Gregory’s point of view Sa sinabi nina Heter sa aking anak na si Lucas ay mas napag-tanto ko na hindi karapat-dapat si Elise para sa aking anak at mas nagiging pabor ako sa desisyon ni Lucas na tamang hindi sila mag-pakasal lalong-lalo na ay hindi naman nito mahal si Elise. “Lumabas na kayo ng aking silid,” pahayag ko sa kanilang mag-asawa ni Heter, Napatayo si Heter nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Bakit mo kami paaalisin?! Eh anak namin ang nasa problemang ito,” saad naman niya sa akin, Tumayo din naman ako nang sabihin niya iyon, “Sa tingin mo may mangyayari ba kung sinisisi mo ang aking anak sa nangyari sa anak mo?! At bago ka manisi, isipin mo muna kung meron nga ba ang dalawang relasyon bago ka manisi ng ibang tao. Kung ayaw mong umalis, ikaw ang gumawa ng paraan para hanapin a

