Chapter 51

1939 Words
Lucas’s point of view Pag-sapit ng alas-singko ng hapon ay nag-paalam na ako kayna Luna, Jeremy at Jessica. “Paano ba yan, hindi na ako pwedeng mag-tagal dahil malayo-layo pa ang ibabyahe ko,” pahayag ko sa kanila. Sabay-sabay kaming tumayo nang sabihin ko iyon sa kanila, “Hatid ka na namin sa baba Lucas,” pahayag naman ni Luna sa akin. “Ah—eh hindi na, bababa pa kayo, mapapagod lang kayo. Kahit ako na lang, okay lang,” saad ko naman sa kanila. “Sigurado ka ba diyan bro? hindi ka ba nalulungkot doon sa tinitirahan mo?” tanong naman sa akin ni Jeremy. Umiling naman ako nang itanong niya iyon sa akin, “Hindi naman bro, okay lang ako doon. Pag dito kasi mahirap na, ayoko din na madamay kayo dahil sa kalokohang ginawa ko ngayon,” tugon ko naman agad sa kaniya. “Sige Lucas, mag-iingat ka ah? mag-sabi ka sa amin kapag nandoon ka na sa tinutuluyan mo,” pahayag naman sa akin ni Jessica. Nauna na akong pumunta sa pintuan, upang mag-sapatos at para hindi na mag-tagal ang aming usapan dahil paniguradong mas mahihirapan silang paalisin ako sa condo nila. “Mag-iingat ka Lucas,” saad naman sa akin ni Luna. Lumabas na ako ng pinto at muling lumingon sa kanila, “Oo ba, basta kayo din ah? kahit mag-kalayo tayo ay mag-sasabi lang kayo kung may problema ba,” saad ko naman din sa kanila Doon ay umalis na ako at kumaway na muli sa kanila, at ganoon din sila sa akin. Ilang segundo ay lumingon muli ako sa likod ko upang tingnan kung nakatingin pa sila sa akin, ngunit sa oras na iyon ay nakita kong hindi na. Doon ay  nag-simula na akong gamitin ang aking lakas upang makapunta kaagad sa basement at maging mabilis ang aking pag-alis dahil baka may makakita pa sa aking sasakyan. Nang makarating ako sa basement at may nakita akong gwardya ay agad akong bumalik sa pagiging normal at napansin naman ako nito, “Aalis na po kayo boss?” tanong naman niya sa akin. “Opo ser, sige po,” tugon ko naman kaagad sa kaniya. At nang makatalikod siya ay agad na tumakbo ako patungo sa aking sasakyan at binuksan na iyon. Nang makasakay ako ay nagulat ako nang biglang may bumaba galing sa itaas ng aking sasakyan, nagulat at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko sa aking harapan si Charles. Masama ang kaniyang tingin sa akin at dahan-dahang nag-lakad patungo sa pinto ko, at agad ko namang binuksan pababa ang aking bintana. “Bakit ka nandito?” tanong ko kaagad sa kaniya. “Wala ka bang balak umuwi? Hindi mo ba alam na maraming nag-aalala sayo sa palasyo?” tanong naman kaagad sa akin ni Charles. “Sa mga oras na ito, hindi ko muna kailangang umuwi. Wala din naman akong silbi sa palasyo na iyon, at alam kong hindi ako kailangan ng mga magulang ko, so hayaan mo ako ngayon kung saan ako pupunta,” saad ko naman sa kaniya. Nang sinubukan kong paandarin ang aking sasakyan ay bigla niya akong pinigilan, “Sasama ako,” saad niya sa akin. “Ha? Anong sasama? Hindi ka pwedeng sumama dahil hahanapin ka ng nanay mo,” pahayag ko naman sa kaniya. Agad naman siyang umikot at pumunta sa kabilang pinto upang doon siya pumasok, nang binuksan niya ang pinto ay hindi ko na siya napigilang umupo. “Tigilan mo nga ako Charles, bumaba ka na ngayon at wag kang sumama sa akin kung saan ako pupunta,” pahayag kong muli sa kaniya. “Bakit ba ang kulit mo? Kung hindi ka sasama na pauwi sa akin, hindi rin ako uuwi dahil sasama ako sayo. Wala ka ng magagawa kung hindi ang pumayag nalang,” saad naman niya sa akin. “Sasama ka sa akin ng wala kang kadala-dala? Paano ang damit mo?” tanong ko naman kaagad sa kaniya. Tumingin siya bigla sa akin ng masama, “Oo na, sige na, pahihiramin na lang kita. Basta wag mong sasabihin sa atin kung nasaan ako dahil hindi talaga kita tatantanan,” saad ko naman sa kaniya. Hindi siya umimik at nanahimik nalang nang sabihin ko iyon sa kaniya at tumingin nalang siya sa harapan habang hinihintay nalang niya ako na mag-simulang mag-maneho. Nag-maneho na ako papalabas sa condo nina Jeremy, “Paano mo naman ako natukoy dito? Eh wala ka namang kakilala na nakakausap ko, o pinag-sabihan ko kung nasaan ako?” tanong ko naman sa kaniya. “Bro, baka naiwan mo talagang nakabukas sa akin ang account mo at nakabukas din ang GPS mo. Malamang makikita kita, minsan kasi usong mag-sign out no?” pahayag naman niya sa akin nang itanong ko iyon sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako at nainis sa aking sarili nang sabihin niya iyon sa akin, “Eh bakit ba nag-pupumilit ka na sumama sa akin eh kahit pwede ka namang mag-paiwan dito, at for sure kakailanganin ka doon ng nanay mo, gusto mo rin bang mag-alala yun sayo?” tanong kong muli sa kaniya. Tumingin siyang muli ng masama sa akin, “Hindi mo ba ako titigilan diyan sa mga sinasabi mong walang kwenta? Malamang mag-sasabi ako na hindi ako makakauwi at hindi ko rin naman sasabihin kung nasaan ka, at kasama kita dahil paniguradong pauuwiin ako noon at pipilitin akong sabihin kung nasaan ka sa mga magulang mo,” saad naman niya sa akin. “Pero alam mo bro, hindi ko alam kung sisipagin pa akong umuwi sa amin at makita ang magulang ko na ginagawa ang kanilang trabaho na hindi ako kasali. Parang hindi ako belong, at nakakapagod din na mamroblema ako kahit alam kong wala akong magawa. I feel so stupid,” saad ko naman sa kaniya. “Wag ka kasing masyadong mag-overthink bro, minsan tugma tayo ng iniisip, pero dahil may pake naman talaga ang mga magulang natin sa atin nawawala din naman bigla, ewan ko nalang dyan sa nararamdaman mo nga,” pahayag niyang muli sa akin. Nang sabihin niya iyon ay nanahimik na lang ako dahil paniguradong hindi namin titigilang pag-usapan ang aking mga magulang ganoon din pati ang problema ko. Malapit na kami sa aming titigilan sa Tagaytay, ay napansin kong tulog na tulog siya. Kaya’t habang nag-mamaneho ako papasok ng aking hotel na tinitigilan ay agad kong ginising si Charles, “Huy gising na Charles, wake up nandito na tayo,” pahayag ko sa kaniya. “Hmm—” tugon naman niya. Hindi siya muling ginising nang makakita ako ng parking lot, at nang makaparada ako ay agad akong bumaba sa aking sasakyan at doon ay napamulat siya. “Oh? Hindi ka ba bababa diyan? Nandito na tayo,” saad kong muli sa kaniya Nang naimulat niya ng maayos ang kaniyang mata ay nagulat siya sa sa lamig bigla ng kaniyang naramdaman nang humampas ang hangin, “Bakit ang lamig? Nasaan ba tayo?” tanong niya kaagad sa akin. “Tumayo ka na diyan, ikaw eh hindi ka nag-dala ng damit sasama-sama ka pala sa akin, may extra jacket dyan sa likod, kunin mo at suutin mo, nasa Tagaytay tayo,” pahayag ko naman sa kaniya. “Tagaytay?!” sigaw niya biga nang sabihin ko iyon sa kaniya at agad naman niyang kinuha ang jacket ko sa likurang bahagi ng sasakyan. Nang makuha niya ay agad niya iyon isinuot at lumabas narin ng sasakyan. “Hindi ko akalain nag anito kalamig dito,” pahayag naman niya. “Kahit ako, pero na-enjoy ko naman ang simoy ng hangin nakakawala ng stress,” saad ko naman sa kaniya. “Wala ka na bang kukunin? Sasarhan ko na ang sasakyan?” tanong ko sa kaniya. “Ah—eh wala na, wala naman akong dalang gamit kung hindi wallet at phone hindi ba?” tugon naman niya sa akin. At nang isinagot niya iyon sa akin ay agad ko nang sinarhan ang aking sasakyan at agad na kaming nag-tungo sa loob ng hotel. Patungo na kami sa taas kung saan nandoon ang kwarto ko, nagulat siya nang sumakay kami ng elevator. “Wow bro, sosyal naman ng kinuha mong hotel. Hindi naman halatang pang-mayaman no,” pahayag naman niya sa akin. “Eh kung kaya mong mag-hagdan hanggang 50th floor try mo no?” saad ko naman sa kaniya. “Ay! Hindi na pala, okay na ako dito,” pahayag naman niyang muli at doon ay natawa ako sa kaniyang isinagot sa aking sinabi. Nang makalabas na kami ng elevator ay agad na kaming pumunta sa kwarto ko at pag-bukas ko ay doon ay muli siyang nagulat, “Oh? Baka magulat ka na naman? Hindi mamahalin itong hotel na ito, sadyang magagara lang sila mag-design, wag kang oa,” pahayag ko sa kaniya. Pumasok na kami at agad kong tinuro sa kaniya ang isa pang kama, “Doon ka, buti nalang dalawa ang kama na pinasukan ko at wala silang available nang makapunta ako dito na single bed lang ang laman,” saad ko sa kaniya “Eh—sakto naman palang para sa akin eh, siguro ako talaga dapat ang kasama mo dito hindi mo lang ako niyaya,” pahayag naman niya sa akin. “Sira ulo ka talaga kahit kailan,” tugon ko naman sa kaniya. Kinuha ko ang extra kong damit sa bag na pwede niyang masuot para makapag-pahinga na kami ng maaga, “Oh yan ang damit ko, wag mo naman dudumihan ah, mga paborito ko ang dala ko kaya please paki-ingatan,” pahayag kong muli sa kaniya. Agad niyag sinambot ang damit na inihagis ko sa kaniya, “Oo naman bro, makakatiwala ka sa akin,” tugon niya sa akin at agad siyang nag-tungo sa banyo upang mag-linis ng katawan at makapag-palit ng damit. Habang ako naman ay agad kong kinuha ang aking cellphone para makausap ang aking mga kaibigan. “Nandito na ako sa hotel, kararating ko lang. Si Charles sumama sa akin, nagulat lang din ako nang gusto niyang sumama sa akin. Pero alam ko namang hindi niya sasabihin kung nasaan kami dahil pinag-kakatiwalaan ko siya, wag kayong mag-alala guys. Safe naman ako, Happy Birthday ulit Luna!” pahayag ko kay Luna nang nag-send ako ng mensahe sa kaniya.   Luna’s point of view Habang nag-aayos na kami ng mga plato at nag-tatapon ng basura ay nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone kaya’t agad kong tiningnan kung sino iyon. Nagulat akong nang makita ko ang pangalan ni Lucas sa screen ng cellphone, “Oh, si Lucas nag-text,” pahayag ko sa kanila. Binasa naman agad ni Jessica ang mensahe ni Lucas sa amin, “Nandito na ako sa hotel, kararating ko lang. Si Charles sumama sa akin, nagulat lang din ako nang gusto niyang sumama sa akin. Pero alam ko namang hindi niya sasabihin kung nasaan kami dahil pinag-kakatiwalaan ko siya, wag kayong mag-alala guys. Safe naman ako, Happy Birthday ulit Luna!—bakit naman kasama niya si Charles? Kakaibang klase din yung kaibigan niya no?” pahayag niya sa amin. “Sobrang close sila simula pag-kabata, hindi naman natin masisisi kung gusto talaga ni Charles na sumama kay Lucas hindi ba?” saad ko naman sa kanila “Oo nga, siguro gustong-gusto lang talaga samahan ni Charles si Lucas dahil alam niyang mag-isa lang yun at tsaka hindi ba alam din naman ata niya ang pinag-dadaanan ni Lucas kaya nandoon siya sa kung saan walang makakaabala sa kaniya?” pahayag naman ni Jeremy “May point si Jeremy, atleast ang mahalaga ngayon may kasama na si Lucas at hindi na siya nag-iisa,” saad ko naman nang sabihin iyon ni Jeremy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD