MATAPOS ANG AWKWARD at may pagka romantic na panang halian ay nag tungo na ang dalawa sa airport. upang sunduin ang nakaka tandang kapatid ni Jessa na si Jenny na nang galing pa sa London. Dalawa lamang silang mag kapatid at nag tungo ito sa malayo upang maka layo at maka iwas sa gulo. isang dalagang ina ang kaniyang kapatid. At hindi rin lingid sa kaalaman niya kung sino ang ama ng kaniyang pamangkin. Ngunit sabihin man nito or hindi sa kaniya ay may idea na siya kung sino ang lalaking naka buntis dito. Subalit ayaw niyang pangunahan ang disisyon nang kaniyang kapatid. kaya naman sinusuportahan na lamang niya ito at tinutulungan upang hindi mahirapan sa pag papalaki sa anim na taon nitong anak na babae.
“Jego, kamusta ka? Akala ko si Jessa lang ang susundo saamin. Hindi naman binanggit nang isang 'to na kayo na pala” saad ni Jenny nang mapansin nitong napaka tahimik nang dalawa at tanging ang anak lamang nito ang naririnig sa loob ng sasakyan dahil nag lalaro ito gamit ang iPad nito.
Gulat namang nilingon ni Jessa ang kaniyang kapatid, dahil sa sinabi nito. Tsaka pinanlakihan nito nang mata. Ngunit ngumisi lamang nang mapanukso ang kapatid. “ate, anong pinag sasabi mo?! Hindi porket kasama ko ang Mokong na Kapreng ito ay mag syota na—
Hindi na naituloy ni Jessa ang sasabihin nito nang mag salita si Jego “ay hindi pala niya nababanggit saiyo Jen na kami na. Haaay nako napaka malihim talaga nang kapatid mong duwende Jenny—araay! May loves este Jessa masakit!” ani ni Jego at napa ngiwi nang kurutin ito ni Jessa sa tagilan
“talagang masakit…kung hindi kapa tatahimik kapre ka!” gigil na sabi ni Jessa tsaka mas lalong diniinan ang pag kakakurot nito sa tagiliran nang lalaki
“araaay! Ta–tama na... Sige ka hahalikan kita ulit—
Hindi na naituloy ni Jego ang sasabihin nito nang takpan ni Jessa ang bibig nito tsaka pinanlakihan ng mata upang ipa hiwatig sa lalaki na huwa ito mag salita.
“aheeem! May halikan palang nangyari kanina tapos may patanggi tanggi pa ang is a diyan .. Oh siya tama nayan baka maka bangga pa tayo. Jessa tama naiyan. Nag mamaneho ang boyfriend mo oh” ani ni Jenny habang pinipigilan lamang nitong mapa ngiti ng malapad. Ngunit meron naman itong mapa nudyong tingin sa kapatid.
“tsss, pinag kakaisahan niyo ata ako” mahina subalit nang gigigil na sabi ni Jessa tsaka umayos ng upo at nag halukipkip tsaka tinapunan muna nito nang matalim na tingin ang lalaki. Ngunit ngumiti lamang ito nang nakaka loko tsaka kumindat ang kanang mata nito. Dahilan upang mas lalong mainis at mang gigil ang kalooban ni Jessa.
“Jego, alam naba nila Van na uuwi kami ngayon? ” pag iiba ni Jenny sa usapan nang mapansin nitong tahimik na naman.
“hmmm I don't know, why?” tugon nang lalaki, habang naka focus na ito sa pag mamaneho
“wala naman, huwag mona muna sabihin or banggitin na dumating na kami dito.. Gusto ko siya sopresahin lalo na si Stepani” ani nang babae tukoy nito sa kaibigan at inaanak nito
“okey sabi mo eh. So saan ko kayo ihahatid?”
“sa unit ni Jessa” tugon ni Jenny at hindi rin nag tagal at ilang minuto lamang ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng hotel na may limang palapag na. Pag mamay-ari ni Jessa
“thankyou Jego” saad ni Jenny habang buhat nito ang natutulog na anak.
Habang si Jessa naman ay tahimik lamang na bumaba ng sasakyan. Sinuklian naman ng ngiti ni Jego ang babae tsaka binalingan si Jessa at kumaway
“yeah, sige…bye beautiful tomboy” saad nang lalaki kaya naman sa wakas ay tumingin rin sa gawi nito si Jessa. Subalit sa malamig na awra lamang.
“umalis kana kapre! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko! ” nang gigigil na sabi ni Jessa. Tsaka huwak sa tagiliran nito na may naka tagong baril
“hahahaha gumaganda rin pala ang duwende kapag nag susungit.” pang aasar pa ng lalaki
“aba't” ani ni Jessa tsaka binunot ang kaniyang baril.
Natigil na sa akmang pag sasalita si Jessa nang mabilis na humarurot paalis ang sasakyan ni Jego. Habang ang lalaki naman ay ngiting-ngiti ito habang nag mamaneho.
Nag tungo muna siya sa kaniyang kompanya bago tumuloy sa meeting nilang mag kakaibigan. Nang matapos ay napag pasyahan niyang pumunta muna ng Bar upang mag libang sandali lalo na't gumagabi narin naman.
Nasa roxas boulevard na si Jego nang maka tanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama na si Mr Jackson. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumunta sa mansion ng mga magulang. At wala pang isang oras ay naka rating narin siya sa Sandoval subdivision
“Dad, ba't niyo ako pinapunta dito? Anong meron?” ani ni Jego nang makita ang kaniyang ama na naka upo sa single sofa nito habang may hawak na isang kopita na nag lalaman ng alak.
“I want to ask you kung tinatarget ba ng grupo niyong mga Apollo 'yung grupong madalas napapabalita ngayon” walang emosyong saad ng matandang Sandoval
“anong grupo? Marami kaming grupong tinatarget” saad ni Jego tska naupo sa harapan ng ama at napa tingin siya sa dyariyong katabi ng ama. At duon ay nabasa niya kung anong grupo ang tinutukoy nang kaniyang ama.
“oh DarkSilver ba ang tinutukoy mo dad? Hmmm no…mga NBI at pulis ang nag tatrabaho d'iyan.. Iba ang Subject namin ngayon…Why dad?” saad ni Jego at nag tatakang tinignan ang ama. Dahil biglang nawala ang masungit na awra nito matapos niyang mag salita.
“nothing iho. Nag aalala lang ako, baka isa sa mga negosyo natin ang pasukin ng grupo na'yan” saad nang ama.
“hmm don't worry dad, hindi iyon mang yayare by the way nasaan si Mommy?” ani ni Jego nang mapansing napaka tahimik nang mansion tanging ang ama lamang niya ang Taong nakikita niya ruon.
“nag sabing kasama niya ang mga amiga niya nag shopping” tugon ni Mr Jackson tsaka lumagok nang alak.
“hello Mr Jackson and Jego. Good evening” ani nang isang pamilyar na boses ng babae. Kaya nabaling ang atensyon ng mag-ama sa babaeng kakapasok lamang ng sala.
Napaka sexy at ganda ng babae at puwede na ito ipang laban sa mga modelo. Subalit secretary at inaanak lamang ito ng kaniyang mga magulang. Sa poder na nang mga Sandoval lumaki at nagka isip ang babae, kaya pamilya na ang turning ng mga ito sa babae. Ngunit salungat iyon kay Jego. Mula nuon ay malayo na ang loob ni Jego sa babae at mainit ang dugo niya dito. At tanging siya lamang ang walang tiwala sa babaeng iyon. Dahil palagay niya ay meron itong masamang dulot sa pamilya nila.
Humalik ito sa pisngi ng matandang Sandoval at akmang bebeso rin ito kay Jego subalit nilayo ni Jego ang kaniyang mukha. Dahilan upang mapahiya ito
“tsss what are you doing here” malamig na sabi ni Jego
Kahit napa hiya ang babae ay ngumiti parin ito nang pagka tamis tamis tsaka naupo sa tabi ng matandang Sandoval “we'll dito ako mag di-dinner at matutulog. Nababagot ako sa condo ko. Okey lang ba Mr Jackson? ” ani nang babae.
“ofcourse Moisa. Pamilya kana dito kaya kahit hindi kana mag paalam ay welcome na welcome kaparin sa mansion na ito” malambing na sabi ni Mr Jackson sa babae. Tsaka hinipo ng kamay nito ang buhok nang babae. Dahilan upang mas lalong mapa ngiti ang babae.
Habang si Jego naman ay mas lalong nag init ang kaniyang ulo sa kaniyang nakikita. Ewan ba niya kung bakit ganun ang pakiramdam niya sa babae. Naisip niyang kaya gusto gusto ng kaniyang ama ang babae dahil wala itong anak na babae.
Walang kapatid na babae si Jego kaya hindi niya rin masisi ang kaniyang ama kung bakit napaka lapit nito sa inaanak or secretary nito. Ngunit kahit ganuon ay hindi parin niyon mababago ang masamang tingin niya sa babae.
Disi-Otso si Moisa nang tumira ito sa poder ng Sandoval family. Ulilang lubos na ito kaya ang mga magulang na ni Jego ang nag paaral dito hanggang sa maka pag tapos ito. At maka pag trabaho bilang secretary ni Mr Jackson. Ngayon ay benty-sais na ang babae. Ngunit hindi parin ito tanggap ni Jego. Nag tataka rin siya dahil dati ay Ninong ang tawag nito sa kaniyang ama. Nabago lamang ang pag tawag nito nang mag disi-otso ito.
“Dad, uuwi ba si Kuya Jerick dito nagyon?” ani ni Jego, at hindi binalingan ng tingin ang babae na halos naka hubad na ito sa suot nitong maiksing palda at small crop top na tanging dalawang hinaharap lamang nito ang natatakpan.
literal na babaero si Jego ngunit kahit kailan ay never siyang na attract kay Moisa. At hindi nabago ng alindog nito ang masamang tingin at loob niya sa babae.
“nandito ang kuya mo. Nandun siya sa kuwarto niya. Halos nagka sunod lang kayo sa pag dating” tugon ni Mr Jackson. Sa narinig ay tumayo na si Jego at walang lingon na nag patuloy siya sa pag lakad at hindi na niya nakita ang kakaibang ginawa nang babae sa kaniyang ama..
//Continue