Chapter 50

3172 Words
Luna’s point of view Biglang tumawag sa akin ang aking ina at agad ko namang siyang sinagot. “Happy Birthday anak!” pag-bati niya sa akin Doon sa pag-kakabati niya ay agad naman din akong sumagot, “Thank you ma, akala ko naman nakalimutan niyo na akong batiin,” saad ko naman sa kaniya “Ah—eh pasensya na anak ah, sobrang dami kasi naming ginagawa dito ng tatay mo kaya’t hindi agad kami nakatawag sa iyo, eh—kamusta naman kayo diyan ng mga kasama mo? May regalo ba sayo mga kaibigan mo?” tugon naman sa akin ng aking ina, Natawa naman ako sa kaniyang itinanong, “Opo ma, nakakahiya nga po sa mga kaibigan ko at nag-abala pa sila na bigyan ako ng regalo, tapos ma ang daming nilang inihandang pag-kain para sa akin,” saad ko naman sa kaniya. “Wow naman anak, sabihin mo sa kanila maraming salamat,” pahayag ng aking ina sa akin. At agad ko namang sinabi iyon sa aking mga kaibigan, “Guys, salamat daw sa inyo sabi ni mama,” “Wala po yun tita!” sigaw naman agad ni Jessica nang sabihin ko iyon sa kanila. Doon ay alam kong natuwa ang aking pamilya dahil sa ginawa ng mga kaibigan ko para sa akin. “So yun anak, tatawag na lang kami ng iyong mga lola mo kapag wala ka ng ginagawa ah? alam kong masaya kayo diyan kasama ang iyong kaibigan ay kausapin mo na muna sila, ha? Mag-iingat ka palagi diyan anak ko, mahal na mahal ka namin palagi,” saad naman sa akin ng aking ina. “Hayy—opo naman po ma mag-iingat po ako palagi para sa inyo at tatandaan niyo rin po na mahal na mahal ko din kayo, babye ma, ika-musta niyo nalang din po ako kayla lola ha,” pahayag ko naman muli sa kaniya. “Sige anak,” saad naman niya sa akin. At doon ay ibinaba na ng aking magulang ang tawag at kahit papaano ay naging masaya ako nang tumawag sila at batiin ako ng maligayang kaarawan. Bumalik na ako sa aking pag-kakaupo kasama ang aking mga kaibigan na sina Jessica, Lucas at Jeremy. “Oh? Ang daming pag-kain, ubusin niyo yan ha,” saad naman sa amin bigla ni Jeremy. “Kalmahan mo lang Jeremy, baka hindi kayanin ng tiyan maya-maya ulit at wag kang mag-alala uubusin natin yan, magugulat ka nalang,” saad naman kaagad ni Lucas nang sabihin iyon sa amin ni Jeremy. Nang biglang tinulak ni Jeremy si Lucas nang pabiro, “Sige ah! sabi mo eh!” pahayag naman niyang muli. Doon ay nag-simula na kaming mag-tawanan at mag-asaran. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman na maranasan ng hindi ko inaasahan ang mahalagang araw para sa akin at buong puso akong nag-papasalamat sa nasa sa paligid ko ngayon na maging posible ang kaganapang katulad nito.   Damian’s point of view Habang nag-lalakad ako kasama ang aking mga kaibigan galing sa mall ay bigla kong nakita si Elise kasama rin ang kaniyang mga kaibigan. Agad ko naman sinabi iyon sa aking mga kaibigan at agad ko namang nilapitan si Elise. “Huy! Huy delikado ka dyan pr—” putol na pag-kakasabi ni Raver sa akin nang makita akong papalapit kay Elise ngunit hindi ko ito pinansin. “Hi Elise!” pag-bati ko naman kay Elise at agad ko siyang inakbayan. Ngunit nagulat naman ako nang bigla niyang alisin ang aking pag-kakaakbay sa kaniya at lumingon sa akin. Umalis rin muna papalayo ang kaniyang mga kasama niyang kaibigan. “What are you doing Damian? Hindi ba sinabi ko tigilan mo na ako? Ilang beses ko ba dapat sasabihin sayo iyon at hanggang kailan ka ba hindi makakaintindi?” pahayag niya bigla sa akin. “Wait lang Elise ha, bakit ba pilit mo akong inilalayo