Charles’s point of view Nang sagutin ni Lucas ang tanong nina Luna sa kaniya ay nagulat ako nang hindi niya sabihin ang totoo doon kaya’t siniko ko siya agad ngunit sinamaan niya ako ng tingin kaya’t wala akong nagawa sa kaniyang sinabi sa kanila. Nang matapos na kaming kumain ni Lucas at tumungo kami sa kusina ay bigla ko siyang kinausap. “Oh? Lucas, ano yung kanina? Bakit hindi mo sinagot kayna Luna yung totoo about doon sa nag-padala ng pag-kain sa kanila. Akala ko ba wala kang pake sa kaniya o sa nag-kakagusto sa kaniya?” tanong ko kaagad sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin, “Wag nga dito Charles, baka marinig ka nina Jessica at Luna kahit si Jeremy, baka kung ano pang isipin sa akin,” tugon naman niya sa akin. “Ang hirap sayo eh, salita ka ng salit

