lang ako agad nabuntis at nagkaasawa sa napaka batang edad… “Kathleen Anak, matagal ka pa diyan sa silid mo? Nasa baba na ang manliligaw mong si Hendrix.” Napangiti naman ako ng madinig ang pangalan niya, at kinilig din naman habang ngayon ay masaya akong nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili. Nagsuot din naman ako ng casual sa shorts at t-shirt. Ngunit sinadya ko ding medyo hapit ito sa arteng ibaba ko. Napapangiti pa ako haba

