SA ISANG ABANDONADONG BAHAY sa Batangas naroroon sina Mr Jackson kasama ng mga tauhan nito maging ang lalaking tumulong dito ay naruon rin. Kasalukuyan nag lalaro ng baraha ang dalawang pinuno at may dalawang boteng mamahaling alak at dalawang basong may lamang alak rin ang nasa tabi lamang ng mga ito. Focus na focus ang dalawa sa pag lalaro ng mag sidatingan ang mga tauhan habang hawak ng dalawang tauhang lalaki ang magkabilang braso ng babaeng sugatan ang binti at wala pa itong malay kaya naman halus kaladkarin na ng mga lalaki ang babaeng sugatan. Dumudugo rin ang sugatang ulo ni Jessa buhat ng malakas na pag palo ng baril. Natigil sa pag lalaro at Napatayo ang dalawang pinuno dahil natuon ang pansin ng mga ito sa bitbit ng mga tauhan. “Oh ba't buhay pa iyan? Diba sabi kong tapusi

