Chapter 59

1977 Words
Nakain na kami ni Jessica nang biglang umimik si Jeremy, nagulat kami nang umimik siya at nagising siya dahil sa kaingayan naming dalawa. “Ang daya niyo namang dalawa, hindi niyo man lang ako ginising. Ayaw niyo baa ko kasabay kumain?” tanong niya kaagad sa amin habang napikit-pikit pa. Lumingon naman kami kaagad ni Jessica nang sabihin iyon sa amin ni Jeremy, “Baliw, ang dami mong alam. Paano ka naman namin gigisingin, eh parang nahihiya nga kaming gisingin ka dahil sa sobrang sarap ng tulog mo,” tugon ko naman sa kaniya. At bigla namang sumagot din sa kaniya si Jessica, “Oo nga Jeremy, pag-tingin ko sayo kanina halos natulo na laway mo, kaya nahiya na ako na gisingin ka. Sabi ko kay Luna, mauna na kami kumain para hindi ka naman namin maistorbo,” “Oo na,” tugon naman niya na tila parang nag-susungit sa amin at tumayo naman siya kaagad at tumungo sa banyo. “Sige na, wag ka ng mag-emote diyan, pag-katapos mo diyan pumunta ka na dito! Hindi pa naman kami tapos ni Luna,” pahayag muli ni Jessica kay Jeremy habang siya ay patungo sa banyo. Nang makapasok siya sa banyo ay nag-katinginan kami ni Jessica at nag-tawanan. “Bakit nga naman kasi hindi mo ginising, hahaha” pahayag ko naman sa kaniya. “Eh syempre,” saad naman sa akin ni Jessica. Nang lumabas na si Jeremy ng banyo ay nakisama na siya sa amin na kumain, at dahil isip na isip kami kung sino ang nag-padala ng pag-kain ay naisipan ko nang tawagan sina Lucas sa kanilang kwarto. Lumabas ako sa kwarto namin at nag-tungo sa kanila at agad naman akong kumatok. Binuksan rin naman kaagad ni Charles ang kanilang pintuan at tinawag na niya si Lucas. “Bro! si Luna,” pahayag ni Charles sa kaniya. Agad naman siyang lumingon at nag-tungo sa pintuan upang puntahan ako, at nang kaharap ko na siya ay agad ko na siyang tinanong. “Sayo ba galing ang pag-kain na galing sa baba?” tanong ko kaagad sa kaniya. Kumunot ang kaniyang kilay nang itanong ko iyon sa kaniya, “Ha? Eh kagigising lang namin ni Charles eh, kumain na kayo? Oorder palang kami ngayon eh,” tugon naman niya kaagad sa akin. “Eh—kanino galing ang pag-kain kung hindi galing sa inyo?” pag-tataka ko naman nang malaman ko na hindi sina Lucas ang nag-padala niyon. “Alam ko na! hindi kaya may nakakakilala sa iyo dito or may nag-bigay ng information about sayo? Tapos hindi mo alam na nagugustuhan ka niya bigla ng isang iglap nang makita ka? Hahahaha,” pabiro naman sa akin ni Lucas Sumama naman ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Luh! Tumigil ka nga diyan, wala nga akong nagugustuhan eh,” tugon ko sa kaniya. “Kakain pa ba kayo?” tanong niya muli sa akin. “H-hindi na, nakakain na kami eh. Akala namin sa inyo galing kaya’t naisipan na naming kainin nina Jessica at Jeremy, pero thank you parin,” tugon ko naman sa kaniya. “O siya sige na, at ako ay maliligo muna hahaha. I’ll call you nalang later kapag g na tayo sa next stop natin, haha” pahayag sa akin bigla ni Lucas. Nang matapos ang aming usapan ay agad na akong bumalik sa aming kwarto upang sabihin ang nalaman kay Lucas. At nang pumasok ako sa pintuan ay agad naman akong tinanong ng aking kaibigan na si Jessica. “Oh? Nakausap mo ba si Lucas? Nag-pasalamat ka ba?” tanong niya kaagad sa akin. Tumango naman ako kaagad sa kaniya, “Oo, kaso hindi naman daw sa kaniya galing ang pag-kain eh,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. Nagulat naman ang dalawa ni Jeremy at Jessica nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Eh—kanino galing ang mga pag-kaing ito? Wala ka bang nakikilala na taga dito?” pag-tataka naman ni Jeremy nang sabihin ko iyon sa kanila. “Hmm—pero imposible kasi unang beses lang namin pumunta dito ni Luna, kaya’t imposible na may makakilala kaagad sa kaniya no,” saad naman ni Jessica. “Shhh!! Hayaan niyo ng dalawa, wala naman na tayong magagawa kung nakain na natin ang mga pag-kain at malaman na hindi pala kay Lucas nanggaling yan,” pahayag ko naman sa kanila para tumigil na din sila kakaisip kung saan nanggaling ang pag-kain. Lucas’s point of view Habang nag-aayos ako ng aking damit na susuutin ay bigla akong tinanong ni Charles, “Ah—anong tinanong sayo ni Luna? Parang nagulat ka ah,” Napatingin naman ako sa kaniya nang itanong niya iyon sa akin at napatigil sa aking ginagawa, “Ah, may nag-padala daw sa kanila ng pag-kain na akala nila sa akin galing. Hindi ko alam na kung saan din naman galing ang pag-kain kaya wala din akong idea,” tugon ko naman agad sa kaniya. Napabangon naman si Charles nang isagot ko sa kaniya iyon, “Naku ka Lucas, mukhang mauunahan ka na kay Luna ah? galaw-galaw din pag may time,” saad naman sa akin ni Charles. “Sira, kaibigan ko lang si Luna no. At wala naman din akong pakielam kung may nag-kakagusto sa kaniya kasi kaibigan lang din naman ako at sa kung saan naman siya sasaya ay susuportahan naman namin siya,” tugon ko naman kaagad kay Charles. Napahiga naman din agad siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Ikaw bahala bro, sabi mo eh. Pero wag kang mag-sisisi kung mapupunta siya sa iba ah? sinabihan na kita ngayon,” saad muli sa akin ni Charles. Para tumigil na kakaimik si Charles ay naisipan kong pumasok na lang ng banyo at mag-simula ng maligo. Habang nag-babasa na ako ng aking katawan ay bigla ko namang naisip ang sinabi ni Charles sa akin. At nang matapos ako at matapos ring makapag-ayos ay agad akong lumabas ng kwarto. Ngunit nang papalabas ako ay bigla akong tinanong ni Charles. “Oh? Lucas? Pasaan ka naman?” tanong niya sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya, “Bibili ng pag-kain natin alangan,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. At agad na akong lumabas. Nang pababa ako ay hindi ko maiwasang isipin kung sino ang nag-padala ng pag-kain kaya’t tumungo ako sa information. “Good morning miss, may itatanong lang sana ako,” pahayag ko sa babae. “Good morning sir Lucas, ano po iyon?” tanong din naman niya sa akin. “Gusto ko lang malaman kung sino yung tao na nag-padala ng pag-kain sa room 54? Need ko lang malaman,” tanong ko kaagad sa kaniya. At doon ay tiningnan niya kaagad sa computer ang recent na nag-padala kayna Luna. At doon ay nakita niya ang pangalan kung sino pati room ng tinitigilan ng tao na iyon. “Ah sir, nakita ko na po. Si Mr. Evan po na nasa room 56,” tugon naman niya sa akin. “May I know also if dito siya nagwowork or may related ba siya dito sa hotel natin?” muli kong pag-tatanong sa kaniya. “Sige po sir, saglit lang po ulit,” tugon niya sa akin. At ilang minuto ay nag-hintay akong muli, at bigla narin siyang nag-salita. “Sir, sa nakikita ko po dito ay isa lang po siyang naka-checked in dito sa hotel natin,” tugon naman niya kaagad. “Sige thank you, and anyways. Pwede bang mag-padala sa room ko, for two. Thank you ulit,” pahayag ko naman sa kaniya. “Sige po sir, itatawag ko po kaagad yang order niyo,” tugon niya sa akin. Umalis na ako sa information at tumaas na muli sa kwarto ko. Nang makarating ako sa floor at pag-bukas ng elevator ay napansin ko ang isang lalaki na nakasuot ng magarang damit, at tiningnan niya rin ako ulo hanggang paa. At nang lumabas ako, ay tila nginitian niya ako. “Sino yun? Hindi ko naman siya kilala pero bakit siya ngumiti sa akin?” pag-tataka ko sa aking sariili. At nang mag-sara na ang elevator ay agad na akong nag-lakad patungo sa kwarto ko. Agad kong kinausap si Charles tungkol sa mga nalaman ko, “Confirmed,” pahayag ko sa kaniya “Ang ano? Ang alin na naman ang nalaman mo ah?” tanong naman niya kaagad sa akin. “Ang tungkol sa nag-padala kayna Luna kanina, at nakatigil daw yung taong yun sa room 56,” tugon ko naman sa kaniya. Nagulat naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Oh? Bakit mo naman inalam? Eh akala ko ba wala kang pakielam kung sino ang nag-kakagusto kay Luna?” pahayag niya sa akin. “Huh? Wala naman talaga—” saad ko naman sa kaniya. Bigla siyang tumayo at nanggigil sa akin, “Wag nga ako Lucas, ako pa niloko mo. Kakasabi ko lang talaga kanina, tapos ngayon itatanggi mo ang mga sinagot mo sa akin?” pahayag naman niya sa akin. At bigla ko namang pinaltan ang usapan namin kanina, “Oo ng apala, kanina may napansin ako kaninang lalaki na hindi pamilyar sa mata ko pero hindi ko alam bakit niya ako nginitian. Sobrang creepy niya,” pahayag ko sa kaniya. Bigla naman niya akong tinabihan, “Hindi kaya bro may nakasunod sayo dito na hindi moa lam? Kasi imposible naman na wala, lalo na ikaw na ang may sabi na nginitian ka,” saad naman niya sa akin. “Hindi ko siya naamoy na katulad natin siya,” pahayag ko naman sa kaniya. “Pero paano kung hindi mo nga naamoy na katulad natin siya tapos lobo pala siya, hindi kaya target ka nila ngayon?” tanong naman sa akin ni Charles nang sabihin ko iyon sa kaniya. Tumingin naman ako sa kaniya, “Hayaan mo na lang. Kahit naman sundan niya ako, wala naman akong pakielam sa kaniya at tsaka mas ayos nay un na pwede kong ipag-laban ang sarili ko, nang makita naman ng mga magulang ko yung kakayanan ko at hindi na ako bata,” saad ko naman sa kanila. “Wag ka ngang mag-salita ng ganyan, magulang mo padin sila no,” saad naman niya sa akin. Jessica’s point of view Habang nag-liligpit na kami nina Luna ay bigla ko siyang tinanong tungkol sa nalaman niya kay Lucas. “Taray mo naman Luna, ang haba ng hair mo. May nag-padala pa talaga sayo ng breakfast, sino kaya yun no?” “Hindi ko alam, ang akala ko lang talaga si Lucas ang nag-padala kasi siya lang naman lagi ang ganyan sa atin hindi ba?” tugon naman niya sa kain. “Kaya nga eh, nakakapag-taka nga,” pahayag naman ni Jeremy nang marinig ang aming pinag-uusapang dalawa ni Luna. Nang biglang may kumatok sa pintuan namin, at agad naman akong tumayo upang pumunta sa pinto at pag-buksan kung sino man ang nandoon. At nang buksan ko ay nagulat ako na nasa pinto sina Lucas, “Pwede pong pumasok?” tanong naman kaagad sa akin ni Charles. “Sira ulo, syempre naman bakit hindi! Hahaha,” tugon ko naman sa kanila. At pinapasok ko na sina Lucas at Charles habang dala-dala nila ang kanilang pag-kain. “Dumayo lang talaga kami dito ng kain para may makausap kami,” pahayag naman ni Lucas sa amin. “Sige kumain lang kayo diyan, kakatapos lang namin. Pero Lucas? Alam mo ba kung sino ang nag-padala diyan kay Luna ng pag-kain?” tanong naman kaagad ni Jeremy kay Lucas. Napatingin naman siya sa amin, “H-hindi ko alam, pero aalamin ko pa,” tugon naman ni Lucas. Doon ay napansin ko na tila parang may tinatago si Lucas na hindi niya masabi sa amin, ngunit sa mga oras naming iyon ay hindi ko muna iyon itinanong kay Lucas dahil alam kong hindi niya sasagutin ang mga itatanong ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD