Chapter 52

1961 Words
Lucas’s point of view Nahiga na kami ni Jeremy sa aming mga kama at habang ako ay nakatingin sa kizami ay bigla ko siyang tinanong, “Hanggang kailan ka ba dito?” Nagulat naman siya sa aking pag-kakatanong na iyon, “Huh? Bakit? Ayaw mo na ba agad na samahan kita?” tanong naman niya kaagad sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nang tumingin ako ay nakatingin din pala siya sa akin, “Hindi naman sa ganoon, nag-tataka lang ako bakit lagi kang nandyan para sa akin?” pahayag ko naman muli sa kaniya. Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at agad naman niyang sinagot ang aking katanungan, “Nag-iisa ka, nag-iisa din ako. At tsaka hindi lang naman basta pag-kakaibigan ang meron tayong dalawa eh, para na din tayong mag-kapatid sa nakikita ko at nakikita ng ibang tao, mas ayos na din sigurong may kasama ka ngayon kaysa wala hindi ba,” saad naman niya sa akin. “Sa tingin mo ba, sa ginawa kong ganito mabuti parin ba akong anak sa kanila?” tanong kong muli sa kaniya. “Bro, hindi ka naman kasi talaga masamang tao eh. Ginawa at sinabi mo lang ang tama sa kanila, kung anong nakikita mo. Nagkataon lang siguro na hindi mag-tugma ang sinasabi mo at sinasabi ng magulang mo sayo,” tugon naman muli niya sa akin. Huminga ako ng malalim nang sabihin niya iyon sa akin at sumagot ako, “Hindi ko alam kung paano mag-tutugma ang aking sinasabi sa kanila ganoon din sa akin dahil kahit noong una pa lang hindi naman nila inintindi o makinig man lang sa aking sinasabi, kasi kung maiintindihan nila hindi naman nila ito gagawin sa akin,” “Yun nga lang Lucas, hindi ko rin maintindihan yung sitwasyon niyo eh. Siguro mas iniisip nila ang kapakanan ng ibang tao kaysa sayo? O hindi ko rin sigurado dahil hindi pa naman natin alam kung anong nasa isip nila bukod sa pinoprotektahan ka nila,” pahayag naman niya sa akin. “Hayaan mo na nga, matulog na lang tayo, Good night bro,” pahayag ko sa kaniya. At nang pumikit na ako at lumingon na sa pader upang makatulog ay bigla siyang may itinanong sa akin, “Bro? tulog ka na ba? Hindi mo pa rin ba nararanasan ang magising ng hating gabi at mag-iba ang nararamdaman sa oras na iyon?” Bigla ko namang iminulat ang aking mata nang bigla niyang itanong sa akin iyon dahil sa gulat na hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin, “Ah—eh, naranasan kong magising ng hating gabi nang hindi ko inaasahan at nang bumangon ako at tumungo sa ibaba ng bahay ay nagulat ako nang nandoon din ang aking mga magulang,” tugon ko kaaagad sa kaniya. Lumingin ako kaagad sa kaniya at bigla siyang umimik muli, “Bro, kahit ako pero noong itinanong ko iyon sa aking ina isa lang daw ibig sabihin niyan. Malapit na tayong maging katulad nila dahil sa edad natin,” saad niyang muli sa akin. “Hindi pa ako handa Charles, hindi ko pa naiisip na maging isa sa kanila,” pahayag ko naman sa kanila “Pero gusto mong intindihin ka ng mga magulang mo?” tanong niya sa akin “Sa ginagawa nila sa akin parang ayaw ko na lang maging isa sa kanila,” pahayag kong muli sa kaniya. “Pero kahit anong gawin mo at kahit ayawan mo pa wala ka ng magagawa dahil nasa dugo mo na iyan at nasa dugo na natin yan,” saad naman niyang muli sa akin. At doon ay hindi na ako nakaimik nang sabihin niya iyon sa akin at muli na akong pumaling sa pader upang matulog kaya’t agad ko ng ipinikit ang aking mata upang matulog. Nakatulog ako kaagad nang ako ay pumikit.   