Lucas’s point of view Nang makita ko ang litrato na pinasa sa akin ni Luna ay laking gulat ko nang makita iyon, dahil pamilyar rin siya sa aking mata, agad akong nag-reply kay Luna, “Mag-usap tayo bukas,” pahayag ko sa kaniya. Doon ay hindi na siya muli nag-paramdam. Kinabukasan ng maaga, ay agad akong pumasok sa paaralan. Nang makarating ako doon ay nakaabang na kaagad sa hallway sina Luna ganoon din sina Jessica at Jeremy. “Good morning Lucas,” pag-bati nila sa akin nang makita na nila akong papalapit sa kanila, “Good morning guys,” tugon ko naman sa kanila, “Tara na, ilang minutes na lang oh, for sure nandoon na maya-maya si Sir,” pag-aaya naman agad ni Jessica patungo sa silid kung saan doon kami nag-kaklase. Habang nag-lalakad kami patungo doon, ay agad akong tinanong ni Luna