eh wala namang gusto na sayo si Lucas hindi ba? Hindi ba dapat maging thankful ka nalang kasi nandito na ako ngayon?” saad ko naman sa kaniya. “Alam ko namang hindi na ako ang gusto ngayon ni Lucas, pero hindi naman ibig sabihin noon kailangan mo ng gawin ang gusto mong gawin sa akin? Nakakabastos ka naman masyado lalo na sa ginawa ngayon lang, nakakahiya sa mga friends ko,” saad naman niya muli sa akin. Nagulat ako sa sinabi ni Elise sa akin at doon ay nag-simula na akong mainis, “Alam mo Elise, akala mo kung sino kang malinis no para maging marumi sa akin? Baka nakakalimutan mo?! May nangyari sa atin! Kahit laway at hininga mo alam ko! At kahit ungol mo pa yan!” pag-sigaw ko sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang mga kaibigan at pati narin sa nakapaligid sa amin at naramdaman ko na nahihiya siya dahil sa aking sinabi, “Ewan ko sayo Damian! Ang bastos mo!” sigaw niyang muli sa akin. Tinalikuran ako bigla ni Elise nang sabihin ko iyon sa kaniya at agad naman akong lumingon kayna Leo at ngumiti dahil sa aking sinabi kay Elise. At bumalik na ako sa kanila, “Ano say niyo? Ayos ba? Hindi ba mukhang talo na siya ngayon?” pahayag ko naman kaagad sa kaniya. Nang bigla naman akong akbayan ni Raver, “Oo nga bro, galing mo sa part na iyon ah,” saad naman niya sa akin. “Syempre, hindi ko naman hahayaan na ibaba lang ako ng isang tao na akala mo kung sino no?” pahayag ko namang muli sa kanila. “Sira ulo ka talaga Damian, hahaha,” pahayag naman ni Leo. At agad na kaming umalis sa lugar kung saan doon kami nag-usap ni Elise at nag-hanap nalang ng bagong makikilalang babae na nasa sa paligid namin.   Elise’s point of view Habang nag-lalakad kami kasama ang aking mga kaibigan ay iritang-irita parin ako sa huling sinabi sa akin ni Damian. Nang biglang umimik sa akin si Hailey. “Girl? Seryoso ka? May nangyari sa inyong dalawa ng Damian na yun? Mygaaad! I can’t! hindi ko ma-imagine gurl!” pahayag niya sa akin. “Wala eh—he’s so fine naman before, pero alam mo yun everytime na nakikita ko si Lucas nabalik ang feeling’s ko sa kaniya,” saad ko naman sa kanila. “Siguro kaya lang na-open yun ni Damian kasi nasaktan rin siya sa ginawa mo sa kaniya kaya no choice siya na ilaban niya yun sayo kasi ibinagsak mo siya ng parang basura,” pahayag naman ni Georga. Napatingin naman ako sa kaniya, “Wait guys, you think seryoso si Damian sa akin? Hindi ko kasi makita sa kaniya if seryoso siya talaga kasi minsan gago talaga siya,” pahayag ko naman sa kaniya. “Girl, Ilang beses ka na niyang hinahabol pero noon oo nakikita ko siyang seryoso, pero ngayon? Hahaha girl, hindi ko na makita, bumabalik na ata ulit sa pagiging gago si Damian. Baka kung babalik ka, baka mag-bago ulit siya, sira ulo ka din kasi eh no,” pahayag muli sa akin ni Hailey. “Sorry guys, natakot lang siguro ulit akong magseryoso before sa kaniya, kaya hindi ko pa siya masagot-sagot—” naputol ang aking pag-kakasabi sa kanila “So hindi pa kayo? Gaga! Tapos may nangyari sa inyo at hinayaan mo lang yun?! At tsaka di ba hindi naman kayo parehas ng angkan, paano kaya kung mag-kababy kayo? Wolf half vampire? HAHAHA!” pahayag naman muli ni Georga sa akin. “Ewan ko sa inyo, napaka-seryoso ng usapan ginaganyan niyo ako,” saad ko naman muli sa kanila. Nang bigla ko silang iniwanan ang nag-deretso ng mag-lakad patungo sa aking sasakyan. “Wait lang! wait mo kami! Joke lang yun Elise!” sigaw bigla ni Hailey sa akin nang iwan ko sila.   Jessica’s point of view Habang nakaupo ako ay nakatulog na sina Lucas at Jeremy sa pagod nilang mga ginawa habang kami naman ni Luna ay nakaupo at nanunood lang ng TV. Nang bigla akong tinanong ni Luna, “Tingnan mo si Jeremy, wala ka bang nararamdaman para sa kaniya?” tanong niya bigla sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya, “Shh—manahimik ka nga diyan Luna, baka marinig ka,” saad ko naman sa kaniya. “Tanong lang, hindi ka naman maririnig niya dahil malayo sila sa atin,” saad naman niya muli sa akin. “Hindi—hindi ko alam, pero kapag nakikilala ko siya as totoong siya, nag anito pala siya, na kung anong iniisip ko noon sa kaniya hindi pala totoo, parang gumagaan lang loob ko sa kaniya. Hindi ko pa masabi na gusto ko na siya ngayon, pero mukhang nagugustuhan ko palang siya siguro ngayon. Ang hirap kasing mag-sabi ng totoong feelings lalo na kapag hindi ka pa sigurado, gets mo ba ako Luna?” pahayag ko naman sa kaniya. “Oo, naiintindihan ko naman. Pero tingnan mo nga siya, anong masasabi mo? Anong nararamdaman mo?” tanong niyang muli sa akin. Agad akong tumingin kay Jeremy nang itanong sa akin iyon ni Luna, “Magaan, hindi na katulad ng dati na sobrang bigat na kahit anong araw, kahit anong oras kaya ko siyang iwasana,” tugon ko naman sa kaniya kaagad. “Hindi ko rin akalain na ganiyang kabait si Jeremy ngayon, kahit si Lucas,” saad naman niya sa akin. Napatingin naman ako kay Luna habang nakatingin siya sa dalawa ni Jeremy at Lucas, “Akalain mo yun no? yung taong hindi mo inaasahan na makakalapit mo, yung taong hindi mo inaasahan na makakasundo mo, ay nakakasama at nakakasundo mo na ngayon at palagi pa ha. At sobrang thankful ako sa inyo,” pahayag niya sa akin, at napatingin naman siya sa akin. At dahil wala na akong nasabi sa kaniyang sinabi ay napayakap nalang ako ng mahigpit kay Luna, at bumulong, “Sobrang thankful ko din dahil nakilala at naka-close kita, hindi ko akalain na may tagapag-luto akong makikilala. Hahahhaa,” pabiro ko bigla sa kaniya. At doon ay bigla niya akong tinulak palayo ng pabiro, “Ewan ko sayo Jess,” saad naman niya. Nang biglang umimik si Lucas, “Rinig ko yun ah,” saad niya bigla Nagulat kami ni Luna at agad na nanlaki ang aming mga mata at sabay naming tiningnan si Lucas. “Lucaaaaaasss!!!!” sigaw namin sa kaniya Agad naming kinuha ang unan at inihampas sa kaniya, hinabol namin siya sa kung saan hanggang sa nagising sa pag-kakatulog ng mahimbing si Jeremy. “A-ano? Ano ang nangyayari guys? Bakit kayo nag-hahabulan?” tanong niya bigla sa amin. At bigla kaming napatigil sa pag-takbo, “Ah—wala wala Jeremy, matulog ka na diyan. Nag-lalaro lang kami nina Lucas, hindi ba lucas?” tugon ko naman kaagad kay Jeremy Tumango naman dahan-dahan si Lucas sa aking pag-kakasabi at agad namang bumalik na sa pag-kakatulog si Jeremy. Nang biglang sinapak ni Luna si Lucas, “Subukan mong mag-ingay Lucas ah! Subukan mo lang!” pananakot niya. Hindi nakaimik si Lucas at agad nanahimik nang sermonan siya ni Luna.   Gregory’s point of view Pababa ako ng hagdan ng makita ang aking asawa na matamlay na nag-hahain sa lamesa para sa miryenda, “Hindi pa ba natawag sayo ang anak natin mahal?” tanong ko sa kaniya Umiling siya ngunit hindi naman siya sumagot, kaya’t agad ko siyang nilapitan upang kausapin ng mahinahon. “Mahal? Alam kong nasa okay na lagay si Lucas at nararamdaman ko iyon, wag ng malungkot ah? uuwi din iyon,” saad kong muli sa kaniya. Tumingin naman siya ng dahan-dahan sa akin, “Pauwiin mo na mahal si Lucas, baka ikamatay ko kapag hindi siya bumalik sa atin. Siya lang ang nag-iisa nating anak kaya hindi ko maiwasang maging ganito, hindi ako mapakali, hindi mapakali ang isip at puso ko dahil sap ag-aalala sa ating anak asawa ko,” pahayag naman niya sa akin. Doon ay nalungkot ako nang sabihin niya iyon sa akin, kaya’t agad ko siyang niyakap ng mahigpit nang makita kong tutulo na muli ang kaniyang luha sa kaniyang mga mata, “Wag ka ng umiyak mahal ko, uuwi din sa atin si Lucas. Hind ko siya titigilang hanapin, basta para sayo mahal ko,” saad ko naman sa kaniya.   Charles’s point of view Narinig ko ang usapan ng mga magulang ni Lucas kaya’t kahit ako ay nag-aalala para kay Lucas ganoon din sa kaniyang ina. Kaya’t agad kong tinawagan ang numero ni Lucas, ngunit hindi ito nasagot. Nang bigla kong maisip ang mga kaibigan nitong sina Jessica at Luna, kaya’t naisipan kong puntahan na agad ito sa dorm nila kung saan may binabati ako palaging matandang babae na hindi ko alam kung anong pangalan. Agad akong lumabas ng kanilang bahay at tumungo sa kalye, sumakay kaagad ako ng tricycle para mas mabilis akong makarating patungo sa dorm nina Luna. Nang makarating ako doon ay nakita ko kaagad ang matandang babae, “Maganda hapon po la!” pag-bati ko sa kaniya Napatingin naman siya sa akin, “Magandang hapon din iho, pasaan ka ngayon?” tanong niya kaagad sa akin. “Ah—eh pwede po bang mag-tanong?” tanong ko kaagad sa kaniya “Oo naman iho, ano iyon?” tugon naman niya sa akin. “Ah—eh, kilala niyo po ba si Jessica at Luna? Kaibigan po kasi siya ng kaibigan ko, pwede po ba silang makausap? Ang alam ko po diyan po sila nakatira sa dorm niyo,” saad ko naman sa kaniya “Ah! si Luna? At si Jessica? Nako iho, wala na sila dito, at umalis na sila dito kahapon lang. Lumipat na sila ng tinitirhan, sinundo sila ng kanilang mga kaibigan din na may sasakyan, hindi ko alam kung saan sila nakatira eh, pero sabi nila dadalawin daw nila ako palagi dito kapag galing sila sa paaralan nila. Sayang nga at hindi ko nahingi ang kanilang numero dahil gusto ko rin silang tawagan, lalo na at ngayon ang birthday ni Luna,” pahayag naman sa akin ng matanda. Napakamot naman ako sa ulo, dahil akala ko ay iyon na ang pag-kakataon ko na mahagilap si Lucas, “Ah—ganon po ba, sige po tiya salamat po sa impormasyon. HInahanap ko lang po ang aking kaibigan na si Lucas,” saad ko naman sa kaniya. “Parang kilala ko iyong Lucas na iyon, yun ba yung gwapong binata?” tanong niya sa akin “Opo tiya!” tugon ko naman sa kaniya nang marinig na kilala niya si Lucas. “Isa rin yun sa sumundo noong maaga kahapon kayna Luna eh, kaso hindi ko talaga alam kung saan sila lumipat, hindi ko na maalala kung ano yung sinabi nila sa akin kahapon, matanda na ako eh. Pasensya na iho ah? ano ba ang pangalan mo? Para kapag dumaan dito sina Luna ay aking sasabihin,” pahayag naman muli sa akin ng matanda “Charles po tiya ang aking pangalan, makikisabi na lang po ah na napadaan ako dito at hinahanap ang aking kaibigan na si Lucas, marami pong salamat ah,” saad ko naman sa kaniya At tumigil na ang aming pag-uusap at nag-hanap na akong muli ng tricycle upang sumakay pabalik sa bahay nang mabilis. Nang makasakay ako at makarating rin agad sa bahay, ay pag-pasok ko ng bahay ay napaupo kaagad ako. “Oh? Anak? Saan ka ba nanggaling at ganyan ka kapagod,” tanong kaagad sa akin ng aking ina. Napatingin naman ako sa kaniya, “Wala ma, hinanap ko lang si Lucas. Nag-bakasakali kung saan, baka makita ko. Kaso wala eh,” pahayag ko naman sa kaniya. “Naku anak, hayaan mo na muna ang kaibigan mong si Lucas. Baka hindi niya lang maintindihan ang nangyayari sa kanila kaya’t ganoon na lamang ang desisyon ng kaniyang magulang para sa kaniya,” saad naman sa akin ng aking ina. “Pero ma, hindi po ba at kahit papaano ay may pinupunto din si Lucas? Ang gusto niya lang naman po ay tumulong sa kaniyang mga magulang at hind imaging isang anak nalang habang buhay. Ayaw niyang mawala ang kaniyang mga magulang at siya ang maiiwan sa kanila, iniisip lang din naman po ni Lucas ang kaniyang magulang na baka dahil sa nangyayari ay mawala nalang ang kaniyang magulang sa isang iglap. Masakit po iyon ng sobra kay Lucas, at kahit ako ay hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa inyo,” saad ko naman sa aking magulang. Nang sabihin ko iyon sa aking magulang ay agad siyang lumapit sa akin at naupo din sa upuan at tinabihan ako. Hinawakan niya ang aking kamay, “Anak, hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon sa atin. Ang sa amin lang, bilang mga magulang niyo ay mas poprotektahan namin kayo kesa sa aming sarili dahil kayo ay marami pang pag-dadaanan habang kami naman ay matatanda na at kakaunti nalang ang oras,” pahayag niya naman sa akin. Bigla ko siyang hinawaka ng mas mahigpit sa kaniyang dalawang kamay, “Ma, hindi pa kakaunti ang inyong oras. Hindi niyo naman kailangan isugal ang inyong buhay para sa amin eh—” putol kong pag-kakasabi “Pero anak, hindi niyo ba alam na ganyan din ang aming naramdaman dati noon buhay pa ang inyong mga lolo at lola? Ganyan din kami noong mga kabataan namin, kahit kami ay hindi namin matanggap, sa ngayon hindi niyo pa maiintindihan, pero kapag dumating ang araw na may pamilya na kayo, may anak kayo, ganito rin ang gagawin niyo,” saad niyang muli sa akin. Doon ay bigla akong nanahimik at bigla niya rin akong niyakap at muli siyang may sinabi, “Kaya’t habang nabubuhay pa kami ng iyong tatay, kung nasaan man din siya. Mahal na mahal ka namin, lagi mo yang tatandaan. Lahat ng ginagawa namin ay para sa iyo,” Doon ay tumulo bigla ang aking luha, at masakit para sa akin na ganoon na kaagad ang sinasabi ng aking ina.   Lucas’s point of view “Hindi ka ba hinahanap sa inyo Lucas?” tanong sa akin ni Jessica “Hinahanap, pero anong magagawa ko kung ayaw ko pang umuwi? Sa sitwasyon sa bahay, hindi ko matanggao,” tugon ko naman sa kanila “Ano ba kasing nangyari Lucas?” tanong naman kaagad sa akin ni Luna. Nang bigla ko siyang tingnan at doon ay nakaramdam siya na hindi ko pwedeng sabihin kaya’t agad niyang binago ang kaniyang tanong, “Ay—hindi pala, wag pala yun. Kailan mo balak umuwi?” tanong niyang muli sa akin. Nag-taas ako ng balikat, “Hindi ko alam, parang sa panahon ngayon nakakatamad umuwi,” tugon ko naman sa kaniya Nang bigla akong nilapitan ni Jessica, “Bakit hindi ka nalang dito tumigil muna para hindi ka nagastos doon sa tinutuluyan mo kung saan man yun, mas makakatipid ka pa,” saad naman niya bigla sa akin. “Ah—eh hindi pwede, doon na muna ako. Dito kasi posible akong makita dito, hindi nila ako tatantanan kapag ramdam nila at may kutob sila na nandito ako sa lugar na ito,” pahayag ko namang muli sa kaniya. Napabuntong hininga sila sa aking sinabi sa kanila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD