Chapter 57

1944 Words
Heter’s point of view Hindi na ako nakaimik sa anak kong si Elise nang sabihin niya iyon sa akin nang biglang lumabas naman sa paningin ko ang aking asawa at bigla nalang siyang nag-salita. “Hayaan mo na muna yang anak mo, mukhang kahit anong sabihin sa kaniya hindi parin naman siya makikinig sa atin, depende nalang kung may mangyari ang gusto niya,” saad naman niya sa akin. Nang makaupo ako sa upuan at nang sabihin niya iyon sa akin ay napatingin ako sa kaniya, “Ang alin? Anong gusto niyang mangyari? Ang hayaan siya sa mga kagustuhan niya at hindi sundin ang mga sasabihin natin? Paano naman ang mga pinag-hirapan natin? Hahayaan nalang ba natin iyon?” tanong ko naman sa kaniya. Lumapit sa akin ang aking asawa at muli akong inimikan, “Hindi ko alam, pero kung hindi ba natin siya hahayaan niya sa gusto niya hindi ba parang mas mahirap sa satin dahil hindi na natin magagawa ang gusto natin para sa ating pamilya, at tsaka mas maganda narin muna siguro na kunin na muna muli natin ang kaniyang tiwala at pagbigyan na muna natin siya sa gusto niya,” pahayag naman niya sa akin. Doon sa kaniyang sinabi ay napaisip ako dahil kahit papaano ay may punto din siya upang bumalik ang aming anak sa kaniyang pagiging totoong Elise at kung paano namin siya pinalaki. Lucas’s point of view Masaya kaming nag-uusap-usap nina Charles, Jeremy, Luna at Jessica. Nang biglang naisip kong yayain silang mag-kape sa rooftop kung saan sobrang lakas ng hangin ganoon din ay sobrang lamig. “Guys! Tutal nag-kekwentuhan din naman tayo, what if tara nalang mag-kape tutal malamig at staka doon tayo sa roof top, pwede doon tumambay at safe naman doon dahil may mga guards and staff naman don,” pag-aaya ko kaagad sa kanila. Sa pag-kakasabi kong iyon ay agad naman sumagot si Jeremy, “Go yan Lucas! Maganda yang naisip mo, at tsaka kapeng-kape na din ako, kayo ba guys? Tara na,” pag-aaya din naman niya sa iba. “Para ngang magandang idea yan Lucas, sige ako rin!” tugon naman ni Luna. At agad naman naming napansin si Jessica na hindi sumagot, kaya’t lahat kami ay napatingin sa kaniya. “Oh? Jessica? Haha, wag ka ng matakot. Kami naman bahala sayo at tsaka hindi ka naman namin ihuhulog doon no,” saad naman namin sa kaniya. Napangiti naman si Luna at agad naman niya mahinang siniko si Jessica, “Oo nga sis, kasama mo naman ako kaya kapag kinabahan ka, humawak ka lang sa akin,” saad naman ni Luna. Kahit kitang-kita parin namin sa kaniya ang kaba at takot ay dahan-dahan siyang tumango sa amin. “S-sige sabi niyo eh, kaya ko ito. Tara na!” pahayag niya at agad naman siyang tumayo. Sabay-sabay na kaming tumayo at dinala ang aming mahahalagang gamit, at sabay-sabay narin kaming lumabas at tumungo sa pinakataas ng building kung saan kitang-kita ang ibabang view doon. Lahat kami ay na-eexcite bukod kay Jessica na hindi maiwasang matakot dahil sa posible niyang makita. Sumakay na kami ng elevator at mabilis rin naman kaming nakarating sa taas at papaapak palang kami sa labas ay naramdaman na kaagad namin ang malamig at malakas na hangin. “Woah, ang lamig naman dito Lucas,” saad naman ni Charles. “Oo ng Lucas, buti nalang may suot parin kaming jacket,” pahayag naman ni Luna. At biglang may lumapit sa aming nag-aassist na babae. “Good evening sir, lima lang po sila?” tanong kaagad sa akin ni ate na nag-aassist. “Yes miss,” tugon ko naman sa babae. “This way sir,” pahayag naman sa akin ng babae. At sabay-sabay naming sinundan ang babae kung saan doon may lamesa na pang-limahang tao. At nang makarating kami doon ay naupo na kami, “Ano po ang oorderin nila?” tanong naman niya sa amin nang makaupo kami. “Ah—5 na coffe please, yun lang,” pahayag ko sa kaniya. “Sige po sir, copy po. Serve ko nalang po dito,” saad niyang muli sa akin. “Thank you,” tugon ko naman. At umalis na ang babae nang makita ko si Charles na nakatingin dooon, “Huy Charles! Matutunaw ang babae sayo, grabeng titig yan ah!” pahayag ko naman sa kaniya ng pabiro. Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Huy hindi ah! nagandahan lang ako siguro?” saad naman niya sa akin. At doon ay nag-tawanan kami. “Oo nga pala Lucas, lagi ka bang nandito?” tanong naman bigla sa akin ni Luna. Napatingin naman ako sa kaniya nang bigla niyang itanong sa akin iyon, “Ah—noon oo, noong iniwan ako ni Elise dito rin ako tumigil ng matagal para madaling makalimot at maging malamig ang isip at mabura lahat ng sakit,” tugon ko naman sa kaniya. Lahat sila ay nanahimik nang sagutin ko iyon kay Luna, ngunit nag-salita naman muli ako sa kanila, “Oh? Bakit ang tahimik niyo? Sinagot ko lang naman ang tanong ni Luna, ito namang mga ito. Wala na naman yun, at tapos na ako doon,” saad kong muli sa kanila. “Akala naman namin seryoso ka na ulit dahil si Elise na naman ang ating pag-uusapan,” pahayag naman ni Jeremy sa akin. “Hindi naman, wala narin ang nakaraan sa akin kung si Elise ang pag-uusapan. Ang ayaw ko lang kay Elise ngayon is hindi niya maiwasan na manggulo, puro gulo nalang ang gusto niya alam niyo yun and I’m so tired if it sa tuwing ginagawa niya yun sa kung sino na kayang-kaya niyang maliitin,” pahayag kong muli sa kanila. “Kahit ako din naman, maiinis sa kaniyang ginagawa kahit ex ko pa siya. Siya yung rason kung bakit nawala yung relasyon tapos ang lalabas yung parang kasalanan mo pa di ba?” saad naman bigla ni Jeremy. “Pero hindi ka ba natatakot Lucas? Na ako ang pinapalabas mong girlfriend kahit hindi?” tanong naman muli sa akin ni Luna. “Hindi, at tsaka wala na silang pake kung sinong kilalanin nilang girlfriend ko. Gusto ko talaga maging tahimik ang mundo ko,” tugon ko naman sa kaniya. “Sa totoo lang, hindi naman ganyan dati si Elise eh. Pero patagal ng patagal nag-iiba siya na hindi ko maintindihan, feeling ko parang ginagamit niya lang ako tapos parang pinapakita niya na hindi ako deserving seryosohin,” saad kong muli sa kanila. Lahat sila ay nanahimik nang sabihin ko iyon sa kanila. “Bro deserve mo naman ng taong seryoso, jusko ang daming seryosong babae diyan na hindi ka-level ni Elise,” saad naman bigla ni Charles. Nang biglang sumingit si Jeremy, “Oo nga bro! malay mo si Luna talaga ang para sayo hindi mo lang alam, Hahahaha!” Doon ay mas lalong nanahimik sina Luna nang sabihin iyon ni Jeremy at kahit ako ay hindi nakapag-salita dahil naging awkward na ang aming pag-uusap lalo na at kaharap ko si Luna. Damian’s point of view Wala akong magawa sa loob ng aming palasyo nang maisipan kong tumungo sa kulungan ng mga bampira kung saan may konting distansya sa palasyo para makaiwas sa gulo dahil biglang pumasok sa aking isip ang sinabi sa akin ni Elise at hindi ko iyon matiis. Nang makarating ako doon sa kulungan ay dahan-dahan parin akong nag-lalakad nang makita ko na may nag-babantay pala doon na kasamahn namin sa aming baryo. “Oh? Boss Damian, bakit po kayo nandito? Gabi na po, baka po mapagalitan kayo ng inyong ama,” pahayag sa akin ng nag-babantay sa kulungan. “Hindi hindi, ako bahala sayo. Gusto ko lang tingnan ang mga bampira na nakakulong sa loob, pwede ko bang makita? Ako na muna dito, at doon ka muna sa loob at mag-kape at mag-banyo ka muna alam kong pagod ka na,” saad ko naman sa kaniya. “Hindi na po ser, mamumura po ako ng ama mo,” pahayag niya naman sa akin habang kinakabahan dahil takot ito sa aking ama. “Hindi yan, okay lang. Kapag napagalitan ka, ako ang sasalo sayo,” saad ko naman sa kaniya. Tumungo siya sa akin at bigla siyang nag-pasalamat, “Sige po sir, kapag tapos na po kayo ay sabihan niyo lang po ako. Iinom lang po ako ng tubig,” pahayag naman niya sa akin. Agad narin siyang umalis dala-dala ang kaniyang armas na panggamit para sa mga kalaban. Habang ako naman ay nag-tungo pababa sa loob. At bumalik sa ama ni Charles at nang makita ako ay agad akong sinamaan ng tingin at nag-hahamon. “Oh? Balita ko hinahanap ka na daw sa inyong baryo?” pahayag ko naman sa kaniya. “Alam ko, at kailangan na ako ng anak ko at asawa ko, kaya pakawalan mo ako dito,” tugon naman niya sa akin. “Alangan namang pakawalan kita ng wala akong kapalit man lang ni isa? Sa pag-laya mo pwede kitang bigyan ng pag-kakataon sa isang kondisyon,” saad ko naman sa kaniya. Bigla naman siyang napatayo at ginanahan sa akin sinabi, “Ano yun?!” tanong niya sa akin “Patayin mo si Lucas,” pahayag ko sa kaniya Bigla siyang tumalikod, “Hindi ko magagawa yun, anak siya ng kataasan namin, at baka imbis na gusto kong mabuhay ng matagal ay mamamatay din naman ako doon kung gagawin ko iyong gusto mo,” pahayag naman niya sa akin. “Oh edi sige! Mamili ka, mamatay ka dito ng hindi kasama ang pamilya mo? O ang mamatay ka dito na ikaw lang mag-isa ang kasama mo itong iba mong mga kasamahan? Mamili ka,” saad ko sa kaniya. Doon ay nanahimik siya at nag-isip kung ano ang kaniyang isasagot sa akin, ngunit tinanggihan niya parin ang aking sinabi sa kaniya na posibleng makakatulong sa kaniya. At nang papaalis na ako ay bigla niya akong pinigilan. “Sige! Gagawin ko na ang gusto mo, pakawalan mo lang ako dito,” saad niya bigla sa akin. Lumingon muli ako sa kaniya, “Yan ang gusto ko, madali ka lang pala kausap pinatagal mo pa. Patayin mo si Lucas, at kung hindi mo magagawa iyon ipapahanap kita sa mga lobo dito at ikaw ang ipapapatay ko,” saad ko sa kaniya. Tumango naman siya kaagad sa akin. Habang wala ang nag-babantay doon sa kulungan ay agad kong binuksan ang gate kung saan doon nakakulong ang tatay ni Charles. At nang makawala ang tatay ni Charles ay agad kong kinandado muli ang gate na iyon at lumabas na rin ng kulungan. Bumalik na ako kung saan nandoon ang taga bantay, at pinabalik ko na siya doon upang makabalik na ako sa aking silid. “Okay na kuya, makakabalik ka na doon. Mga tulugan na sila kaya hindi ko na naisipang pumunta sa loob,” saad ko naman sa taga-bantay. “Sige po ser, babalik na po ako doon,” saad naman niya sa akin. Ang hindi niya alam ay pinatakas ko ang isa at naging kampante siya na wala siyang alam na nangyari. Gregory’s point of view Habang ako ay nakaupo sa sala at nag-iisip-isip ng mga plano kaharap ang aking asawa ay biglang may narinig ako na tila parang nag-kakagulo sa labas ng palasyo. Kasabay noon ay biglang may kumatok sa pintuan. Dahil sa gulat ay napatayo naman kaming mag-asawa at agad na binuksan ang pinto, Nagulat kami sa biglang sinabi ng isang kasamahan namin, “Kataasan! Nandyan na po ang tatay ni Charles,” pahayag niya sa amin. Doon ay agad akong napatingin sa aking asawa at agad na napayakap sa kaniya sa saya na nakauwing buhay ang aking kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD