Chapter 53

1943 Words
Elise’s point of view Nang makarating ako sa amin at nang makapasok sa aming bahay ay nadatnan ako ng aking ina na nakaupo sa upuan, “Oh? Elise? Anong oras na? saan ka na naman galing? At bakit ganyan ang itsura mo? Para kang hinabol ng kung sino,” pahayag niya kaagad sa akin. “W-wala ma, I’m going to my room na I just need rest,” tugon ko naman sa kaniya. “Kumain ka muna Elise!” sigaw muli sa akin ng aking ina nang ako ay tumungo na sa aking kwarto upang mag-pahinga dahil laking takot ko nang mangyari ang hindi ko inaasahan sa akin. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay agad akong nahiga sa aking kama. Hindi ko na muling pinansin ang sigaw ng aking ina habang kinakatok ang aking pinto at nanatili nalang na nakahiga. Wala akong maisip na gawin, gusto ko sanang sabihin iyon sa nakakataas na nakita ang mga kasamahan namin sa lugar ng mga lobo ngunit malalaman iyon ng aking magulang at kapag nalaman nila iyon ay paniguradong malaking sermon ang abot sa akin. Nang makapikit ako ay hindi ko na napansin na umaga na, nakakarinig ako ng mga sigawan sa labas ng aming bahay na tila ba nag-kakagulo. Nang sumilip ako sa aming bintana ay napansin kong nag-uusap-usap ang mga matatanda sa baba. At nagulat ako nang biglang tumingin sa akin ang aking ama at tila seryoso ang tingin nito sa akin kaya’t agad naman akong napaisip, “Hindi kaya nalaman niya na nandoon ako sa lugar ng mga lobo?” Nang biglang kumatok sa akin ang aking ina, “Elise!? Elise, lumabas ka diyan ngayon din sa kwarto mo at may kailangan tayong pag-usapan,” saad ng aking ina sa akin. Doon ay kinutuban na ako na baka may alam na ang aking mga magulang sa nangyari kagabi. At nang buksan ko ang aking pintuan ay agad akong hinila ng aking ina sa aking braso pababa sa sala at agad na pinaupo sa sofa. “Ano yung mga sinasabi ng kasamahan natin dito sa baryo na nanggaling ka daw kagabi doon sal ugar ng mga lobo?! Hindi ba’t sinabi ko sayo na wag na wag kang pupunta doon?!” pahayag sa akin ng akin ina. “Sinubukan ko lang naman pong sumilip sa kanilang lugar at tingnan kung saan nila kinukulong ang mga hinuli nilang kasamahan natin dito, anong masama doon ma?” tugon ko naman sa kaniya. Agad akong nilapitan ng aking ina, “Hindi masama ang sumilip ka! Pero ang isa ko pang pinupunto dito! Inatake na ang mga kasamahan natin ngunit hindi mo sinabi na may nangyayari na doon! Hinayaan mo lang Elise! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Eh di sana may tumulong sa kanila!” pahayag muli sa akin ng aking ina. Agad naman akong napatungo at nakonsensya sa nangyari, dahil hindi ko naisip ang kaniyang mga sinabi sa akin. “I’m sorry mom, natakot lang—” naputol kong pag-kakasabi. “Paano ka magiging isang ganap na bampira kung pinapangunahan ka lagi ng takot mo Elise ha?! At yang sinabi mo, wag mong sasabihin yan sa akin, sabihin mo yan sa tatay mo dahil malaki ang galit niya sayo ngayon!” saad naman niyang muli sa akin. Umalis sa aking harapan ang aking ina nang biglang pumasok naman sa pintuan ang akin ama, “Elise, bakit hindi mo man lang sinabi sa kahit isa na nandito na inatake na sila doon? Kitang-kita ng mata mo ang nangyayari hindi ka man lang nag-sabi?! Para kang hindi isang bampira, sarili mo lang ang iniisip mo na parang wala kang pakielam na mamatay ang nandoon habang ikaw nakahinga at nakatulog ng maayos kagabi!” sigaw sa akin ng aking ama. “I’m sorry dad, hindi ko naman po sinasadya eh dahil natakot lang po ako dahil may humabol na po sa akin kagabi,” saad ko naman sa kaniya “May magagawa pa ba yang sorry mo sa mga kasamahan nating mga namatay kagabi dahil pinag-kaguluhan sila ng mga grupong lobo na halos wala silang kalaban-laban? Sabihin mo nga sa akin Elise!? Kahit kailan talaga, wala kang kwenta! Kahit sa mga taong nasa paligid mow ala kang pakielam!” pahayag niyang muli sa akin. Doon sa sinabi niya ay nag-simula nang masaktan ang aking nararamdaman, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil puno na ng sakit, konsensya at awa. Nang dahil sa akin madaming nawala ang buhay. Nang umalis na sa harapan ang aking mga magulang ay nag-tungo na akong muli sa aking kwarto upang kausapin si Damian. Nang makapasok ako doon ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone at hinanap ang kaniyang numero. Ngunit nang sinimulan ko ng tawagan ay hindi siya nasagot, kaya’t hindi ko nalang pinilit ang aking sarili na kausapin siya. Nahiga nalang akong muli para mawala ang aking sakit na nararamdaman sa kanilang mga sinabi sa akin.   Lucas’s point of view Nang ako ay magising at lumingon sa aking likod ay napansin kong may kakatapos lang kausapin si Charles kaya’t agad ko siyang tinanong, “Ang agad mo ata? Sinong kausap mo kanina?” Napatingin naman sa kaniya, “Ah—si mama, kinausap lang ako dahil may nangyari daw kagabi at ngayon ay isa ring sinisisi si Elise dahil nanggaling daw pala siya sa lugar ng mga lobo at ang makauwi siya ay hindi man lang niya ibinalita sa lugar natin na kailangan ng tulong ang mga nandoon dahil inaatake na sila ng mga lobo. Ayun, madami daw namatay,” kwento naman kaagad sa akin ni Charles. Napabangon naman ako at nadismaya sa ginawa ni Elise, “Kahit kailan talaga si Elise oh, hindi man lang inisip ang ibang tao at palagi nalang sarili niya ang kailangan ligtas. Kailan kaya mag-kakapuso yun ng tunay no?” saad ko naman sa aking kaibigan. “Hindi ko rin alam bro, kailan pa ba naging matino yan? Eh simula pag-kabata ata ganyan na yan eh,” pahayag naman muli sa akin ni Charles. Inayos ko na kaagad ang aking higaan, “Oh? Hayaan na natin muna sya. Saan tayo kakain? Nakakabili ba ng pag-kain dito sa hotel na ito?” tanong naman kaagad ni Charles sa akin. “Oo pwede sa baba, ako nalang ang tatawag mamaya, baka man-chix ka pa sa telepono. Hahaha, CR lang ako, I’ll be right back,” saad ko naman sa kaniya. Natawa at tumango naman siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya at habang ako ay nasa Cr at nag-hihilamos ng aking mukha ay napaisip din naman ako sa ginawa ni Elise na kahit ako ay ikakadismaya ko. Nang matapos na ako sa banyo ay agad na akong lumabas at kinausap si Charles tungkol ulit sa aming lugar, “May iba ka pa bang nabalitaan sa iyong ina?” tanong ko muli sa kaniya. Napatingin naman siya kaagad sa akin, “Ah—wala na eh, yun lang. Yung yung pinaka-mainit na balita ngayon doon sa atin, pero yun nga wala ng magagawa si Elise. Namatay na ang ibang tao na kaniyang nakaharap noon gabing iyon kaso wala naman siyang ginawa kundi ang iligtas lang ang kaniyang sarili,” saad naman muli sa akin ni Charles.   