CHAPTER 1
MALAKAS at mabilis ang bawat suntok na pinapakawalan ni Jego sa isang lalaking naka itim. Naka upo ang lalaki habang naka tali sa likod ang mga kamay nito. Habang duguan naman ang mukha ng lalaki.
“mag salita ka! Sinong nag utos sa'yo para pag tangkaan ang buhay ni Jessa!” tiim bagang saad ni Jego matapos nitong suntukin ang duguang mukha ng lalaki.
Flashback!
Kaninang umaga ay nasa Condo unit si Jego na pag mamay-ari ni Jessa. Si Jessa ang babaeng matagal na niyang nililigawan, kinukulit at sinusuyo subalit hindi naman niya sinasabi ang nararamdaman niya sa babae. Ngunit pinapakita niya lamang iyon sa pamamagitan ng pangu-ngulit pang-aasar at sa pag dadala ng kung ano-ano para dito. Madalas silang aso't-pusa ng Babaeng Agent. subalit talagang 'yun lamang ang paraan niya upang mapipakita niya at maiparamdam sa babae na may pag tingin siya dito.
Oo nga't babaero siya subalit talagang kay Jessa lamang siya natotorpe at napapa suko. Mahigit limang taon na niyang kilala ang babae kahit nag-aaral pa lamang ito nuon. Lihim niyang sinusundan ang babae noon. Hindi niya ito malapitan dahil napaka bata palamang nito noon. Eight years ang layo ng tanda niya sa babae. Ngunit naniniwala parin siya sa kasabihang walang bata o matanda sa pag-ibig.
Habang hinihintay niya si Jessa ay may isang lalaking nag deliver sa unit ng babae. Chocolates at flowers iyon. Siya ang naka tanggap ng mga iyon, sa una ay ayaw pang ibigay sa kaniya ng delivery boy subalit inabutan niya iyon ng pera upang sumunod ito.
Nang makuha niya ang mga iyon ay ganuon na lamang ang laking gulat niya ng mabasa niya ang kaniyang pangalan sa naka lagay na Sender. Napa tiim bagang siya at kumunot ang kaniyang nuo. Naka ramdam rin siya ng kaba sa kaniyang puso para Kay Jessa.
Kaya naman kumuha siya ng isang pirasong Chocolate at ipina kain iyon sa isang daga na talagang ipina kuha paniya sa tauhan niya at ipina hatid roon. Habang ang bulaklak naman ay lihim niyang itinapon kasama ang mga chocolates . Halos mamula ang mukha ni Jego, dahil sa sobrang galit habang nag tatagis ang kaniyang bagang nang makitang namatay ang daga matapos nitong makain ang chocolate at duon ay napa tunayan niyang may lason nga iyon.
Ang tauhan na nag hatid ng daga ay inutusan niyang imbistigahan nito at alamin kung sino ang nag utos sa delivery boy. At kung bakit pangalan niya ang naka lagay sa sender gayung alam niyang wala siyang inorder para sa babae sa umagang iyon. Lihim siyang nag papasalamat dahil matagal maligo ang babae, kaya siya ang naka tanggap ng delivery. dahil kung nagka taon na si Jessa ang naka tanggap ay malamang na malalason ang babae. Dahil mahilig panaman ito sa Chocolate.
Wala pang tatlong oras ay nakuha na kaagad ni Jego ang impormasyon mula sa tauhan na inutusan niya. Kaya ipina dukot niya ang Tao na iyon. At hindi na niya sinabi kay Jessa ang tungkol doon.. Matapos niyang ihatid si Jessa sa trabaho nito ay pumunta na siya sa Hideout na pag mamay-ari niya kung saan ang lalaking mananagot sa kaniya
End of Flashback!
“patayin mo nalang ako, dahil wala kang malalaman saakin…dahil wala akong sasabihin” mahinang saad ng lalaki. Kahit nanghihina na ito ay pilit parin itong nag mamatigas
“talagang papatayin kita, kung hindi ka mag sasalita!” nag tatagis ang bagang saad ni Jego. Pagka tapos ay muli na naman niya sinuntok ang lalaki
Talagang hindi mag sasalita ang lalaki, dahil ayaw nitong pag balingan ng kaniyang amo ang pamilyang maiiwan nito. Kaya hindi ito natatakot kahit patayin pa ito. May naka dikit na monitoring device sa suot nito, kaya alam ng lalaki na nakikinig ang amo nito.
“puwes…patayin mona ako, ano pang hinihintay mo!? … wala akong sasabihin at wala kang malalaman.” pag mamatigas pa ng lalaki. At kitang-kita sa mga mata nito na disidido talaga itong huwag mag salita. kaya naman napa pikit si Jego tsaka tumalikod. Pagka tapos ay kinuha niya ang baril na hawak ng tauhan at walang pag dadalawang isip na binaril niya ang lalaking naka upo habang siya ay naka talikod. Kahit hindi nakikita ni Jego ay sapul lahat sa dibdib ng lalaki ang lahat ng balang pinakawalan niya
Samantala abala naman si Jessa sa mga bagong kaso na naka assign sa kaniya. Naka titig siya sa isang larawan ng hindi pamilyar na matandang lalaki at iyon ang next target niyang iniimbestigahan.
“partner, baka matunaw na'yang litrato ng matandang maniac adik na iyan” ani ni Pinky na lumapit sa kaniyang desk at naupo ito sa gilid niyon. Pagka tapos ay may inilapag itong dyaryo sa kaniyang harapan.
Ang matandang adic at maniyakis na tinutukoy nito ay ang lihim nilang iniimbestigahan. Dahil may kutob siyang iyon ang pinuno ng mga grupong nag nanakaw o nang hoholdap nang malalaking bangko at sumasagawa rin ng mga iligal na gawain. Tulad nang pag dukot sa mga bata at kinukuha ang mga lamang loob ng mga ito upang pagka kitaan.
At may nag tip rin sa kanila mula sa private informant niya na meron rin itong malaking private hospital o mansion na tanging mga doctors na nag mula pa sa ibang bansa at ang mga pasyente ruon ay ang mga dalagitang kinikidnap o dinudukot ng mga ito. Upang gawing surrogate mother. Gamit ang tauhang lalaki na may angking kaguwapuhan o masasabing puwedeng malahian ay binabayaran ito upang galawin o gahasahin ang mga babae upang buntisin ito. Pagka tapos manganak ay binibenta ang mga sanggol sa mayayamang mag asawa. Na hindi binibiyayan ng anak. Pagka tapos ay muling pinapagahasa ang mga babae ruon o kaya'y naman ay iniimbento ng mga doctors roon ang mag tanim ng t*mod o sperm sa babae mula sa mag mag-asawang gustong sa kanila ang magagamit na sperm para sa magiging baby ng mga ito
“mukhang kailangan na natin itong isunod 'to masyado nang namimihasa ang dark silver na 'to.” ani ng kaibigan habang pinapakita sa kaniya ang dyaryong may naka lagay na may bangko na namang ninakawan at pinasabog ang grupo ng DarkSilver.
“yes, Pinky at may naisip na ako para maka mapasok ang grupo na ito” seryosong saad ni Jessa
“oh c'mon don't tell me tama ang iniisp ko…na mag papakidnap ka sa mga iyan para maka pasok—
Hindi na natuloy ni Pinky ang sasabihin nito nang makitang tumango si Jessa at mag salita ito.
“ofcourse not…pero sabagay puwede rin iyang naisip mo Pinky pero tsaka na iyan kapag pumalpak itong naisip ko. Gawin nating plan B iyang naisip mo” ani ni Jessa tsaka kumindat sa kaibigan.
Si Pinky ang kaibigan at Partner ni Jessa sa kaniyang trabaho. Maganda at Sexy ang babae. Kulay pink ang buhok nito at talagang mahilig ito sa kulay pink kahit agent rin itong kasama niya. Mabait rin ito talagang sobra silang magka sundo sa lahat ng bagay. Nasasabihan niya rin ito sa lahat mga problema niya maging ang mga masasayang bagay ay nakukwento niya. Hindi niya lang ito Partner sa trabaho kundi bestfriend rin niya.
“oh, no no no no... Hindi ako support d'yan sa plano mo 88 .masyadong mapanganib iyan” naiiling na sabi ni Pinky
“plan-B palang iyon no.. tsaka hindi ako gagalaw mag-isa no” saad ni Jessa tsaka nilalaro sa labi niya ang hawak na Ballpen
“bakit kaya hindi tayo mag patulong sa mga Apollo, malapit ka sa kanila at mas mapapadali ang trabaho natin. kapag matulungan nila tayo sa case na'to” saad ni Pinky habang binubuklat ang mga papeles na nag lalaman tungkol sa bagong kaso
“no way, may mga problema rin silang inaayos. Tsaka trabaho natin ito Pinky. At kaya natin itong tapusin ng hindi umaasa sa kakayanan ng iba” ani ni Jessa tsaka pinataasan ng kaliwang kilay ang kaibigan.
“okey, okey sabi mo eh…pero hindi ako sang ayon sa plan-A mo ha.” saad ni Pinky
Matapos mag usap ng dalawa ay bumalik na si Pinky sa puwesto nito. Habang si Jessa naman ay abala parin sa kaniyang iniip. iniisip niya kung paano niya matatapos ang malaking project na iyon sa kaniya
Maka lipas ang ilang oras ay mag tatanghali na nang maka tanggap ng tawag si Jessa mula sa kaniyang nag-iisang kapatid na si Jenny. Sinabi nitong babalik na ito ng pilipinas kasama ang kaniyang pamangkin. At gusto nitong sa kaniya mag pasundo ang nakaka tandang kapatid at hindi naman niya iyon tinanggihan.
“Pinky ikaw na muna ang bahala dito ha, tawagan mo nalang ako kapag importante.” saad niya habang sinusuot ang itim na leder jacket. Pagka tapos ay sinuot naman niya ang itim na sumbrero. Tsaka nilagay ang kalibre forty five na baril sa kaniyang tagiliran.
“bakit Partner saan ang punta mo?”
“nasa Airport na ang ate Jenny ko.. Haayst muntik ko nang maka limutan. Kapag may mag hanap saakin. Alam mona ang sasabihin” saad niya tsaka tinapik sa balikat ang kaibigan.
Palabas pa lamang si Jessa at patungo na sana siya sa kaniyang Ducati 1299 superleggera motor bike na kulay itim. Subalit napa hinto siya sa pag lakad nang huminto sa kaniyang harapan ang magarang sasakiyan na kulay itim rin na Bugatti tsaka bumaba ruon ang lalaking pasaway sa kaniyang buhay.
“oh …ba't ka na naman nandito?” masungit at seryoso niyang saad sa lalaking palapit na sa kaniya habang ito ay naka ngiti.
Nag kibit balikat lamang ito habang naka pamulsa ang dalawang kamay nito sa magka bilang bulsa ng maong nitong pantalon.
Mas lalo napa irap ng mata si Jessa nang makita ang pilyong ngiti ng lalaki na laging nag papainis sa kaniya at laging nang aasar sa kaniya.
“as usual lunchtime na Tibird este duwende kaya sinusundo kita para sabay na tayo kumain sa labas.” naka ngiting saad ng lalaki tsaka hinakbayan ang masungit na babae
“tsss, kung nag punta kalang dito para buwisitin na naman ang araw ko Jego. Nako umalis kana habang nakaka pag timpi pa ako saiyo” iritadang saad ni Jessa tsaka kinuha ang kamay ng lalaki na naka hakbay sa kaniya at pinilipit iyon sa likod nito.
Napa ngiwi at napapa mura naman ang lalaki dahil sa mabilis na ginawa ni Jessa. “araay! Nako naman duwende araay ang braso ko. Mababali—
“talagang mababalian ka kapag hindi kapag nag tinong kapre ka!” saad ni Jessa na ngayon ay nasa likod ng lalaki at pilit dinidiin ang naka pilipit na kamay ni Jego sa likod nito.
Maliit na babae lamang si Jessa at dahil napaka tangkad ng lalaki at matcho nang katawan nito ay medyo nahihirapang hawakan ni Jessa ang malaking braso ng lalaki na animoy parang bakal dahil sa sobrang tigas niyon.
“araaay! Masakit na Duwende este tomboy—
“isa pa kapre ka! Talagang babalian na talaga kita” saad ni Jessa dahilan upang hindi natuloy ni Jego ang sasabihin nito
“okey okey fine. Sorry Beautiful les este girl.. Bitiwan mona dahil masisira ang kamatchuhan at kaguwapuhan ko kapag hindi kompleto ang katawan ko. Kapag nawalan ako ng braso at kamay aasawahin kita para—
“ano…anong sabi mo? Ulitin monga…ako ba'y tinatakot mo o lalong dinidimonyo mo” ani ni Jessa tsaka binatukan ang lalaki.
//Continue