HALOS SABAY Na napa tingin ang tatlong lalaki na sina Kiel, Mike at Fego. Nang bumukas ang Pinto at pumasok ruon ang naka busangot na si Jego. Mukhang badtip na badtrip ang mukha nito na siguro'y kahit sinong artist ay hindi kayang iguhit ang mukha nito.
“oh anung mukh iyan? Parang pasan na pasan mo ang problema sa mundo ah” ani ni Fego tsaka napa kunot-nuo
“wala kang work Jego? Bakit parang hindi kapa naka uwi sa bahay mo? ” saad naman ni Mike nang mapansin nitong iyon parin ang suot ni Jego kahapon..
“tsss, naka uwi rin. Nawala lang sa isip ko mag palit… may iba akong iniisip. Kiel, Mike diba kayo ang kasama ko last night?” tugon ni Jego
“Yes, why” ani ni Kiel at tumingin ito sa katabing si Mike
“sinong sumundo saakin sa club?”
“baket? Nakalimutan mo kung sino?” tugon ni Kiel
“just answer me” tiim bagang saad ni Jego. Naiinis na siya dahil hindi pa sinasagot nang mga ito ang taong niya. Bagkus ay tanong rin ang binabalik sa kaniya.
“si Jessa, si Jessa ang sumundo sa'yo kagabi bakit pala? What's wrong” ani ni Kiel
'Kung si Jessa ang sumundo saakin kagabi. kung ganun si Jessa rin ang kasama ko sa rest house…so it means may nangyare saamin kagabi? Hindi lang basta iyon imahinasyon kulang, kundi totoong v*rgin pa ang babaeng kasama ko kagabi. At si Jessa iyon. F*ck! I need to talk her.' Saad ng kaniyang isip. Sa isiping iyon ay dali-daling tumalikod si Jego at patakbong iniwan ang kaniyang mga kaibigan. Kaya naman naiwang nag tataka at naguguluhan ang mga ito. Parehong nagka tinginan ang mga ito at magka sabay rin nag kibit balikat sina Mike at Kiel nang mag tanong si Fego sa mga ito.
Samantala naka upo lamang si Jessa sa kaniyang higaan. Kasalukuyan siyang nasa sarili niyang bahay. Habang malalim ang kaniyang iniisip. Hindi muna siya pumasok sa trabaho, at hindi rin siya kumakausap ng kahit na sino.
Naka patay rin ang kaniyang cellphone upang walang maka tawag sa kaniya. Pina absent niya rin ang dalawang kasambahay ruon upang walang maka istorbo sa kaniya. Gusto niya muna ng katahimikan at ayaw niya munang kumausap ng kahit na sino o kaya'y maka kita ng Tao kahit na sino. Ganuon siya satuwing gusto niyang maka pag isip ng maayos at may dinadala siyang malaking problema sa kaniyang sarili.
Oo problema sa kaniya ang naganap sa kanila ni Jego. dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki. Gayung alam niyang malabo niya maiiwasan ang lalaki dahil kahit saan ay makikita at makikita niya parin ito.
Wala naman siyang nararamdaman na pag sisisi dahil alam niya sa kaniyang sarili na nagustuhan niya rin iyong ginawa nila ni Jego at alam niya rin sa kaniyang sarili na mahal niya si Jego nuon paman. Ngunit pinipigilan lamang niya at ayaw niyang ipahalata kahit na kanino. Dahil ayaw niyang mapag tumpukan ng tuksuhan. Ayaw niya rin mahalata ni Jego na may pag tingin siya dito. Dahil nakaka ramdam siya ng hiya lalo na't napaka laking pamilya at maka pangyarihan ang pamilya Sandoval. isapa't natatakot rin siyang masaktan kapag pumasok siya sa isang relasyon lalo na't alam niyang napaka womanizer ni Jego. Napaka babaero nito at hindi iyon basta-basta balita lamang kundi kitang-kita nang mga Mata niya ang mga pinag gagawa ng lalaki. Nag pipigil lamang siya kahit selos na selos na siya.
Ang gusto niya at hinihintay lamang niyang makita ay ang mag tino ang lalaki, kahit napaka tagal na nitong nag paparamdam sa kaniya. Subalit ayaw muna niyang pumasok sa relasyon dahil nga't natatakot siyang masaktan. Wala pa siyang experience at NBSB rin siya sa madaling salita ay No boyfriend since birth pa siya.
Si Jego lamang ang unang lalaking pumukaw ng atensyun niya at nag simula lamang iyon nung Highschool pa lamang siya. Subalit pigil na pigil lamang niya ang kaniyang sarili upang hindi mahalata nang kahit na sino ang kaniyang lihim na pag tingin para sa lalaki.
Mula sa malalim na pag iisip ay napukaw lamang ang atensyun ni Jessa at nagulat siya dahil sa mag kakasunod na doorbell mula sa Pinto ng kaniyang bahay. Napa kunot nuo siya, dahil wala siyang inaasahan na bisita lalo na't wala naman siya nakaka usap sa araw na iyon.
Ang kaniyang mga magulang ay nasa Hasyenda ng mga Salvi, habang ang kaniyang ate Jenny naman at ang anak nito ay nasa Condo Unit niya. May sarli siyang bahay subalit wala gaanong nakaka alam niyon dahil minsan lamang siyang umuuwi ruon. Kaya naman nag tataka siya kung sino ang taong bumubulabog sa kaniya sa araw na iyon.
Napa tingin siya sa orasan at mag tatatlong oras na palang nakaka alis ang mga kasambahay niya. kaya naman naisip niyang baka may naka limutan ang isa sa mga ito.
Tamad siyang bumaba. At walang ganang tinungo ang pinto upang pag buksan kung sino ang nasa labas. Kahit nahihirapan sa pag hakbang, dahil namamanhid parin ang mag kabilang hita niya at masakit at makirot parin ang pagka babae niya ay pinilit niyang mag lakad upang pag buksan ang nasa labas dahil mukhang atat na atat ang nasa labas dahil sunod sunod ang pag doorbell nito
“haayst ano bayan…hindi maka pag hintay” naiinis niyang saad tsaka pinihit ang seradura ng Pinto. Naka yuko siyang nag bukas ng Pinto. Kaya naman sa pag aakalang Taga luto niya ang nasa labas ay kaagad na siyang nag salita.
“Manang may nakalimutan—Je–Jego…a–anong…anong ginagawa mo dito?” nauutal na sabi niya nang mapa angat siya ng tingin at makilala niya kung sino ang taong hindi maka pag hintay at nambulabog sa kaniya sa oras na iyon.
“Nagulat kaba…duwende…Honey” mahina subalit nakaka pigil hiningang boses ng lalaki…mapupungay ang mga Mata nitong naka tingin sa buong mukha ni Jessa hanggang sa bumaba iyon sa naka awang na labi ng babae.
Akmang isasarado ulit ni Jessa ang Pinto subalit mabilis naiharang ni Jego ang kamay nito sa Pinto dahilan upang matamaan iyon
“araay! …awtch araay…Duwende gusto mo atang mawala mga kamay ko.” naka ngiwing saad ni Jego, kahit hindi naman ito gaanong nasaktan.
Nagulat naman si Jessa…nanlaki ang kaniyang mga mata at nilakihan niya ang siwang ng pinto tsaka nilapitan ang lalaki
“Je–Jego naman eh, ba't mo naman kasi hinarang ang kamay mo. T*nga kaba…haaayst duwag na kapre kananga, t*nga kapa. Saan masakit? Sorry sorry hindi ko sinasad'ya” ani ni Jessa na halos maluha na habang hinahawakan ang kamay ng lalaki upang hanapin kung saan sa mga daliri nito ang naipit.
inihipan ni Jessa ang mga daliri ni Jego kahit hindi niya alam kung saan sa daliri ng lalaki ang nasaktan. Napa tingin naman si Jego sa babae habang aliw na aliw itong panuorin ang babae sa ginagawa nito
“Kailangan talagang may kasamang t*nga at duwag no? Kailangan pang may kasamang pintas no…ang sweet mo talaga mag alala Duwendeng honey ko” saad ni Jego habang pigil na pigil ang pag ngiti nito.
//Continue
Wala kang takas ngayon Jessa. Hinanap ka talaga ni Kapre.