Damian’s point of view Habang ako ay nag-lalakad sa hallway at patungo sa aking mga kaibigan ay nagulat ako nang bigla akong hinarangan ni Elise. “Damian, kausapin mo naman ako oh,” pahayag niya sa akin, ngunit dere-deretso ang aking lakad na tila hindi ko siya nakikita. Ngunit patuloy parin ang kaniyang pag-sunod sa akin nang bigla niya akong hawakan sa aking braso, kaya’t doon ay bigla naman akong napatigil. “Elise, ano bang problema mo na naman? Hindi ba at napag-usapan na natin ito? At tsaka tingnan mo ang ginawa mo kagabi sa mga kasama mo, hinayaan mong mamatay? Ni wala man lang sumunod na kasamahan, hindi mo sinabi sa inyo no? ano pa nga ba hindi ba? Sarili mo lang naman palagi ang iniisip mo,” saad ko naman sa kaniya. “Ano ba Damian! Wag mong sabihin na nandoon ka?!” sigaw niya sa akin. At dahil sa ginawa niyang pag-sigaw ay doon ay nayabangan ako sa kaniya, “At ikaw pa ang may ganang sumigaw? Baka hindi mo po alam no, ako ang sumubok na iligtas at ilayo ang ilang kasamahan mo sa inyo kahit pa takot ako dahil posible na may makakita sa akin, kaya’t bago ka manigaw diyan alamin mo muna ang nangyari. Hindi yung sarili mo lang lagi ang inililigtas mo sa kapahamakan,” saad ko naman sa kaniya. At nang matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay agad na akong umalis sa kanyang harapan at siya ay iniwan ko na sa hallway kung saan doon kami napatigil. Hindi ko na naramdaman ang pag-aalala sa kaniya ng oras na iyon, dahil kahit mga mata ko ay nag-iiba na ng paningin sa kaniya. Nang biglang dumating sa aking harapan sina Raver at Leo, “Oh bro? pasaan ka? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong naman kaagad sa akin ni Leo. “Papunta na sana sa room kaso bigla kayong humarang sa harapan ko,” tugon ko naman kaagad sa kanila. “Kaso ang tanong nga, bakit ganyan ang mukha mo? Agang-aga ganyan ang itsura mo? Sayang ang pogi points bro,” saad naman sa akin ni Raver. Doon sa kaniyang sinabi ay natawa ako kaya’t agad naman akong tumugon, “Siraulo kayong dalawa, pag-umpugin ko kayo eh, ang dami niyong alam,”   Gregory’s point of view. Ako ay nasa aking opisina habang kausap ang ama ni Elise, ganoon din ang ibang pamilyang namatayan dahil sa kanilang minamahal sa buhay na lumaban doon sa lugar ng mga lobo. Ngunit nang matapos ang pakikipag-usap sa mga pamilya ay kinausap ko muna ng pribadong usap ang ama ni Elise. “Paano ba yan Heter? Hindi ko akalain na ganyan ang gagawin ng iyong anak, tingnan mo kung gaano kadaming pamilya ang namatayan,” pahayag ko naman sa ama ni Elise na si Heter. Napatungo naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Kahit ako kataasan, hindi ko akalain na ganoon ang gaagawin ng aking anak kaya’t sobrang sama ng loob ko sa kaniya ngayon,” malumanay nap ag-kakasabi sa akin ni Heter. “Ano pa ng aba ang magagawa natin? Kung hindi ang tanggapin nalang ang mga nangyari dahil hindi naman na muli mabubuhay ang mga namatay,” saad ko naman sa kaniya. “Ano ba ang magiging parusa sa aking anak dahil sa nagawa niyang bagay na ito?” tanong naman niya kaagad sa akin. “Hindi ko gustong sabihin ito pero sa tingin ko hindi talaga muna siya karapatdapat na maging isa sa atin, lalo na ganoon ang ginawa niya. Sana’y maging leksyon sa kaniya ang mga nangyari pati narin ang nagawa niya, na dapat ang mga kasamahan ay tinutulungan kahit nauuna pa ang takot,” pahayag ko naman sa kaniya. “Pasensya na talaga kataasan, hindi na po talaga mauuulit. Kakausapin ko nalang ulit ang aking anak tungkol diyan, tungkol nga pala po sa anak mong si Lucas? Nakausap mo na ba? Dumating na ba ulit?” tanong naman niya bigla sa akin. “Sa ngayon, hindi pa siya nauwi ngunit alam kong nasa maayos na lagay ang aking anak na si Lucas. Kilala ko siya at alam kong hindi siya gagawa ng iba pang kalokohan depende nalang kung suwayin na ang aking kagustuhan,” saad ko naman kay Heter. Doon ay natapos na ang aming usapan at nag-pasalamat na sa akin si Heter. At nang makalabas ito ng aking kwarto sa palasyo ay bigla kong naisip ang aking anak na si Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD