Lucas’s point of view Natapos na lahat ng Gawain sa kwarto nina Luna, at nag-yaya na ako sa kanila na lumabas muli bago sila umuwi pabalik sa lugar namin. Habang nag-lalakad kami pababa ng basement para tumungo sa sasakyan, ay kinakausap ko sa Charles ng mahina lang. “Hindi ko akalain na gagawin mo yun sa akin,” pahayag ko sa kaniya Tumingin naman siya sa akin at ngumisi, “Alin? Sa pag-kakaalala ko wala naman akong ginagawa sayo kanina?” saad niya sa akin. At doon ay tumingin naman ako sa kaniya at siya naman ang aking sinamaan ng tingin. At napatingin siyang muli sa akin. “Oh? May nagawa ba ako sayo? Wala naman ah?” pahayag niyang muli sa akin. Nang makauna-una sina Luna, ay hinarap ko si Charles. “Oo na, nagugustuhan ko na si Luna, pero please lang manahimik ka na,” saad ko naman sa

