Elise’s point of view Kinahapunan ay agad akong pinauwi ng aking magulang para sa pag-titipon sa aming baryo at utos iyon ng kataasan na ama ni Lucas. Hindi sinabi sa akin ng aking ng aking magulang kung anong dahilan, ngunit pinag-mamadali nila akong umuwi dahil sa kaganapang iyon. Nang makarating ako sa aming lugar at nag-lalakad papalapit ay napansin ko ang dami ng tao na nakaabang sa labas ng palasyo. At nang makita ko ang aking magulang na nakalabas ng bahay ay agad nila akong nilapitan at hinila patungo sa palasyo. “Mom? Dad? Ano bang meron?” tanong ko sa kanila. “Wag ka nalang matanong Elise, sumama ka nalang sa amin,” tugon naman ng aking ama sa akin. Nang makarating kami doon ay akala ko ay doon lamang kami sa harapan ng kataasan pepwesto, ngunit at sa hindi ko inaasahan ay

