CHAPTER 2

1341 Words
“Oh anong ginagawa natin dito?” kunot nuong saad ni Jessa ng maka rating sila sa isang napaka tahimik na lugar. Lugar na kahit anong gawin ay walang makaka pansin o makaka kita. Dahil nasa malawak na lupain sila na tanging napaka lawak na pananiman ng lavander flowers. Kahit mag sisisigaw sila ruon ay tanging sila lamang ang makaka rinig o kaya'y mga insekto ruon. “wala lang, gusto lang kita maka sama.. Nasa likod ng kotse ko ang mga pagkain na pina take-out ko. Kaya dito na tayo kakain. Romantic diba” ngiting ngiting tugon ni Jego. Kaya naman napalo ito sa braso ni Jessa “loko-loko Karin no...hindi moba ako narinig kanina. Sabi kong pupunta ako nang airport para sunduin si ate” saad ni Jessa tsaka tinignan na matalim ang lalaki. Kanina ay walang nagawa si Jessa nang bigla siyang pangkuin ng makulit na lalaki sa braso nito. Na animoy isa siyang isang sakong bigas na kay dali lamang siyang binuhat nito sa braso. Kaya naman wala na siyang nagawa at hindi narin siya nag pumiglas. Dahil alam niyang hindi na naman siya mananalo dito. Lalo na't napaka kulit nito “yeah I know, pero bago iyon kakain muna tayo…at tayo na ang susundo sa ate Jenny mo.” saad ni Jego tsaka bumaba na nang sasakyan at umikot ito sa Kabila upang pag buksan rin ang naka simangot na babae. Nang matapos ay kinuha naman ni Jego ang dalawang Box sa likod na ikina kunot nuo naman ng babae. “o-oh…hindi ka naman ready sa lagay naiyan no.. Talagang naka plano ah” naiiling na sabi ni Jessa habang may naka paskil na ngiti sa labi nito. Dahil matapos ibaba ni Jego ang dalawang box ay ang unang nilabas nito ay ang apat na mitrong kulay puting tela at nilapag iyon sa barmuda grass tsaka nilagay ruon ang mga pagkain na naka lagay pa sa medium size ng Tupperware..Tatlong klaseng ulam ang naka lapag at talagang naka lagay pa sa malaking Tupperware ang kanin na animoy pang sampung tao na ang kakain niyon. May dala rin itong isang plastic na nag lalaman halohalong prutas na katulad lamang nang apples, mangga, orange at grapes. May dala rin itong dalawang bottled water at four cans fruits juice na para lamang sa kanilang dalawa. “syempre, hindi ko naman 'to araw-araw ginagawa tsaka nagka taon lang na nagugutom talaga ako kaya dinamihan kona” hindi maka tinging saad ni Jego. Habang napapakamot ito nang ulo “halata ngang gutom na gutom kanga. Para na tayong bibitayin nito, sa dami ba naman nang mga ito” pigil ang ngiting saad ni Jesaa “tsssk, huwag mo nalang pansinin. Kumain nalang tayo duwende! …May pupuntahan pa tayo pagka tapos nito” saad ni Jego, habang hindi parin maka tingin. Dahil pakiramdam niya ay namumula ang kaniyang mukha sa pakiramdam na nabuhay na naman ang pagka torpe niya sa babaeng kaharap. “luh! namumula ka. Hahaha seryoso patingin nga ulit nang mukha mo Kapre” pigil ang pag tawang saad ni Jessa nang makita ang pamumula ng pisngi ng lalaki, maging ang pagka ilap ng mga Mata nito ay hindi rin naka ligtas kay Jessa. Animoy isang bata na nahuli nang kaniyang crush. Dahil sa paulit-ulit na pangyayareng nahuhuli lagi ni Jessa na nag kakaganuon ang lalaki. “a–anong …anong namumula ka d'yan…hi–hindi kaya…ku–kung ano-ano napapansin mo duwende” “hahahaha oh ba't ka nauutal.. Oh pinag papawisan kana rin... Ayus kalang Kapre” saad ni Jessa at hindi na niya napigilang mapa tawa nang malakas. Kaya naman napikon si Jego at ang kaninang mahiyain at torpeng mukha ay biglang napalitan ng mabangis na awra. Napa tiim bagang ito at tinignan nito nang malamig si Jessa “sige tumawa kapa, kung gusto mong halikan kita” malamig na sabi ni Jego. Kaya naman napaka tigil sa pag tawa si Jessa at naitikom niya kaagad ang kaniyang bibig. Subalit halos mamula naman ang buong mukha niya at mapa luha dahil sa pag pipigil na matawa. At hindi nanga niya iyon napigilan. Kaya muli na naman siya napa bunghalit ng tawa. Dahil sa isiping nag bibiro lamang ang binata. Sa kaniyang pag tawa ay bigla na lamang natahimik si Jessa nang hilain nang lalaki ang kaniyang batok pagka tapos ay parang kidlat na lamang sa sobrang bilis ang pag lapat ng mga labi ni Jego sa labi nang natitigilang babae... Malalim ang halik na iyon kaya naman ramdam na ramdam ni Jessa ang mapag parusang halik nang lalaki. Akmang tutugon na sana siya sa halik nang lalaki. Subalit bigla naman iyon itinigil ni Jego. Kaya inis at hiyang hiya ang kalooban ng babae. Dahil sa ginawang iyon ni Jego. “sige tumawa kapa ulit at asarin ako. Mas matagal na halik pa ang ipaparusa ko saiyo agent Jessa” seryosong saad ni Jego. Pagka tapos ay hinawakan niya sa kamay ang natitigilang babae. At pinaupo ito sa harap ng mga pagkain. Parang deremot namang robot si Jessa dahil kusa na lamang siyang sumusunod sa lalaki at hindi niya namamalayan ang kaniyang ginagawa. Dahil nalulunod parin siya sa nakaka liyong halik nang lalaki. Damang dama parin niya sa kaniyang labi ang mapag parusang halik ni Jego. “ha–halikan mo ulit ako” wala sa sariling saad ni Jessa. Habang napa tingin ito sa mapang akit na labi ng lalaki. Nag tataka namang napaka tingin si Jego habang nanlaki ang kaniyang mga Mata at nang ma pruseso nang isip niya ang mga sinabi ng babae ay napa kunot naman siya. At sinisigurado niyang tama ba siya nang narinig o nagka mali lamang siya “wa–what did you say” naniniguradong saad nang lalaki. Para namang binuhusan nang malamig na tubig si Jessa nang maramdaman niya ang mainit na palad nang lalaki sa kaniyang leeg. Na animoy sinisipat siya kung may sakit ngaba siya “Duwende, ma–may sinabi ka?… Anong nang yayare sa'yo? ” ani ni Jego at pinipilit itago sa kaniyang sarili lalo na kay Jessa at huwag ipahalata rito na sobra siyang na aapektuhan nang babaeng kaharap Upang maka bawi sa pagka pahiya at sa kakaibang nararamdaman si Jessa ay sandali siyang pumikit ng mata tsaka napaka lunok nang sariling laway pagka tapos ay huminga siya nang malalim bago idinilat ang kaniyang mga Mata. “anong sabi mo Kapre? Tsaka huwag monga nilalagay iyang kamay mo sa leeg ko. Wala akong sakit no.” saad ni Jessa at kunwaring nag susungit sungitan upang itago ang kakaibang nararamdaman niya. Sobra siyang na apektuhan nang halik ng lalaking kaharap. “me? …ikaw nga itong may sinabi kanina eh…kaya ikaw itong tinatanong ko, kung may sinabi kaba.. tsaka sinipat kolang kung ayus kalang ba. Namumula ka kasi. Pati leeg mo namumula” tugon ni Jego tsaka napa nguso at napa iwas ng tingin. “haayst ewan ko sa'yo…wala akong sinabi.. Ikaw ata itong namamaligno na. Kung ano-ano naririnig mo.. Kumain nanga lang tayo, para maka alis na tayo dito.. ” saad ni Jessa tsaka kinuha ang isang Plato upang lagyan iyon nang pagkain. “ba't mo pala dito naisipang kumain? Napaka daming restaurant or lugar dito pa talaga” ani ni Jessa habang ginagala ang kaniyang tingin sa paligid. Hindi niya mapigilang mapa hanga dahil sa sobrang ganda ng tanawin na kaniyang nakikita. Sobrang nakaka halina ang makulay na tanawin at sobrang bango rin at presko nang simoy ng hangin na kaniyang naamoy at dumadampi sa kaniyang balat. Napaka bango niyon dahil nag mumula pa iyon sa preskong amoy ng malawak na lavander flowers “hmm sabihin nalang nating parang Romantic place ganun…hahaha we'll because I loved this place. Nadiscover ko ang lugar na ito dahil kay Dad. He told me na dito siya nag propose nang kasal kay Mommy at dito rin sila nag pakasal. At dito rin nila ako ginawa. That's why pinangalanan kong destiny's place 'to.” mahabang saad ni Jego kaya mas lalong napa hanga si Jessa sa lugar na iyon. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD