Chapter 56

1986 Words
Pataas na kami sa room ni Lucas nang bigla kaming hinarang ng isang gwardya, “Miss bawal po ang hindi naka-checked in sa hotel,” saad naman niya sa amin. Nang bigla namang napalingon sa amin si Lucas at lumapit sa gwardya nang sabihin iyon sa amin, “Okay lang, kasama ko sila,” pahayag niya sa gwardya. Noong sinabi iyon ni Lucas sa gwardya ay agad namang hinayaan kami nito na palampasin at sumunod kay Lucas. Doon ay namangha kami nina Jeremy at Jessica, “Wow naman Lucas, ang lakas mo naman sa gwardya,” saad naman bigla ni Jessica. Napakapit naman si Jeremy sa balikat ni Lucas, “Oo nga bro, paano mo nagawa yun?” tanong naman din kaagad ni Jeremy sa kaniya. Napatingin naman si Charles nang itanong ni Jeremy iyon kay Lucas at biglang umimik, “Wag na kayong mag-taka, business partner ang tatay niya at ang may-ari nito kaya hindi malabo na mag-checked in siya dito ng madali hahaha,” Nagulat naman kami bigla ulit nina Jeremy at Jessica sa sinabi bigla ni Charles, “Seryoso ka? Bakit hindi mo sinabi Lucas, kakaiba pala talaga itong si Lucas, madaming sikreto sa buhay,” pahayag naman ni Jessica. “Gusto mo lang talagang maging simple no,” pahayag ko naman kay Lucas. At doon ay tumingin siya sa akin nang nasa elevator kami at ngumiti ng simple sa akin at tumango. Habang pataas ang elevator ay tahimik laang kami, sa sobrang tahimik ay biglang hindi na napigilan ni Jeremy na hindi umimik. “Grabe naman kayo, bakit hindi kayo umiimik?—” nang biglang naputol ang tanong ni Jeremy nang biglang lumiwanag. “Woaaaaah!” biglang napasigaw si Jessica at agad na napahawak sa akin nang nakikita na namin ang view sa labas habang papataas sa floor kung saan natigil sina Lucas at Charles. “Ang ganda booooy!” pahayag naman ni Jeremy. “B-bakit naman hindi mo sinabi Lucas na may paganitong elevator pala dito?” tanong naman agad ni Jessica kay Lucas “Alam mo Jess, kung hindi ka nanguna sa elevator hindi naman natin to mararanasan eh. Kaso wala na akong magawa at hindi ko na nasabi sa inyo, kasi lahat tayo nasa loob na, kaya no choice na ako,” saad naman bigla ni Lucas kay Jessica. “Meron bang hindi kita?” tanong ko naman kay Lucas. “Oo, yung sa kabilang kaharap nito. Hindi doon kita kasi tago yun, unlike dito makikita mo talaga ang labas para makita mo ang view,” pahayag naman ni Lucas sa akin. Doon ay mas lalo kaming namangha sa itsura ng hotel na tinitigilan nina Lucas, hindi namin akalain na may ganitong klaseng hotel. Nang nasa floor na kami nina Lucas ay lumabas na kami ng elevator, mas nagandahan kami sa itsura nang lumabas kami sa elevator nang makita namin ang mga vase na nakalagay sa ilang lamesa ganoon din ang carpet na pula na nakalagay sa aming dadaanan. “Sosyal naman dito Lucas, may pa-carpet,” pabiro namang pag-kakasabi ni Jessica. “Parang artista ka na dito bro kapag nag-kataon,” saad naman ni Jeremy. “Hindi naman guys, wala din sa isip ko mag-artista no,” pahayag naman bigla ni Lucas sa amin. Nang tumigil na kami sa kwarto niya ay doon ay pumasok na kami. Nang pumasok kami ay agad kaming pinaupo nina Lucas at Charles sa lamesa, “Maupo muna kayo, ikukuha ko kayo ng room niyo para matigilan,” saad naman sa amin ni Lucas. “Charles, ikaw muna bahala sa kanila,” pahayag naman ni Lucas kay Charles. Muling lumabas si Lucas sa kaniyang room at muling bumaba sa baba ng hotel para makakuha ng kwarto para sa amin nina Jeremy at Jessica. Habang si Charles naman ay binabantayan kami. “Ah—eh Charles, ano pa ba ang hindi namin alam kay Lucas?” tanong ko kaagad kay Charles habang wala si Lucas. Napatingin naman siya at agad na sinagot ang aking katanungan, “H-hindi ko alam eh, malakas ang dinadala niyang surname at bilang kaibigan niya simula pag-kabata kahit na mayaman sila ni-minsan hindi niya nagawang manliit ng kahit sino kasi gusto niya kung sino siya, simple lang siya,” saad naman sa akin ni Charles. “Ah—pero marami bang nag-kakagusto kay Lucas?” tanong naman ni Jessica Natawa naman si Charles sa itinanong into sa kaniya, “Naku! Sa ganyang tanong, masasabi kong oo. May ibang tao nga na gusto yung fix marriage ba, pero ayaw naman niya ng ganoon. Sinasabi niya palagi, kahit mamatay nalang daw siya wag lang siyang ikasal ng maaga sa taong hindi naman niya mahal,” saad naman muli ni Charles. “Pero alam mor in ba ang tungkol kay Elise?” tanong naman ni Jeremy sa kaniya. “Ah—oo, iyon yung pinakamasakit na part sa akin na nakita ko ang pinakamatalik kong kaibigan na naiyak ng sobra dahil sa isang tao na niloko siya. Walang ibang ginawa si Lucas kung hindi ang seryosohin lang si Elise, kaso itong si Elise hindi naman nakuntento. Ewan ko ba sa babaeng yun. Actually na kay Lucas na lahat, pero ni minsan hindi niyan ginantihan ang babae,” pahayag naman muli ni Jeremy. “Grabe nga pala talaga si Elise no, kung siguro nag-seryoso siya kay Lucas hindi magiging mesirable ang buhay niya noong nakilala natin siya. Noong nakilala namin si Lucas, hindi yan ganyan kasigla eh. Alam na alam mong may dinadalang sama ng loob pati hinanakit kung kanino,” pahayag naman ni Jessica kay Charles. “Oo, pero noong nakilala niya kayo. Hindi ko akalain na maibabalik niyo siya sa dating siya, kasi noong iniwan talaga yan ni Lucas, kung saan-saan yan nag-lilibot pati narin sa school tatambay kung saan, tahimik,” pahayag naman ni Charles. “Ah! kung saan unang beses nakita ni Luna si Lucas. Hindi ba iyon ang unang beses na nakita mo si Lucas Luna?” tanong naman bigla sa akin ni Lucas. Nagulat naman ako nang sabihin iyon sa akin ni Jessica at itanong, at agad naman akong napatango bigla, “Ah—oo! Oo, yun yung araw na niligtas ako ni Lucas sa school,” pahayag ko sa kanila. “Niligtas? Napaano ka ba noon?” tanong naman ni Charles sa akin. “Noong gabi kasi na nasa school kami nina Jeremy at Jessica pati ng iba pa ay nag-lalaro kami sa classroom ng truth or dare tapos napili ko dare, inutusan nila akong umikot sa babang floor pag-katapos noon parang may sumusunod na sa akin. Iyong araw na iyon, yun ang usong-uso na nag-sisilabasan ang pumapatay ng tao, nang bigla akong hinila ni Lucas at sinabi niya sa akin na wag maingay,” pahayag ko naman sa kanila. “Ang galing naman pala ni Lucas, kaya pala dapat maging thankful ka that time sa kaniya, pero bakit hindi ko alam yun? Hindi niyo sinabi sa akin ni Jessica no,” pahayag naman bigla ni Jeremy sa akin. Nang biglang bumukas ang pinto at agad kaming nanahimik lahat dahil alam naming dumating na si Lucas. “Ito na guys ang susi niyo,” masayang pag-kakasabi sa amin ni Lucas habang pinapakita sa amin ang susi. “Okay lang bang tingnan namin?” tanong naman kaagad ni Jessica kay Lucas. “Oo naman! Bakit hindi,” tugon naman niya. At agad na hinila ni Jessica si Lucas kung saan ang room nila, at agad silang nagtungo doon at kami naman ay nakasunod sa kanila. “Ang lapit lang,” saad ko naman sa kanila. “Oo, tinanong ko si ate kung may available na malapit sa room ko at ang swerte niyo kasi may kakaalis lang pala diyan kanina at kakatapos lang linisin,” pahayag naman ni Lucas sa amin. Nang mabuksan na ni Jessica ang kwarto na tutuluyan namin ay agad kaming pumasok at doon ay agad namang tumalon papahinga si Jessica sa isang kama. “Ang ganda dito Lucas, hindi ba mahal ito?” tanong ko naman sa kaniya. “Hindi naman Luna, wag niyo na problemahin yang babayaran, kasi ako na bahala. Mag-enjoy lang kayo dito at sulitin ang mga oras habang hindi pa kayo makakabalik sa atin,” saad naman sa amin ni Lucas. “Sobra na ang ginagawa mo Lucas,” saad ko naman muli sa kaniya. Tumingin siyang muli sa akin at ngumiti, “Wag mo na isipin okay?” Tumango naman ako nang sabihin niya iyon sa akin at wala na ring nagawa sa kaniyang sinabi sa akin. Nag-lakad siya patungo sa kurtina upang buksan iyon at ipinakita kayna Jessica ang view doon. “Dito kayo, makikita niyo ang mga galaan dito,” saad naman niya sa kanila Habang ako naman ay nakatigil sa pintuan habang pinag-mamasdan silang masaya na mag-kakasama. At habang nakatingin sa kanila ay napatingin sa akin muli si Lucas at agad akong pinapunta doon. Doon sa kaniyang pag-aaya sa akin na lumapit doon ay parang bumagal ang aking paligid habang nararamdaman ang saya. Agad naman akong lumapit doon.   Elise’s point of view Habang ako ay nasa kwarto ay naisip kong pumunta sa bahay nina Charles upang tanungin kung nasaan ito. Agad akong lumabas ng bahay at tumakbo patungo doon, at nang pag-katok ko palang at nang buksan ng nanay niya ang pinto ay agad ko itong tinanong. “Ah—tita, si Charles po?” tanong ko sa nanay niya “Naku iha, nasa mga kaibigan daw niya doon muna daw siya kasi may kailangan daw silang tapusin na project. Bakit?” tugon naman niya sa akin. “May itatanong lang po sana kung alam niya kung nasaan si Lucas,” saad ko naman sa kaniyang ina. “Sa pag-kakaalam ko hindi niya rin alam kung nasaan ang kaibigan niyang si Lucas, kaya’t hindi niya muli iyong hinanap nang maintindihan niyang siguro gusto ng space ni Lucas,” pahayag naman sa akin ng kaniyang ina. “Ah—ganon po ba, sige po tita. Thank you po,” pahayag ko naman sa kaniya. At doon ay natapos ang aming usapan at agad narin akong bumalik sa amin. Nang bigla kong makita ang sasakyan ni Jeremy. “Kay Jeremy ito ah? pero bakit naman ito nandito at bakit naman kaya wala ang kay Lucas?” pag-tataka ko habang nag-lalakad pauwi sa amin. Nang makabalik ako sa bahay ay muli ko na namang nakasalubong ang aking ama. “Elise, mag-usap nga tayo,” pahayag ng aking ama sa akin at doon ay bigla akong napatigil sa aking pag-lalakad. Hindi naman ako lumingon sa kaniya ngunit sinagot ko siya, “Ano na naman po ba ang kailangan nating pag-usapan dad? Hindi po ba at tapos na ang kailangan nating pag-usapan?” “Gusto ko lang malaman mo na lahat ng ginagawa naming ito ay para sayo at hindi para sa amin,” pahayag niya at doon ay bigla akong lumingon sa kaniya. “Ang alin dad? Ang pilitin akong gawin ko lahat ang gusto niyo para maging kami sa huli ni Lucas? Para maging mag-katulong kayo ng kataasan? Hindi ba’t parang sarili niyo ang iniisip niyo at hindi para sa akin? Parang kahit mahal ko si Lucas, ay ayaw kong mag-pakasal sa kaniya para makuha niyo ang gusto niyo sa kaharian dad, at ayaw na ayaw ko ng ganon. Na ang gamitin niyo,” pahayag ko naman sa kaniya. Agad siyang lumapit sa akin at bigla niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay para isampal sa akin ngunit napatigil siya nang bigla akong umimik, “Ano dad? Sasampalin niyo ako? Kasi ano? Guilty kayo? Na tama ang sinasabi ko? Sampalin niyo na ako para mas ipamukha niyo sa akin na kailangan niyo lang ako kasi kailangan niyo ang kaharian,” saad ko naman muli sa kaniya. Doon ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay, at ako naman ay tumalikod na sa kaniya at bumalik na sa aking kwarto para makapag-pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD