LAKAD TAKBO si Jego kasama ang kaniyang nakaka tandang kapatid na si Jerick, kanina ay nasa isang tahimik na lugar lamang siya. Kung saan puwede niyang mailabas ang hinanakit sa kaniyang kalooban. Nasa malalim siyang pag iisip ng maka tanggap siya ng tawag mula sa Mayordoma ng mansyon nang kaniyang mga magulang. At habang siya ay nag mamaneho patungong hospital kung saan dinala ang kaniyang ina ay tinawagan narin niya ang kaniyang kuya. At tyempo namang pag dating niya sa pagamutan ay siya ring pag dating nito kaya naman magka sabay nilang tinahak ang emergency area. Kahit wala paman sinasabi ang information area kung nasaan ang kanilang ina basta't dumeretso na lamang sila ruon. Malayo paman ay nakita na ni Jego ang kaniyang ama. Pabalik balik ito sa pag lakad at halatang hindi mapa

