Chapter 55

1954 Words
Lucas’s point of view Nang natahimik ako sa sinabi sa akin ni Luna at napatingin naman sa akin si Charles dahil doon ay agad kong iniba ang aming pinag-uusapan dahil ayokong mag-isip na mas ikasasama ko ng loob kay Elise lalo na at wala ako ngayon sa lugar naming upang maglabas ng sama ng loob. “So gusto niyo talaga malaman kung pasaan tayo ngayon?” masayang pag-kakatanong ko sa kanila At agad namang sumagot si Jeremy sa aking itinanong, “Oo bro! dali na, ito naman,” tugon naman niya “Haha, sige sasabihin ko na. Sa Tagaytay tayo pupunta ngayon, doon ako natigil kasama si Charles,” pahayag ko namang muli sa kanila. Nagulat naman agad ang tatlo nina Luna, Jessica at Jeremy nang sabihin ko iyon sa kanila. “S-seryoso ka Lucas? H-hindi pa ako nakakapunta doon,” pahayag naman bigla ni Luna nang marinig sa akin kung saan kami pupunta. “Ang tagal ko naring hindi nakakabalik doon simula noong namatay si Lolo,” saad naman ni Jessica. “Ako din, at ngayon makakabalik na tayo sa Tagaytay at makakapunta na si Luna. And I’m sure Luna, magiging masaya ka doon at makakahinga ng maluwag sa mga iniisip mong problema, kung meron man,” saad naman ni Jeremy kay Luna. At doon, habang ako ay nag-mamaneho ay napansin ko si Luna na nakangiti habang nakatingin sa labas ng bintana at nanunuod lang sa aming dinaraanan. Iyon ang unang beses ko siyang makitang nakangiti dahil may magandang mangyayari sa araw niya. Isang oras na ang nakalipas ay nakarating na kami sa isang kainan. Naisip ko muna silang dalhin sa kainan upang matikman nila ang masasarap na pag-kain lalo na ang mga bulalo. Nang tumigil kami at nang makaparada na ang sasakyan ay agad na kaming nag-sibabaan. “Ah—Lucas? Nasaan tayo? Dito ka na ba natira?” tanong kaagad sa akin ni Luna. Napangiti naman ako sa kaniyang tanong, “Ah—hindi Luna, nasa kainan tayo. Mukhang nilalamig ka ah?” pahayag ko sa kaniya Hindi siya nakaimik nang sabihin ko iyon sa kaniya, at agad ko namang pinakuha kay Charles ang isang jacket na pwedeng masuot ni Luna, at nang mai-abot na sa akin ni Charles ay agad ko namang ini-abot kay Luna. “Ito Luna oh, suotin mo muna. Baka kung mapaano ka pa,” saad ko naman sa kaniya. Nang iabot ko iyon sa kaniya ay hindi naman niya ako tinanggihan at kinuha rin naman niya agad sa akin ang aking jacket at kanya kaagad isinuot. “So ano guys, tara na?” pahayag ko sa aking mga kasama, at sabay-sabay na kaming pumasok sa isang restaurant. Pag-pasok naming doon ay hindi ganoon kadami ang tao, kaya’t hindi kami mahihirapan na umorder at mag-hintay pa sap ag-kain. Nang makakita kami ng upuan ay agad kaming pumunta doon ay naupo. Nang biglang umimik si Jessica sa akin. “Hindi mo naman sinabi Lucas na malamig pala dito,” saad naman niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi, “Pasensya na Jess, hindi ko rin alam nag anito kalamig ngayon sa oras na ito,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. “Ah—gusto mo gamitin mo nalang muna ang jacket ko? I mean—Jacket ni Lucas,” saad naman ni Charles at doon ay nagulat ako sa kaniyang ginawa. “H-hindi—hindi na Charles. Nakakahiya, baka nilalamig ka din,” pahayag naman ni Jessica kay Charles. “Hindi okay lang, mas okay na mag-bigay sa mga babae kahit kami na ang lamiging mga lalaki,” saad muli ni Charles at agad niyang hinubad ang jacket at iniabot kay Jessica. Agad rin namang tinanggap ni Jessica ang jacket at isinuot sa kaniya. Habang kami ay nananahimik ay napansin ko na wala na sa mood ang itsura ni Jeremy, “Ah—Jeremy okay ka lang? gusto mo rin ba ng jacket? Mag-titingin ako sa sasakyan kung meron pa,” saad ko naman sa kaniya. Umiling naman kaagad siya sa akin, “Hindi na bro, I’m good. Mas okay nan ga na sa kanila na lang ni Luna at Jessica,” tugon naman niya. Nang biglang dumatin na ang mga bulalo naming inorder pati narin ilang kanin. Nang mailapag na sa lamesa ay amoy na amoy ang bango ng bulalo at ramdam na ramdam ang init nito kasabay sa malamig na panahon. Nang biglang umimik si Jessica, “Parang hindi naman tayo umorder ah? Paano nila nalaman kung ano ang oorderin natin?” pag-tataka nito. “Ah—eh actually Jessica, sina Lucas ang may-ari nito, kaya noong on the way palang tayp dito ay ipinahanda na niya ang ating kakainin,” saad naman ni Charles at agad ko rin naman siyang sinapak sa ulo, dahil ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nakakaalam tungkol doon. Nagulat sina Jeremy, Luna at Jessica nang sabihin iyon ni Charles, “B-bakit hindi mo sinabi Lucas? Hindi ko akalain na may ganito kayong pag-aari,” pahayag naman ni Jeremy sa akin. Napakamot naman ako sa ulo at nag-iisip ng sasabihin sa kanila, “Ah—eh, gusto ko kasi yung normal lang ang pag-kakakilala niyo sa akin. Siguro parang ayoko ba iivolve ito, gets niyo ba?” saad ko naman sa kanila. “Ah—so parang ang ibig mong sabihin, gusto ka naming makilala na walang ganitong klaseng bagay na parang Negosyo or pag-mamayari? Ganoon ba?” tanong naman ni Luna. Tumango naman agada ko sa kaniya, “Tumpak Luna,” tugon ko naman. “Ayos ka din pala Lucas no, pero alam mo kahit hindi naming ito nalaman simula noong una okay lang. Kasi—mabait ka parin naman sa amin, at wala namang pinag-babago,” saad naman sa akin ni Jessica. “Salamat ah, sige na. Kain na tayo, baka lumamig pa ang sabaw,” pahayag ko naman kaagad sa kanila. At doon ay nag-simula na kaming kumain, at habang kumakain ay masaya naming pinag-uusapan ang panahon ganoon din ang mga lugar na pwede naming puntahan habang kasama ko pa sila dito sa Tagaytay. Elise’s point of view Nakarating na ako sa amin galing school, at nang dumating ako ay nadatnan ako ng aking magulang na pumasok ng pinto. “Oh? Elise? Bakit ganyan ka kasabog? Anong nangyari sa iyo? Mag-ayos ayos ka naman ng sarili mo,” pahayag kaagad sa akin ng aking ina. “Hayaan niyo na ako mom, I’m fine,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. At nang sinubukan ko ng umalis sa kanilang harapan ay biglang hinila ng aking ina ang aking buhok. “Ah!!! Ma! Ano ba!?” sigaw ko sa kaniya nang gawin niya iyon sa akin. Agad ko namang inalis ang kaniyang kamay sa pag-kakahawak sa aking buhok. “Elise! Ano bang nangyayari sayo ha?! Hindi ka naman ganyan ah!?” pahayag sa akin ng aking ina at agad ko namang sinagot ang kaniyang katanungan sa akin. “Hindi nga ako ganito mom! At yung pinipilit niyo na dapat na maging ako ay hindi ako mom! Hirap na hirap na ako sa ginagawa niyo sa akin ni Dad na dapat sundin ko lahat ng gusto niyo hanggang sa edad kong ito ganoon padin ang ginagawa ko para sa inyo! At dahil doon! At dahil sa inyo Nawala sa akin si Lucas sa isang iglap!” pahayag ko sa aking mga magulang. Biglang hinawakan ng aking ina ang aking braso ng mahigpita, at nang gawin niya iyon sa akin ay naramdaman ko ang sakit sa kaniyang pag-kakahawak dahil sa higpit. “Aba! Baka nakakalimutan mo Elise! Hindi mo makikilala ng mas malalim si Lucas kung hindi dahil sa amin ng tatay mo, at kasalanan mo kung bakit nag-hiwalay kayo! Hindi mo maililipat ang kasalanan mo sa amin!” saad niya sa akin. Doon ay hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi at pinilit kong alisin ang kaniyang pag-kakahawak sa aking braso, at agad akong nag-tungo sa aking kwarto na may puno ng galit sa aking mga magulang. Luna’s point of view Natapos na kaming kumain sa restaurant nina Lucas kung saan doon kami kumain ng kanilang masarap na bulalo. “Busog na busog na busoooog na kami Lucas,” pahayag naman bigla ni Jessica Napatingin naman si Lucas sa kaniya at ganoon din kami, “Paano ang busog Jessica? Eh sa payat mong yan parang hindi naman halata na nabusog ka eh, iniisip ko nga kung saan napunta ang mga kinakain mo eh,” pabiro naman sa kaniya ni Lucas at doon ay nagsimula kaming mag-tawanan. “Pero maraming salamat padin Lucas ah, hindi naman naming akalain na dadalhin mo kami dito sa Tagaytay,” saad ko naman sa kaniya “Ano ka ba Luna, okay lang yun. Pang-bawi lang din sa inyo lalo na at hindi ko na kayo palagi nakakasama,” tugon naman kaagad ni Lucas sa akin. “Soooo, saan ka nga ba natigil Lucas? Baka naman pwede mo kaming dalhin doon oh,” saad naman bigla ni Jeremy. At nang sabihin iyon ni Jeremy kay Lucas ay biglang siniko ni Jessica si Jeremy. “Aray ha,” saad naman muli ni Jeremy “Nako Lucas! Wag na, wag kang makinig dito kay Jeremy at minsan may oras talagang walang hiya to,” saad naman ni Jessica. “Hahahhaha, ano ba kayo. Hindi ba at yun naman talaga ang pakay ko, actually dumaan lang naman tayo dito eh pero dadalhin ko talaga kayo sa lugar ko kung saan kami natigil,” pahayag naman sa amin ni Lucas. “Pero Lucas, hindi ba at nakakahiya na, lalo na at ang layo nan ang pinag-dadalhan mo sa amin tapos nilibre mo pa kami dito sa restaurant niyo, sobra-sobra na,” saad ko naman. “Nako, wag kayong mahiya kay Lucas. Hindi ko nga akalain na gagawin niya ito dahil ngayon ko lang din siyang Nakita na ganitong kasaya na kasama kayo. Nasanay kasi ako na kami lang dalawa ang palagi noong mag-kasama hanggang sa dumating kayo sa buhay niya at thankful naman ako doon,” pahayag naman ni Charles sa amin. “Oo nga, wag na kayong mahiya. Minsan lang naman ako mag-aya eh. So ano? Tara na, baka hindi na kayo makauwi niyan pero depende sa inyo kung saamin na rin kayo tutulog,” saad naman bigla ni Lucas. Nanlaki ang aming mga mata sa gulat nang sabihin iyon sa amin ni Lucas dahil hindi naming inaakala na yayayain niya kaming matulog sa kaniyang lugar. “S-seryoso ka ba diyan Lucas? Hindi ka naman nananaginip no para sabihin yang mga sinasabi mo?” tanong bigla ni Jeremy sa sinabi sa amin ni Lucas. “Ano ba kayo, totoo nga. Akala mo lagi nag-bibiro eh,” saad naman sa amin ni lucas. “TARAAA NAAAA! Hindi ko na tatanggihan talaga yan Lucas,” pahayag muli ni Jeremy kay Lucas. At doon ay nag-lakad na kami patungo sa sasakyan upang sumakay at umalis na doon. Nag-tungo na kami kaagad sa lugar kung saan doon natigil ang dalawa ni Lucas at Charles. Nang papasok na kami sa isang basement, ay nagulat kami nang mapansin namin na doon kami sa malaking building papasok. “L-lucas? Ang laking hotel nito, pang-anong floor ka?” tanong naman kaagad ni Jessica. “Hahaha, wag mo na tanungin Jess baka kapag tumingin ka sa bangin hindi mo kayanin” saad naman ni Lucas sa itinanong sa kaniya ni Jess. Sa sagot ni Lucas sa kaniya ay biglang humawak sa akin ng mahigpit si Jessica at naramdaman ko bigla na siya ay kinakabahan. “Sira ka, basang-basa kaagad ang kamay mo ng pawis. Hindi naman halatang kinakabahan ka no?” pahayag ko naman sa kaniya. At doon ay ngumiti siya sa akin nang papilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD