Chapter 58

1960 Words
Gregory’s point of view Nang mayakap ko ang pinakamamahal na asawa sa saya ay agad niya akong hinayaan na puntahan ang aking pinakamamahal na kapatid at agad naman akong tumakbo sa kaniya. Nang makita ko siya at nang makita niya ako na papalapit sa kaniya ay agad ko siyang niyakap. “Buti naman at nakalaya ka,” pabulong ko sa kaniya. Humarap siya bigla sa akin at ngumiti, “Syempre naman po kataasan, kailangan ko talagang makatakas doon kasi sobrang hirap doon,” saad naman niya sa akin. “Mabuti at hindi ka nila sinaktan,” pahayag kong muli sa kaniya. “Kaya nga po, pero matanong ko lang nakita niyo po ba ang mag-ina ko?” tanong naman niya kaagad sa akin. Nginitian ko siya ng malaki ng marinig ko iyon sa kaniya, “Oo naman, puntahan mo na sila sa inyo alam kong magiging masaya siya kapag nakita ka niya,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. At nang ngumiti siya sa aking isinagot sa kaniya ay agad siyang tumungo sa kanila upang puntahan ang kaniyang asawa. Lucas’s point of view Habang nag-uusap-usap kami sa rooftop ay napatingin ako kay Charles at napansin kong mangiyak-ngiyak ito habang ngiting ngiti na nakatingin siya sa kaniyang cellphone. “Ah—Charles okay ka lang ba?” tanong ko naman kaagad sa kaniya. Lahat ng mga kasama ko ay napatingin sa kaniya, ngunit tumingin lamang sa akin si Charles at ngumiti sa akin at tumango. “P-pwede ba tayong mag-usap Lucas?” tanong niya dahan-dahan sa akin, “Oo naman, tara,” tugon ko naman sa kaniya at agad naman din akong tumayo at umalis habang kasunod ko si Charles. At nang kami nalang dalawa sa isang sulok ay agad niya akong niyakap ng mahigpit at doon ay ako ay nagulat. “Oh? Teka lang bro, ano bang nangyari?” tanong ko sa kaniya habang nag-tataka at napapaisip kung ano ang nangyayari. “Bro! si tatay nasa bahay na, nakaalis daw siya doon sa kulungan ng mga lobo!” pahayag naman niya bigla sa akin habang mangiyak-ngiyak sa sobrang saya. At dahil sa kaniyang sinabi ay nagulat ako at agad ko siyang niyakap, “Magandang balita yan bro, hindi ka na magiging malungkot,” pabulong ko naman sa kaniya. “Thank you Lucas!” saad niyang muli sa akin. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam kung gaano ako kasaya para kay Charles dahil bilang matalik na kaibigan niya ay ang makita siyang masaya ang aking isa ring kasiyahan. “Kaya’t dahil diyan! Anong gusto mong kainin?” tanong ko naman kaagad sa kaniya. Nagulat siya sa aking sinabi at ipinakita niya sa akin ang kaniyang tiyan, “Bro, bukas nalang. Full tank na ata ako eh,” pa-cute niyang pag-kakasabi sa akin. “Hahahaha! Sira ulo, oo naman! Tara na, balikan na natin sila, baka mag-taka pa sila kung anong pinag-uusapan natin,” pahayag ko naman sa kaniya. At sabay na kaming bumalik sa lugar kung saan nandoon sina Jeremy, Luna at Jessica. At nang makarating kami doon ay agad ko silang kinausap, “Pasensya na ah? bigla kasing tumawag sa kaniya ang kaniyang mama, eh ako naman chismoso hahaha,” “Okay lang yun ano ba kayo, ahm—pwede bang bumaba na tayo Lucas? Medyo nilalamig na din ako eh,” saad naman sa akin ni Luna. Napatingin ako sa aking orasan at nagulat ako nang malapit na pala mag-alasdose. Napatingin rin ako sa buwan at nang makita ko iyon ay nag-iba ang aking pakiramdam. “Ah—sige sige, tara na. at kailangan niyo narin mag-pahinga, medyo pagod rin ako,” tugon ko naman sa kaniya. Sabay-sabay na silang nag-sitayuan at sabay-sabay na rin kaming bumaba sa aming mga kwarto para makapag-pahinga. Nang makababa na kami at sama-sama kami na nasa hallway, ay nag-paalam na ako sa kanila. “So papaano na ba yan guys, bukas na lang ulit. Mag-pahinga na kayo,” pahayag ko sa kanila. “Kayo din dalawa ni Charles, maraming salamat ah!” tugon naman sa akin ni Luna habang nakangiti siya sa akin. “Sa inyo din,” tugon kong muli. At nauna na silang pumasok ng kwarto, at sumunod naman kami ni Charles. Nang makapasok kami ni Charles ay kinausap ko kaagad siya nang makaupo ako sa aking kama, “Buti nalang napatingin ako sa oras kanina, kung hindi doon pa tayo nag-kalat sa rooftop eh ang daming tao doon,” pahayag ko naman kaagad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at nag-taka kung bakit ko iyon sinabi, “Oh? Anong meron ba sa relo mo?” tanong niya sa akin. Napasama ang tingin ko sa kaniya dahil nagulat ako na wala pala siyang idea, “Sira Charles, mag-aalas dose na ng hating gabi. Kung mag-kakasama parin tayo ngayon, baka doon palang sa elevator habang pababa dito baka naging bampira na tayo,” tugon ko naman sa kaniya. Agad siyang napatingin sa kaniyang orasan nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Oo nga no, kahit kailan ang galing mo talaga Lucas,” tugon naman niya. At bigla kaming nanahimik ng saglit nang mapansin ko siyang nakating sa labas ng bintana, “Oh? Ano namang sinesenti-senti mo diyan bro?” tanong ko sa kaniya. “Wala Lucas, masaya lang ako na bumalik na si tatay sa amin. Kapag nakikita ko kasi si nanay na mag-isa na tila nagiging tulala dahil wala si tatay, nasasaktan ako. Pero ngayon na alam ko na na nandoon si tatay, magiging okay na ulit ang inay,” tugon naman niya sa akin. Napahinga naman ako ng malalim sa kaniyang sinabi, “Buti pa kayo no? ang saya-saya niyo,” saad ko naman sa kaniya. Napatingin siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Bakit bro? hindi ba masaya ang pamilya niyo?” tanong naman niya sa akin. “Siguro sila, pero kapag involve na ako, parang hindi,” tugon ko naman sa kaniya. “Baka hindi naman siguro bro, tingnan mo ngayon nag-aalala sayo mga magulang mo,” saad naman niya sa akin. Napatingin naman akong muli sa kaniya, “Nag-aalala kasi doon lang nila na-realize na mahalaga ako sa kanila. Kapag wala na ang anak nila, doon sila nag-aalala. Kapag nasa bahay at alam nilang may problema, wala silang pake kung hindi sarili lang ang iniisip nila,” pahayag ko naman sa kaniya. “Paano kung ganoon na talaga sila bro at wala ka ng magagawa sa kung ano sila?” tanong naman niya sa akin. “E di mas mabuti na lang na wala ako doon kaysa nandun ako,” tugon ko naman sa kaniya. Doon ay hindi na muling nakaimik sa akin si Charles dahil alam niya ang aking pinag-dadaanan kaya’t naiintindihan din naman niya ako. Luna’s point of view Habang ako ay nag-aayos ng aking higaan para mahiga at mag-pahinga ay bigla akong kinausap ni Luna tungkol kay Lucas. “Luna, may tanong ako pero wag kang ma-iilang ha?” tanong niya sa akin Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Sige, ano ba iyon?” tanong ko naman sa kaniya. “Ah—mukha kasing may spark kayo ni Lucas, at tsaka may chance. Hindi ka parin ba nag-kaka-feelings sa kaniya? Kahit kaunti lang Luna,” tanong niya sa akin. At doon ay nagulat ako sa kaniyang itinanong sa akin, nang tumingin ako muli sa kaniya ay napansin kong nakatingin na din sa akin si Jeremy habang ngiting-ngiti sa akin. Napaupo naman ako at tumingin ng maayos sa kanila. “Sa totoo lang kung mag-kameron man, sasabihin ko naman sa inyong dalawa eh, pero sa ngayon wala parin talaga akong maramdaman,” tugon ko na maayos sa kanila. Nang masagot ko ang tanong ni Jessica ay bigla itong napahinga ng malalim ganoon din si Jeremy. “Ano ba yan Luna, akala ko meron na,” saad naman sa akin ni Jeremy. “Eh—bakit ba atat na atat kayo na mag-kagusto ako sa kaniya ha?” tanong ko naman sa kanila. “Ah—wala lang, napansin kasi namin na ang close niyo tapos hindi na kayo nag-aaway unlike before, hindi mo ba napapansin yung improvement ng friendship niyo siz?” tugon naman sa akin ni Jessica. Pati ako ay napaisip din sa kaniyang sinabi, at napansin ko din na hindi narin nga kami nag-aaway ni Lucas ngunit hindi ko parin iyon pinag-isipan ng kakaiba. “Siguro nag-bago lang talaga si Lucas, dahil maganda rin naman ang pakikitungo ko sa kaniya at maganda din ang pakikitungo niyo sa kaniya kaya naging maganda rin ang pakikitungo niya sa atin,” tugon ko naman kaagad kay Jessica. “Hayyy Luna, ang lala mo talaga mag-isip ng sagot sa akin kapag ganyan ang mga tanungan. Kulang ka nanga siguro sa tulog, mag-pahinga na tayo,” pahayag naman niya muli sa akin. “Goodnight guys!” pahayag sa amin ni Jeremy. “Goodnight!” tugon naman namin ni Jessica. At doon ay nag-simula ng manahimik ang lahat at mabilis rin namang nakatulog ang dalawa ni Jessica at Jeremy. Habang ako naman ay nakatingin pa sa bintana at pinag-mamasdan ang malaking buwan na nakatapat sa akin. “Bakit ba nila tinatanong sa akin ang mga katanungang ganoon, at kung posible mang mangyari yun bakit kahit kaunti wala naman akong nararamdaman? O sadyang manhid lang ako?” tanong ko ng tahimik sa buwan. Napapikit ako nang matapos ko iyong gawin at hindi ko napansin na nakatulog na ako ng mga oras na iyon dahil sa pagod. Nagising nalang ako nang bigla akong may narinig na door bell sa pintuan, at pag-mulat ko ng aking mata ay maliwanag na. Napansin kong tulog pa ang dalawa ni Jeremy at Jessica kaya’t ako na lang ang tumayo at tingnan kung anong meron sa pinto. “Good morning, ano po iyon?” tanong ko sa babae na nasa pintuan. Nang bigla siyang may iniabot sa akin na dalawang balot. “Ito po maam, food delivery po galing sa baba ng hotel, sige po mauna na po ako,” pahayag niya sa akin. At nang mahawakan ko ang dalawang balot ng pag-kain ay nag-taka ako lalo nan ang umalis kaagad ang babae na nag-dala ng dalawang balot at agad naman akong pumasok. Nang bigla akong napansin ni Jessica, “Ano yang dala-dala mo?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya, “Ah—eto, hindi ko nga alam eh. Sabi ni ate na nag-dala nito galing daw ito sa baba,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. “Eh—sino naman daw nag-padala niyan?” tanong niyang muli sa akin. Napataas balikat nalang ako, at dahil gusto kong malaman kung sino ang nag-padala ay agad ko naman binuksan ang mga nasa balot at nang makita ko ang mga pag-kain ay hindi ko inaasahan na masasarap tingnan ang mga ito. “Feeling ko sina Lucas, sino pa bang mag-dadala nito sa atin e tayo lang naman mag-kakakilala na nandito,” pahayag kong muli kay Jessica. Nang bumangon siya ay agad niyang tiningnan ang mga pag-kain, “Wow, sosyal ng pag-kain may pa-gulay pa sila oh,” pahayag naman din ni Jessica nang makita ang pag-kain. “Saglit gigisingin ko lang si Je—” naputol ang kaniyang pag-kakasabi nang makita niyang masarap ang tulog ni Jeremy. “Wag nalang pala muna natin gising at nasa mahabang pag-lalakbay pa ata, tulo na laway eh, hahaha” saad muli ni Jessica sa akin. Doon sa kaniyang sinabi ay agad naman akong natawa, “Sira ka, oh! Kumain ka na,” pahayag ko sa kaniya at agad naman niyang kinuha ang pag-kain. Nauna na kaming kumain ni Jessica at hinayaan na muna naming matulog pa si Jeremy dahil sa mahimbing niyang pag-tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD