Luna’s point of view Habang nauuna kami nina Jessica at Jeremy ay bigla akong kinausap ng dalawa habang sina Lucas naman at Charles ay nasa sa likuran namin. “Luna, parang nakakapansin ako ah—” pag-kakasabi sa akin ni Jeremy Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Huh? Anong sinasabi mo diyan? Alin ang napapansin mo?” pag-tatanong ko sa kaniya habang ako ay nag-tataka. “Sus! Luna, wag nga kami. Galawa ni Lucas sayo parang kakaiba na. Hmm—kahit ikaw actually,” saad din naman ni Jessica sa akin. Bigla ko siyang kinurot sa kaniyang braso, “Anong sinasabi mo diyan Jessica? Manahimik ka nga diyan, wala akong ginagawang masama sa tao ah—” pabulong kong pag-kakasabi sa kaniya. “Eh—bakit ganyan ka kumilos kung wala Luna?” biglang pag-kakasabi muli ni Jeremy sa akin.

