Lucas’s point of view Hindi sinabi nina Jeremy at Jessica kung anong nangyari sa kanila, kaya’t naisip ko na ako na lang ang mag-tanong sa kanila, “Ano nga ang nangyari? Tell me, hindi naman kami matatakot eh. Mas nagiging concern pa ako sa inyo,” pahayag ko sa kanila. Nag-katinginan ang dalawa ni Jeremy at Jessica at napatingin din naman agad sa akin si Jessica. At dahil hindi pa sila nakakaimik ay naisipan kong pasayakin na sila sa sasakyan, “Oh, ngayon nasa loob na tayo ng sasakyan at wala ng mang-gagambala sa atin, anong nangyari sa inyo kanina?” tanong kong muli sa kanila, “HInabol kami ng isang lobo, hanggang sa nakatago kami sa ilalim ng bleachers kasi hindi naman siya doon kasya, hanggang sa sumuko na siya at umalis na rin. Nakakapag-taka nga kasi sobrang bilis ng pangyayari,