Gregory’s point of view Ilang gabi na ang lumipas ay hindi parin umuuwi si Lucas, “Mukhang wala ng balak bumalik si Lucas ah?” pahayag ko sa aking asawa. “Hindi naman siguro ganoon mahal, uuwi parin yun dahil nasa dugo niya ang pagiging bampira. Tanda mo ba noong gabi na nagising siya at nagulat siya nang makita tayo na nandito sa baba?” tugon naman niya kaagad sa akin. Tumingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Kaso bakit ganoon mahal? Parang hindi niya tanggap na maging isa sa atin?” pag-tataka ko nang maisip ko rin ang nangyari kay Lucas noong gabing iyon. “H-hindi kaya may kaibigan siya na normal na tao at hindi katulad natin? Kaya hindi niya matanggap ngayon na ganito siya katulad natin?” pag-hula niya at nang sabihin niya iyon ay napaisip din ako sa kaniyang sinabi sa akin. “Hindi natin alam, pero kahit na. Nasa batas natin na hindi dapat kumaibigan ang isang bampira sa totoo at normal na tao pero bakit ginawa iyon ng ating anak sa atin?” pahayag ko naman sa aking asawa. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat, “Baka nakakalimutan mo asawa ko, kaya siya umalis dito at nag-layas dahil mukhang hindi natin pinakinggan ang kaniyang nasa isip at gustong sabihin sa atin at iparating, kaya siguro kumaibigan siya nang marunong makinig sa kaniya at iintindihin siya? Hindi ba?” tugon naman niya sa akin. Doon ay napaisip ako sa kaniyang isinagot sa akin at nanatiling nanahimik, “Hay nako, sige asawa ko.. mauna na muna ako at kakausapin ko ang ating mga kasamahan upang hanapin pa nang mas maigi ang tatay ni Charles, ang kapatid mo,” pag-papaalam niya sa akin Tumango naman ako sa kaniya at umalis na siya kaagad.   Damian’s point of view Habang ako ay nag-lalakad sa aming lugar at napadaan sa mga kulungan kung saan nandoon ang ibang mga bampira na nahuli ng aming angkan, ay bigla akong may napansin sa isang kulungan na pamilyar sa aking mata. Kaya’t agad akong pumasok doon at lumapit sa kulungang iyon habang isang anyo na lobo. “Hindi ba tatay ka ng kaibigan ni Lucas?” tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, at sinamaan ako ng tingin. “Oh? Anong gagawin mo sa akin? Akala mo may magagawa ka?” pahayag ko kaagad sa kaniya at muli siyang tumungo. “Anong kailangan niyo sa akin? Wala akong ginawa sa inyo para hulihin niyo ako ng ganito,” saad naman niya sa akin. Tumingin naman akong muli sa kaniya, “Alam ko, pero hindi ko alam kung anong ginawa mo kaya’t hindi ko masasagot ang katanungan mo. Depende nalang kung may kailangan kami sayo na dapat ay sabihin mo sa amin,” saad ko naman sa kaniya. “Sino? Ang magulang ni Lucas? O si Lucas? Kahit itanong niyo pa sa amin ang tungkol sa palasyo at angkan namin, wala akong sasabihin sa inyo,” matapang na pag-kakasabi sa akin ng ama ng kaibigan ni Lucas. “At ikaw pa ang may lakas at ganang mag-tapang diyan, hayaan mo ihanda mo nalang ang buhay po para mamatay. Hindi kami mag-aaksaya ng oras sayo kung iyan din ang unang isasagot mo sa amin, sayang at hindi ka muna nakapag-paalam sa pamilya mo,” pahayag ko naman sa kaniya. Nang matapos iyon ay agad na akong umalis dahil baka kung ano pang magawa ko sa kaniya, ngunit nang umalis ako ay saka siya nangsisigaw doon sa kulungan na pakawalan na siya dahil kailangan siya ng kaniyang magulang. At habang nag-lalakad ako patungo sa palasyo ay biglang lumitaw si Elise at hinila ako patungo sa kagubatan na puro puno at kami lang dalawa ang nandoon. “Anong kailangan mo? Bakit ka nandito? Hindi mo ba alam na delikado kung nandidito ka at baka lalo kapag naamoy ka nila?!” sigaw ko sa kaniya “Sabihin mo sa akin? Nasaan ang tatay ni Charles?! Ang kaibigan ni Lucas? Kailangan mo siyang pakawalan!” pahayag niya kaagad sa akin. Tumingin ako ng masama sa kaniya at nayabangan ako sa kaniyang pag-kakasabi sa akin, “Wow ha Elise? Baka nakakalimutan mo tapos na ang kung anong meron man sa atin, tapos ikaw pa ang may lakad ng loob na utusan ako at pakawalan kung sino man yang ponsyo pilatong tatay ng kaibigan mo?!” pahayag ko naman sa kaniya. “Please naman o—” naputol na kaniyang pag-kakasabi nang bigla akong nakaramdam na may dadaan malapit sa amin. “Wag kang maingay,” bulong ko sa kaniya. Napansin kong dahan-dahang nang-aamoy ang mga kasamahan ko sa palasyo at tila hinahanap nila ang mga iyon kaya’t agad akong nag-pakita sa kanila, “A-anong hinahanap niyo? May naamoy ba kayo? Pasensya na ah may kinain kasi ako sa bayan, umabot ata ang dugo dito,” pahayag ko agad sa kanila. “Mag-linis ka Damian, amoy na amoy ang dugo na nadala mo, baka mapag-kamalan na may tao dito sa ating palasyo mahirap na kapag nag-kagulo,” saad ng isa sa akin. “Sige sige, pasensya na ulit mag-lilinis na agad ako,” tugon ko naman sa kanila. At agad na silang pumunta sa palasyo at hindi na muling pinansin ang kanilang naaamoy sa lugar kung saan nandoon ako. “Bumalik ka na kasi sa inyo Elise! Tingnan mo kung gaano ka-delikado kapag nandito!” sigaw ko kaagad sa kaniya. “Please Damian, pakawalan mo na ang tatay ng kaibigan ko pangako kung ano ang gusto mo gagawin ko nalang para sayo,” pahayag naman niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin, “Alam mo, hindi ko na kailangan yang mga sinasabi mo. Kung noon mo yan sinabi sa akin, okay lang pero ngayong kaya mo lang sinabi yan dahil may kailangan ka, anong sense niyan? Kailangan ko totoo hindi joke Elise. At kung akala mo nakikipag-biruan ako pag-dating sa pag-mamahal, pwes sorry iba na lang,” pahayag ko sa kaniya. At agad na akong umalis at tumungo na sa palasyo at siya ay iniwanan ko na lang doon kung nasaan man siya. Doon ko napag-tanto na hindi ko kailangan ang isang tulad niya.   Elise’s point of view Sa sinabi ni Damian ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil kahit ako ay nasasaktan din sa kaniyang sinabi, ngunit kung iyon ang sinabi niya sa akin ay wala na akong magagawa doon kung hindi tanggapin na lang. Kaya’t matapos iyon at nang tumalikod siya ay tumalikod narin ako at nag-desisyong umuwi na lang kaysa pilitin ko si Damian na tulungan akong pakawalan ang ama ni Charles na posibleng nasa kulungan nila at nahihirapan na. Habang papabalik ako ay nagulat ako nang makita ang isang grupo na angkan namin kaya’t agad ko silang nilapitan at tinanong ang kataasan ng samahan kasunod ng ama ni lucas. “Ah—pasaan po kayo? Hindi po ba delikado ngayon kung ngayon kayo tutungo sa angkan ng mga lobo?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Iha? Hindi ba dapat nasa lugar ka natin? Bakit nandito ka? Delikado dito, hindi mo kailangang tumigil dito,” saad niya kaagad sa akin at hindi na sinagot ang aking itinanong sa kaniya. “Ah—sumilip lang po ako doon, pasensya na po,” tugon ko nang malumanay sa kaniya “Iha umuwi ka na, kung ayaw mong may mangyari pa dito at madamay ka sa kaguluhang posibleng mangyari sa mga oras na ito. “O-opo—” nang tumugon ako ay bigla iyong naputol nang biglang may lumitaw na malaking lobo kaya’t agada ko na tumakbo patago sa kung saan pwede akong tumago at tumakbo pauwi. “BAKIT KAYO NANDITO!???” sigaw ng isang lobo sa angkan ng isang bampira. Doon ay nag-simula ang aking takot habang papauwi sa aming lugar. Hindi ko akalain na makikita ko ang ganoong kaganapan sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD