bc

When Love Subsides

book_age18+
777
FOLLOW
2.6K
READ
love-triangle
possessive
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Natupad ang pangarap ni Melody Serrano na maikasal kay Alex Espinosa, ang taong bumuo ng kanyang mundo. Ngunit bigo siyang mabigyan ito ng anak dahil sa problema niya sa obaryo.

Humanap sila ng surrogate mother sa katauhan ni Jane Bustamante, ang anak ng kanilang mayordoma kapalit ng operasyon nito sa mata.

Nahulog ang loob nina Alex at Jane sa isa't isa na naghatid ng matinding pa sakit kay Melody. Hindi rin matanggap ng kababata ni Jane na si Edmark Arevalo ang lahat.

Makakaya bang tiisin ni Melody ang lahat alang-alang sa sakripisyo ni Jane sa kanila?

Hanggang saan dadalhin si Edmark ng kanyang galit at selos?

Manunumbalik bang muli ang pagmamahal ni Alex sa asawa ng buong puso o pipiliin niya ang panibagong pag-ibig na si Jane?

Tunghayan ang kuwentong gigising sa inyong diwa at magbibigay kahulugan ng tunay na kahulugan ng sakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 KASAL
ARAW ng kasal nina Alex Espinosa at Melody Serrano. Ipi-nagkasundo ang dalawa ng kanilang mga magulang dahil na rin sa close friend ang mga ito. Bata pa lamang silang dalawa ay pangarap na ng mga ito ang maging mag-balae. At ito ang araw nang katuparan sa pangarap na iyon para sa kanila, ganoon na rin si Melody. Mula nang magkaisip, hinahangaan niya na si Alex. Nang tumuntong nang college ang dalawa ay tuluyan na ngang naging magkasintahan ang mga ito. Pagkatapos mag-aral ng dalawa, agad na pinag-usapan ang kanilang kasal ng kanilang magulang. Kasabay na rin nang merging ng kanilang mga business. Clothing line ang business ng Serrano clan at Real estate naman ang sa Espinosa clan. Habang nasa simbahan ang lahat excited ang bawat pamilya sa pag-iisang dibdib ng dalawang magsing-irog. ‘‘Ikaw babae, tinatanggap mo ba na maging kabiyak at habang buhay na makakasama si Alex Serrano? Sa hirap at ginhawa, saya man o lungkot? In sickness and in health. Handa ka bang maging katuwang ng iyong mapapangasawa, sa lahat nang hamon sa buhay?’‘ tanong ng pari kay Melody na abot tainga ang mga ngiti dahil sa ligayang nadarama. ‘‘Opo, Father,’‘ sagot niya sa pari. Ganoon rin ang tanong ng pari kay Alex at walang pag-aalinlangan na sumagot rin ito. ‘‘Opo, Father.’‘ Matapos ang iba pang sermon ng pari at ngayon ay binasbasan sila bilang legal na mag-asawa. ‘‘I now bestow you, husband and wife. You may now kiss the bride,’‘ saad nito at nakatunghay ang paningin sa lalaking ikinakasal. Nakangiting itinaas ng binata ang belo ng kanyang asawa at mabilis na hinalikan sa labi. Parehong malawak ang mga ngiti na puno nang pagmamahal. Ganoon na rin ang mga nakasaksi ng pag-iisang dibdib nila. Bawat clan nang magkabilang pamilya ay naroon upang saksihan ang kanilang kasal. ‘‘Congratulations, Son. At last you will start your family now, with this lovely young lady.’‘ Niyakap ng ama ni Alex, na si Matthew Espinosa, ang kanyang bagong asawa, maging ang kanyang ina na si Misis Girlie Espinosa, ay bumati rin at yumakap sa kanilang dalawa. ‘‘Congratulations, my Princess,’‘ pagbati at pagyakap nang mahigpit naman ng ama ni Melody na si Harold Serrano. Kasunod nito ay ang maybahay at ina ni Melody, si Misis Kate Serrano. ‘‘Thank you po, Mom, Dad,’‘ sabay na wika ng bagong kasal. ‘‘I guess, we're looking forward for the mini version of you, two?’‘ mapanudyong saad ni Mathew Espinosa na ama ni Alex. Nagkatinginan naman ang bagong kasal at ngumiti na lamang sa isa't isa. Biglang namula ang mga pisngi ni Melody sa tinuran ng father-in-law niya. ‘‘We will work on that, Dad. Don't be in a hurry. We didn't start, yet, our honeymoon,’‘ sagot naman ni Alex na magiliw ang pagsulyap sa asawa. At naghalakhakan na lamang sila dahil doon. Hindi naman maipaliwanag ni Melody ang saya na nadarama sa kasalukuyang pagtitipon. Wala siyang maapuhap na salita kung paano i-describe ang umaapaw na kaligayahan. Wala na siyang mahihiling pa. Abot niya na ang pangarap mula noon. ‘‘I love you so much, mahal ko,’‘ malambing na wika ni Melody habang nasa gitna nang engrandeng handaan at nagsasayaw kasama ang kanyang minamahal na lalaki. ‘‘I love you, too, Misis Espinosa,’‘ sagot naman ng lalaki sa kanya na punong-puno nang pagmamahal ang makikita sa mga mata nito. Mabilis na natapos ang reception at pagod ang dalawa matapos idaos ang kasal. Nagpaalam na lamang sila sa mga magulang at sinabi na ang mga ito na ang bahala roon. Pinauwi na sila at biglang biro ng kanilang mga magulang na, ‘‘Damihan ninyo ang apo namin, mga anak!’‘ Nakangiti ang mga ito habang papalayo silang mag-asawa. Kumaway na lamang si Alex at hindi na lumingon pa. ‘‘I'm excited, Mahal ko, for our first night,’‘ bulong ni Alex kay Melody habang nasa sasakyan na. Masasabing perfect ang buhay nila dahil sa umaapaw na kasiyahan ang kanilang nadarama. Dahil handa na ang kanilang mansion bago pa man sila ikasal, doon na sila dumiretso nang uwi. Naroon na rin sila Aling Perla Bustamante, ang mayordoma nila at dating yaya ni Melody. Napagkasunduan nilang mag-asawa na dalhin sa bago nilang tirahan ang pamilya ni Aling Perla at mga anak nito na sina Jane Bustamante at Totoy Bustamante. Isang balo si Aling Perla at mag-isa lamang nitong itinaguyod ang dalawang anak. Ngunit hirap man si Aling Perla masaya naman itong naninilbihan sa magulang ni Melody at ngayon ay sa kanila na, ng asawang si Alex. Hindi normal ang buhay ng mayordoma nila. Bukod sa balo ito, may kapansanan ang panganay na anak nito, si Jane. Isa siyang bulag mula nang ipinanganak. Ang sabi ng doctor noon sa kanila ng kanyang asawa nang nabubuhay pa, puwedeng makakakita ang anak nila at idadaan iyon sa operasyon, ngunit sa tamang edad nito. Dahil risky ang mag-opera nang mata habang bata pa. Naghintay ang mag-asawang Bustamante na dumating ang araw na iyon. Ngunit, inatake sa puso ang ama ni Jane, dahilan nang agad nitong pagkasawi. Naiwan silang mas naging salat sa buhay. Dahil wala na ang padre de pamilya. Simula noon, hindi na, naipagamot pa ng ginang ang kanyang panganay. Mabuti na lamang ang pangalawa nilang anak ay normal niyang inilabas. Kinse anyos na ito ngayon. Samantalang bente sais anyos na ang kanyang panganay na dalaga. ‘‘Magandang gabi, Ma'am Melody, Sir Alex. Congratulations po sa inyong dalawa. Masaya ako dahil kayo ang nagkatuluyan,’‘ masayang bungad na bati ni Aling Perla sa bagong kasal na amo, pagkabukas nito nang pinto. ‘‘Maraming salamat po, Yaya Perla. Salamat din at sumama ka sa akin dito sa bago nating tirahan. Masaya kami ng mahal ko, at hindi mo kami hinindian nang hiniling ko kay Daddy sa akin ka na titira, kasama ng dalawa mong anak. Salamat po,’‘ saad ni Melody na emosyonal at mabilis na niyakap ang kinalakihang yaya. Ito rin kasi ang saksi kung paano unang umibig ang alaga mula nang masilayan si Alex noon. ‘‘Ano ka ba naman, hija. S'yempre hindi kita iiwan. Ikaw pa ba, eh, ako na halos nagpalaki sa iyo. Pasensya na at hindi kami nakadalo sa kasal ninyo. Hindi ko kasi maiwan ang dalaga ko rito sa bahay, dahil nasa eskwela ang isa kong anak. Walang kasama, baka mapaano, alam n'yo naman ang kondisyon niya?’‘ Nakakaunawang tumango naman ang mag-asawa. Halos kasabay na lumaki ni Melody si Jane ngunit hindi masyadong naging close dahil na rin mailap ang huli. Nahihiyang makisalamuha sa ibang tao. At alam ni Melody ang totoong dahilan niyon. ‘‘We understand, 'Nay Perla, her safety is more important. Anyway, kumain na po ba kayo? Hindi na namin kayo naipagbalot ng pagkain dahil sobrang nakakapagod pala mag-ayos nang kasal hanggang sa reception. Wala na sa isip namin, ‘Nay, pasensya na. Mag-oorder na lamang po ako nang pagkain ninyo, para sa hapunan,’‘ paumanhin ni Alex rito. Hindi dumalo ang mag-ina dahil na rin ayaw lumabas ng dalagang si Jane lalo kung sa maraming tao. Nahihiya ito, at baka ma-bully lamang sa kasiyahan. Hindi naman pangit ang dalaga pero, takot at nahihiya ito, baka raw makagawa siya nang scenario na maging dahilan na mapahiya ang amo ng kanyang ina at maging ang ina nito. Pinili na lamang ni Jane na manatili sa loob ng compound nang mansion ng mag-asawang Alex at Melody. Dahilan lamang ni Aling Perla na walang magbabantay rito. ‘‘Naku, Sir Alex, huwag na po. Kumain na rin kami ng mga anak ko. Hindi na po kailangan mag-order. At isa pa, hatinggabi na, siguradong pagod na kayo. Puwede na kayong magpahinga, kami na lamang ng anak kong si Totoy ang mag-aakyat nang ilang mga gamit na dala ninyo.’‘ ‘‘Sige po, Ya, akyat na kami. Salamat po. Goodnight.’‘ Mabilis na yumakap si Melody at humalik sa pisngi na kinagisnang Yaya. Dahil sa totoo ay pagod na rin naman ito. ‘‘Goodnight po, 'Nay Perla. Bukas na lamang ho, tayo magkuwentuhan. Salamat po,’‘ paalam rin ni Alex dito kasabay nang pagmano sa ginang. Tumango na lamang ang ginang at hinatid ng tingin ang dalawang masaya habang naghaharutan sa may hagdan pa lamang. ‘‘Mga bata nga naman, oo,’‘ natatawang usal nito bago tumalikod at simulan na iligpit ang dala ng dalawa. MABILIS lumipas ang mga araw sa buhay ng bagong mag-asawa. Walang pagsidlan ang kanilang kaligayahan sa bawat araw. Masyadong malambing at maalaga si Alex sa maybahay nito. Hindi na hinayaan ni Alex na magtrabaho pa ang asawa. Kaya niya naman i-provide ang mga kailangan nila. Isang milyonaryo ang lalaki sa edad na bente nuebe, habang edad bente syete naman ang asawa nitong si Melody. Maalaga rin ang kanyang maybahay at sinusuklian niya naman iyon. Pero nitong nakaraang tatlong buwan sa kanilang pagsasama, expected ng dalawa na may mabubuo sa pagmamahalan nila. Ngunit hanggang ngayon ay failure pa rin. ‘‘Ugh!’‘ inis na daing ni Melody dahil sa pang-sampung pregnancy kit na gamit niya ay negative pa rin ang result nito. ‘‘I think, mahal, we need to visit an OB-Gyne doctor. We need to learn how you get pregnant,’‘ saad ni Alex na kahit siya ay nawawalan na rin ng pag-asa. Nape-pressure rin sila sa mga magulang nila, dahil tuwing dadalaw ang mga ito sa kanila, laging bukang bibig ay mga apo. Dahil parehong nag-iisang anak, sa kanila nakaatang ngayon ang pangarap ng mga magulang nila. Bilang pagmamahal at respeto sa mga ito ay gusto rin nilang tuparin ang mga pangarap nito maging sila na rin na excited maging isang bagong magulang. Pero mukhang hindi pa panahon upang maibigay nila iyon. ‘‘Maybe next time, Mahal ko. I think we need to wait until the perfect time comes to us,’‘ wika ni Melody at naglakad ito palapit sa asawa. Niyakap niya si Alex para kahit paano ay maibsan ang lungkot sa puso nilang dalawa. Pareho nilang pangarap ang magkaroon ng sariling anak. Noong nagsisimula pa lamang silang magkasintahan, nakaplano na ang lahat sa kanila. ‘‘Yeah, I guess, it's not the right time, yet. Let's go, mahal ko, sleep na tayo. Let's try tonight?’‘ Sabay kindat sa asawa. Natawa na lamang ang babae at nagpagiya papunta sa kama. ‘‘Thank you for understanding, mahal ko. I love you,’‘ malambing na wika ni Melody. Bago tumabi sa asawa. At naganap nga ang pulo't gata nilang dalawa nang gabi ring iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook